Chapter Five

55 4 1
                                    

"Please Luke" ulit ko sa kanya. He didn't say any word at umupo lang sa tabi ko. I gave him a glass at nginitian siya.

"Thank you. Thanks for not leaving me" sabi ko at itinaas ang baso. Inisang lagok ko yun.

"You must really find me pathetic right now. Nakakainis! Nakakaawa talaga ako no?" pagak na tawa ko at tumingin sa kanya.

"I'm really pathetic. Here I am, balik na naman sa pagiging kawawa tapos kasama pa kita!" inom ko ulit sa alak.

"Alam mo Luke! Magsalita ka naman! Can't you pretend to care for me? Kunwari concern ka at sasabihin mong 'No, you're not pathetic Shaira', 'No, that's not true!' kasi the way you look at me right now, katulad ka lang din ng iba eh" I brushed away yung nakatakas na luha mula sa aking mata.

"Why do I always need to be like this? Gusto ko lang naman maging masaya. Bawal ba yun? Masama ba yun? Why can't I experience things other people experience? Why can't I have what I want? Ha?"

"You're really drunk right now. Tama na nga yan" pigil nya sa basong iinumin ko sana. Inagaw nya yun sa kamay ko.

"No, I'm not. Hindi pa ako gaanong lasing kasi kilala pa kita. Hmm... You're not Tristan. You're Luke! Pwede bang magpanggap ka munang si Tristan kahit ngayong gabi lang? Sige na oh! Just... Just be like him. Pre... Pretend that you actually care for me" tawa ko. Napasubsob na lang ako sa lamesa.

"Shaira, I'm not Tristan and I'll never be like him" narinig kong sabi nya.

"Kaya nga kunwari lang eh! Para kahit papaano naman maramdaman kong nandito siya" wala sa wisyo kong sabi dahil hinihila na ako ng antok habang nakayuko. Naramdaman ko namang binuhat nya ako at inihiga sa kama. Bahagya akong naalimpungatan nang magsalita siya.

"I may not be him but I also care for you"

Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko dahil wala ako sa wisyo. I immediately drifted off to sleep nang maramdaman ang comfort ng kama ko.

Kinabukasan, nagising akong sobrang sakit ng ulo. Medyo nagsisi tuloy ako sa dami ng ininom ko kagabi.

"Argh! Ang tanga ko talaga!" daing ko habang sinasabunutan ang sarili.

"Stop it. Ikain mo na lang muna yan then drink two advils for your hang-over" napaangat ako ng tingin sa nagsalita. I saw Luke standing at the door holding a cup of coffee. Lumapit siya sa akin then gave me the cup na sya namang kinuha ko.

"Hindi ka umuwi kagabi?" tanong ko matapos uminom ng kaunti. Umiling naman sya.

"How can I when you begged me not to leave?" nakakaloko nyang pahayag.

"Excuse me! Wala akong matandaang nagmakaawa ako sa'yo no!" sabi ko kahit na malaki ang possibility na ginawa ko nga yun.

"Okay, sabi mo eh. Hindi naman ako mananalo sa'yo" at tumayo na siya sa kama ko.

"Bakit? Nakikipag-away ba ako sa iyo? Hindi naman ah" irap ko naman.

"See? Ewan ko sa'yo. Punta ka na lang sa kusina ha. Ang aga-aga nakikipag-bangayan na naman ako sa iyo" at naglakad na siya palayo. I smiled at his back. Ngayon ko ulit napatunayang nahawaan ni Tristan ang mamang yun ng kabaitan pero kaunting hasa pa. Dami kasing reklamo eh tapos mas magaling pang umirap sa akin.

Agad na sumalubong sa akin paglabas ng kwarto ang masarap na amoy ng niluto ni Luke. Umupo agad ako sa lamesa para kumain.

"Luke, kumain ka na ba?" tanong ko. Nag-angat naman siya ng tingin at parang may kung ano sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Nakakailang at nakakapanibago.

"Hoy! Ang sabi ko kung kumain ka na ba?" ulit ko kasi naiilang na talaga ako sa tingin niya. Dahan-dahan naman siyang tumango.

Nagsimula na akong kumain and I swear the best ang luto nya. Ang swerte ko naman dahil isang chef pa talaga ang nagluto ng almusal ko. Ganado akong kumakain dahil sarap na sarap ako sa niluto niya.

"Ang kalat mo kumain" upo ni Luke sa katabi kong upuan. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Masarap eh" sabi ko. Sinubo ko na ang huling kutsara ng pagkain ko at ininom ang juice na inabot niya.

"Thank you" sabi ko after dumighay. Nakita ko namang napangiti siya tapos tinitigan na naman ako. I'm not really fond of holding back. Oo, ginagawa ko yun pero syempre kung hinihingi lang ng sitwasyon. Pero, kung may gusto akong itanong eh tinatanong ko. The same goes kung may gusto akong sabihin.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin Luke" prangka kong sabi. Hindi na siya nagulat sa inasta ko. Halos apat na taon na rin naman kasi naming kilala ang isa't isa. Tristan introduced us to each other nang bumalik ng Pinas si Luke four years ago.

"I changed my mind" sabi nya.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Huh? What exactly do you mean?" pinakatitigan ko siya.

"Just tell me what to do and I'm going to help you"

"Luke, get to the point will you. Medyo masakit pa din ang ulo ko and I can't think as sharp as I usually do" diretsahang sabi ko. Wala kasi ako masyadong maintindihan sa mga sinasabi nyang pabitin pa.

"I'm willing to help you attain your happiness. Kung si Tristan nga ang makagagawa nun for you... Then tutulungan na kita"

I smirked at him.

"Bakit? Nabuhay ko ba kagabi yung hidden desire mo kay Yssa o dahil sobra kang naantig sa akin kagabi dahil nakakaawa - "

"I want you to be happy, Shaira. That's why I'm going to help you"

I was speechless. Unang beses kong narinig ang mga salitang yun mula sa iba. Madalas kong sinasabi sa sarili kong gusto kong sumaya o gusto kong maging masaya. I never imagined that someone would say those words to me.

"I'll go ahead. I-contact mo na lang ako regarding your plans kung may maitutulong ako" kaway nya sa akin habang naglalakad. I just stood at my doorway staring at his back habang naglalakad palayo.

After nyang sabihin yung kanina ay wala akong masabi. I didn't know what to say. Hindi kami nag-usap at tinulungan nya lang akong maghugss sa kusina, neither of us saying a word.

The feeling of wanting your own happiness and working hard to earn it is good. However, others wanting you to have that same happiness and helping you attain it is better. Much much better.

Confessions of a KontrabidaWhere stories live. Discover now