Chapter One

99 4 2
                                    

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko sa liwanag ng araw. Tirik na tirik masyado mula sa bintana kaya nagising tuloy ako nang wala sa oras. Never kong binubuksan ang kurtina sa apartment ko kaya nakapagtatakang bukas ito eh ako lang namang mag-isa ang nakatira dito. Pumikit-pikit pa ako ng makailang ulit at saka nag-inat. Kasalukuyang naghihikab pa ako nang mapansing hindi ko gamit ang nasa buong kwarto.

Shit! Nasaan ba ako? Kaninong kwarto ito?

Kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko at natataranta akong bumaba sa kama. Buti na lamang at hindi ako nalaglag. Nakahinga rin ako ng maluwag nang mapansin kong suot ko pa rin ang damit ko kagabi. Agad kong hinanap ang mga gamit ko sa paligid pero hindi ko makita.

Paano ako makakauwi nito?

Aligaga na ako sa paghahanap at kasalukuyang nakayuko dahil sinisilip ko ang ilalim ng kama nang may marinig akong tumikhim.

"What are you doing?" napalingon naman ako dun sa nagsalita.

"Ikaw? Ikaw ba nagdala sa akin dito ha?" tanong ko kay Luke. Tumango naman siya. Napabuntong-hininga naman ako dun. Buti na lang pala. Patay ako kung ibang lalaki ang kasama ko kagabi.

"Ano bang ginagawa mo kanina?" tanong nya ng nakatayo pa rin sa bungad ng pintuan.

"Hinahanap ko yung bag ko. Saan mo ba nilagay?" at lumapit na ako sa kanya pero tumalikod na sya at naglakad palabas.

"Nasa sala" sagot nito nang nakatalikod. Tsk. Ang suplado talaga. Kaya tuloy hindi sya magustuhan ni Allysa.

"Tapos na pala akong mag-luto ng almusal kaya kumain ka muna bago umuwi" pahabol na sinabi nya bago tuluyang lumabas ng silid.

Sumunod naman na ako sa kanya papuntang kusina. Natakam ako agad sa mga pagkaing nakahain. Hindi halata sa kanya kapag nakita mo sya pero isa syang mahusay na chef. Lucas Hontiveros is one of the most famous celebrity chef. He also owns a five star restaurant sa hotel ni Tristan, ang kanyang bestfriend / lalaking mahal ko. I approached him nang malaman kong head over heels siya sa girlfriend ni Tristan na si Allysa. Ipinakilala ko ang sarili ko sa kanya noon dahil gusto ko ng kakampi para sa plano kong paghiwalayin si Tristan at ang girlfriend nya. I know it is very evil but I've been called like that so many times. Hearing those words don't bother me anymore.

"Ang sarap mo talagang magluto! Bakit kaya hindi na lang sa iyo na-inlove ang babaeng yun?" sabi ko at tuloy-tuloy na sumubo.

"Alam mo kung wala kang sasabihing maganda, manahimik ka na lang" umiirap na sabi nya at inilapag ang baso na may juice sa harap ko.

"Now I know kung bakit hindi ka nya nagustuhan. Ang sungit mo kasi eh" pero syempre pabulong lang yung huli. Tiningnan nya lang ako ng masama at bumalik na sa paglalaro sa cellphone nya.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at nanahimik na lang. Ang boring namang kasama ng lalaking ito. Binilisan ko na lang tuloy ang pagkain ko para matapos na at makaalis sa bahay ng mamang ito.

Tapos na akong kumain at akmang tatapak na ng kusina nya nang hawakan nya ako sa braso.

"Ako na. Mamaya mo may mabasag ka pa" tiningnan ko lang ang kamay nyang nakahawak sa braso ko. Agad naman nyang nakuha ang ginawa ko kaya binitawan nya rin ako.

"Okay lang naman na ikaw na maghugas nyan. Kaya lang kasi ikaw na nga ang nagluto tapos ikaw pa nag-asikaso sa akin kagabi. Isipin mo na lang na pa-thank you ko ito"

"Okay lang. Ako na nga dahil baka may mabasag ka pa" at kinuha na sa akin ang plato.

