HT2: The Passenger

97 3 0
                                    

This happen long time ago. Hindi naman 'to nakakatakot. Creepy lang.

Galing kami nun ng birthday party ng tropa. Pauwi na kami sa apartment namin that night. Gabi na nun. Siguro, nasa past 11 na.

Hindi kami nag tagal sa party kasi may trabaho kami bukas. Isa kaming promodiser sa mall. Iisang mall lang ang pinasukan namin kaso, hindi kami pareho ng binibentang product.

Naasign kasi ako sa jeans wear for boys. Samantalang siya sa jeans wear for girls.

Actually, naging friends lang kami dahil sabay kaming nag apply at sabay din kaming natanggap. Simula nun naging close kami at sabay kaming umuuwi sa work.

Magkatabi lang ang apartment namin. Minsan nag sesleep over ako sa apartment niya minsan naman sa apartment ko. Pareho kaming walang gurlfriend.

Hindi ko alam kung bakit? HAHA! Hindi naman kami pangit. Ewan ba? Hindi naman din kasi kami nag mamadali.

Nakasakay na kami nun sa jeep. Magkatapat kami nun. Kaming dalawa nalang ang sakay kasi nagsi babaan na yong mga pasahero sa distinasyon nila.

Habang bumabyahe kami nag kwentuhan lang kami ni Axle tungkol sa crush niya sa party.

Natotorpe ang ogag.

Sobrang ganda kasi ng babae saka mukhang mahiyain. Kaya ayon! Hanggang tingin na lang siya. Tamang ngiti at sulyap sa crush niya.

Patuloy lang kami sa kwentuhan kung saan saan na kami napupunta. Napag-usapan din namin ang biglaang change shift namin bukas.

Opener na kasi ako bukas habang siya closer na. 9:00 am to 8:00 pm kapag opener ka. 1:00 pm to 10:00 pm naman kapag closer ka. Ganun talaga. But, it lasted for just one week lang naman.

Habang nagkwekwentuhan ay napatigil kami sa pag-uusap ng biglang huminto si manong sa may kanto.

Siguro, mga sampong segundo din ang itinagal niya. Nagkatinginan lang kaming dalawa at sabay na nagkibit balikat. Nawewerduhan kami kay manong.

Para bang may pinasakay siyang pasahero gayong wala namang tao.

Binaliwala na lang namin 'yon. Hanggang sa nag tanong ito.

"Saan kayo baba?"

"Sa dimakita ang halaga ko street po manong. Ito po ang bayad namin." Sabi ni Axle at inabot ang pamasahe namin.

Tinanggap naman niya ito na medyo may pagtatakang nakatingin sa rear view mirror ng jeep niya.

Kaso, nanindig ang balahibo namin sa isa pa niyang tanong.

"Mga hijo, hindi niyo ba napansing bumaba 'yong babae kanina?" Tanong niya.

Nagtaka kami sa tanong niya. Akala namin ay tinatakot niya kami o napaparanoid na siya.

"Ho?" Sabay naming tanong.

Mas nagimbal kami sa sinabi niya.

"May babae kasing pumara kanina. Naka pula. Mukhang galing ito sa party kaya pinasakay ko. Naupo ito sa dulo niyo." Kwento nito.

Baka iyon siguro ang dahilan kaya siya huminto saglit kanina. Tanong ko sa isipan ko.

"Nako manong. Kami lang ho ang pasahero niyo." Sagot ni Axle sa kanya.

Habang ako tahimik lang.

Medyo natakot kasi ako sa kwento ni manong driver.

Napakamot na lang ito sa batok niya. Sino kaya ang tinutukoy ni manong?

----

Horror Tale 2Where stories live. Discover now