HT2: There's Something On The Roof

37 1 0
                                    

Hi I'm back! HAHAHA!
May kwento ako sa inyo. Hindi naman ito nakakatakot but more on nakakabother siya. Although, minsan lang ito nagpaparamdam between 12am or 1am. Depende sa kanya. Matagal na siyang dumadalaw tuwing hatinggabi. Kahit noon pang mga taon.

Lagi akong nagigising kapag andiyan na siya. Maliban sa kapatid kong tulog mantika. Sino ba namang hindi magigising kung may bigla na lang tumalon sa bubong ng bahay niyo? At sa bubong pa talaga ng kwarto ko.

Kaya hindi ko maiwasang magulat sa pinaggagawa niya. After niyang tumalon (na para bang nahulog ito sa langit) pabalik-balik siya sa paglalakad. Tapos yong mga lakad pa niya bumabakat sa bubong namin. Yong tipong ang bigat-bigat ng nasa ibabaw.

Maingay at nakakadisturbo siya. Syempre, may pasok ako kinabukasan. Hindi ako makatulog hanggat hindi siya umaalis sa bubong namin. Nakakinis. Gusto kong lumabas para tingnan sana kung sino 'yon pero, masyado akong natatakot para sa sarili ko.

Na baka pag silip ko eh, siya yong bumungad sa akin. Lagi naming iniisip kung pusa ba iyon or aso? At sa tingin ko wala sa dalawa. Kasi magaan lang yong pusa eh! Saka, hindi naman umaakyat yong aso sa bubong namin. Saan naman dadaan yong aso? Eh, puro two storey ang mga bahay ng kapitbahay ko. Tanging pusa lang ang nakakaakyat sa bubong. I don't know kung kaya ng aso makaakyat.

Nung one time nga malapit ng mag 12am andiyan na siya. Palakad-lakad sa bubong namin. We're too scared to go out and face it. Kaya ang ginawa ng kapatid ko eh sinapak niya yong bubong kung nasaan siya. Bigla naman itong nawala.

Akala namin nawala na talaga ito ng tuluyan pero 5 minutes lang bumalik na naman siya.

"Hoy! Umalis ka sa bubong namin hayop ka!" Bulyaw ng kapatid ko habang tinatapik ng kapatid ko yong bubong.

Sinaway siya ng partner niya kasi daw baka hindi yan kagaya namin tapos may mangyari pa sa kanya.

Hindi naman nakinig si brother. Patuloy parin ito sa pag sasalita. "Mag hahatinggabi na't lahat-lahat nag iingay ka pa dyan! Matulog ka din hoy!" Dagdag pa niya.

Natatawa na lang kami ng girlfriend ng kapatid ko (live in na kasi sila) Paano ba naman kasi kinakausap yong nasa bubong namin eh hindi nga kami sure kung ano o sino talagang nandoon eh!

I don't know what to do.

Kahit anong gawin namin bumabalik parin ito sa bubong. Hanggang sa naisipan naming tingnan na talaga ang bubong kapag bumalik ito ulit.

And it's back again.

Palakad-lakad ito sa bubong. Lumabas ang kapatid ko para tingnan ang nasa ibabaw kaso wala naman siyang nakita. May pusa raw na itim pero hindi naman ito nag lalakad. Nakaupo lang daw sa bubong namin.

So, nag tataka talaga kami kung sino ba talaga yong nasa ibabaw ng bubong namin tuwing hatinggabi?

Or masyado lang naming tinatakot ang sarili namin?

Hindi ko alam.

Kaya kapag nandiyan siya hinahayaan ko na lang.

Saka na lang ako matutulog kapag nakaalis na siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Horror Tale 2Where stories live. Discover now