"O sige eh di ikaw na" at ipinaubaya ko na sa kanya. Tss. Akala naman nya hindi ako marunong maghugas ng pinggan. Umupo na lang ako sa may stool sa harap ng bar counter at pinanuod syang maghugas. Nakatalikod sya sa akin pero pinanuod ko pa rin sya. Ang sexy ng likod nya at sa hubog pa lang ng katawan alam mo ng matipuno sya. Actually gwapo naman talaga si Luke. Kung nauna ko nga lang syang nakita ay baka sa kanya ako nahulog. Pero kasi, si Tristan na talaga ang laman ng puso ko. He was the only one who showed me kindness when  it seemed like the world was against me and that was more than enough to make me fall for him.

"Enjoying the view?" at saka ko lang narealize na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Inirapan ko naman sya.

"Yeah, super" he just smirked at pinunasan na ang kamay.

"Anong oras mo nga palang balak umuwi?" tanong nya nang makitang umupo pa ako sa sofa nya.

"Bakit? Pinapaalis mo na ba ako?" at binuksan ko pa ang tv. Tinatamad pa kasi akong umuwi sa bahay.

"Hindi naman pero ano nga bang meron sa'yo? Tinatamad ka pang umuwi no? Pwede ba sa susunod na magpapakalasing ka eh wag ako ang istorbohin mo"

"Hindi ko naman alam na ikaw pala yung natawagan ko eh. Wag kang mag-alala last na yun"

Narinig ko pa syang bubulong-bulong bago pumasok ng kwarto nya. Komportable na akong nanunuod ng tv nang lumabas si Luke na naka-polo na at hawak ang uniporme nya sa hotel.

"Wala ka bang balak pumasok ngayon?" tanong nya.

"Mamaya na. Magpapahinga lang ako"

"Tsk, tsk. Kanina ka pa nagpapahinga eh. Kumilos ka na nga dyan para sabay na tayo pumuntang hotel. Mahiya ka naman sa akin dahil stock holder ako doon at kahit papaano ay boss mo ako"

"Sabi ko nga kikilos na ako" at tumayo na ako at pinatay ang tv.

"Luke, may damit ba dyan na pwede kong gamitin? I mean wala na kasi akong matinong damit oh. Ayaw kong pumasok ng gusgusin at halatang nag-inom. Nakakahiya pati kay Tristan"

"Tristan na naman. Tumigil ka na Shaira. Engaged na yung tao"

Nag-igting ang mga panga ko nang marinig ang dahilan ng pagpapakalasing ko kagabi. Lagi naman akong umiinom pero last night lang ako hindi tumigil hangga't hindi ako tumutumba. I got wasted to the highest level believing na makakalimutan ko yun kahit sandali and I did. It just so happened na bumalik din lahat when I become sober.

"Kung ang asawa nga naaagaw pa eh fiancé pa kaya? Hindi ako susuko without a fight. I've been fighting ever since ipinanganak ako. Hindi ako magpapatalo dahil lang dito" at kinuha ko na ang bag ko.

"Alis na ako. Thank you for taking care of me last night. Pasensya na rin sa istorbo these past few days. Akala ko kasi we were on the same page. It turns out that we're not. Kung ayaw mo talaga akong tulungan, okay lang. Bye" at lumabas na ako sa condo nya. Sakto namang paglabas ko ang pagtulo ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Dali-dali akong tumakbo sa elevator at impit na umiyak.

This can't be. Hindi ako pwedeng magpatalo. Hindi pa naman sila kasal eh. can still win. can still win. I can still win.

Marahas kong pinahid ang mga luha ko at lumabas ng elevator. Pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko kaya naiirita akong lalo.

"I know I look like shit! Quit staring pwede ba?!" hindi ko na napigilan ang sumabog sa inis. Kung ano-anong bulungan na naman ang narinig ko mula sa mga tao. Sometimes I just really want to be invisible. Parang lahat na lang kasing ginagawa ko may pumupuna. I wonder kung kailan matatapos lahat ng sinasabi ng tao. Alam kong sanay na ako pero minsan kasi ang hirap talaga. Kahit wala na akong ginagawa, my mere presence makes people uncomfortable. Kahit hindi nila sabihin, I can see it in their eyes.

After all, eyes are the windows to one's soul.

Confessions of a KontrabidaWhere stories live. Discover now