HT2: Something In The Bush

133 4 0
                                    

This happen 1 week ago. Karanasan ito ng kaibigan ko.

Nasa labas ako nun naglalaro ng ml. Nakikipiso wifi lang kasi ako sa kapitbahay namin ng time na 'yon. Pass 1 am na nun ng naranasan ko 'to. Hindi naman ako lumalayo sa bahay. Actually, nasa tapat lang ako ng pintuan namin. 300 meters kasi ang kaya ng wifi range. Kulob na ang katahimikan nun.

Lahat tulog na maliban sa akin.

Busy ako kakalaro ng ml. Nagpapa legend kasi ako. Stock parin kasi sa epic 1 no star. Laging talo. Bweset na match making 'yan! Balahura talaga 'tong si moonton kahit kelan! Laro lang ako ng laro hanggang sa sumapit ang 2:30 am. May narinig akong manipis na boses galing sa kalangitan. At pamilyar na pamilyar ito.

Isang kekek.

Sabi nila kung nakarinig ka daw ng huni ng kekek nanghahanting daw ang mga 'to ng buntis. Kapag malakas daw ang boses nito nasa malapit lang daw 'yon. Kapag mahina naman daw nasa malayo daw ito (parang baliktad ata) Tatlong beses kong narinig ang huni niya at malakas ito.

Trivia: bakit wakwak ang tawag sa WAKWAK? Kasi, maririnig mo silang humuhini ng "wakwak" kaboses nila ang ganza o goose sa english. Nanghahanting din ito ng buntis. KEKEK ang tawag kasi ang huni nila kekek din. Nanghahanting din ito ng buntis. Pero, sabi ng iba. Kapag may kekek daw ginaguide daw nito ang mga sigbin.

Nung una hindi ako natakot. Tumingala pa nga ako sa taas, eh! Wala naman akong nakita. Binaliwala ko na lang. Baka napadaan lang siya. So, balik ako sa paglalaro. Nang humuni na naman ito. This time, dalawang beses lang ang narinig ko. Tumingala ulit ako sa taas. Wala akong nakita. As in WALA! Mga bituin lang at buwan ang tanging nakikita ko.

Medyo, gumapang na ang takot sa aking katawan. Sumasagi kasi sa isipan ko ang sinabi ni mama tungkol sa kekek. Tapos, ako na lang mag-isa sa labas. Kaya, unti-unti akong humakbang papunta sa pinto ng bahay namin. Kaso, napahinto ako. Para kasing may nahulog sa may damuhan.

Sa tapat kasi ng pinaglalaruan ko may mga damo. May kanal kasi tas napapaligiran ito ng mga damo nga. Ulit-ulit? Ligaw ata na damo. Tapos idagdag mo pa ang mga halaman ng kapitbahay namin na nakahilira sa mga damo.

Napatingin ako doon. Medyo madilim sa bahaging 'yon. Hindi saklaw ng ilaw ng poste ang parte doon. Babaliwalain ko na sana ng may narinig ako. Hindi ko alam saang parte ng lugar. Pero, parang malapit lang sa akin.

Kaya humakbang ako ng mga limang hakbang pasulong. Tas palinga-linga ako sa paligid. Naririnig ko parin kasi ito. Para siyang aso na hiningal. 'Yong tipong nakalaylay ang dila niya. Ganung ganun.

Nung una, wala talaga akong nakita pero, naririnig ko parin 'yong hinihingal nga na parang aso. Ulit-ulit na naman tayo! Hindi mahina, hindi din malakas. 'Yong sakto lang ang tunog nito. Sobrang kuryos ko ng mga oras na 'yon. Inon ko pa nga ang flash light ng cellphone ko. Inilawan ko 'yong damuhan. Kasi, parang doon nanggagaling ang hingal.

Kaso, kamuntik ko ng mabitawan ang cellphone ko sa nakita ko. May gumagalaw kasi sa may damuhan. Ewan? Hindi ko alam kung ano 'yon. Basta nandoon lang siya. Parang anino na nakatalikod? Hindi ko talaga sure. Mahina kasi ang flash light ng cellphone ko. Medyo old na 'yong phone ko. Huwag nyo ng itanong kung anong brand.

Tumama 'yong flash light ko sa gumagalaw. Hindi klaro sa akin kung ano 'yon. Madilim kasi. Naririnig ko parin 'yong hingal. Wala akong ideya kong bakit siya hiningal. Baka nauuhaw or napagod kakatakbo? Ah, ewan!

Napagdesisyonan kong itigil ang ginagawa ko. Wala din naman akong napapala. Napagpasyahan ko ng pumasok na sa loob. Subalit, napalingon ako ng may naramdaman akong may lumipad sa may likuran ko.

Split seconds lang. Sobrang bilis niyang lumipad pataas. Nagsitayuan ang balihibo ko sa nasaksihan ko. Patakbo akong pumasok sa bahay at nilock ang pinto.

Naghanap ako ng black na t-shirt. Hindi naman ako buntis pero, sinuot ko 'yon. (Orasyon daw 'yon para sa mga wakwak or kekek. Pero, madalas nagsusuot nun ay mga buntis) Medyo, napalakas ata 'yong pagsara ko sa pinto. Nagising ko tuloy si mama nun. Sinabon ako ni mader ng galit.

Pero, tumatagos lang lahat ito sa tenga ko. Iba kasi ang nasa isip ko ng oras na 'yon.

Takot.

Horror Tale 2Where stories live. Discover now