Chapter 3

282 29 7
                                    


RITA'S POV




Nagising ako kinabukasan na wala na si Ken sa tabi ko. Maaga pa pero mukhang umalis na siya.

Umupo ako habang tabing pa rin ang kumot sa katawan ko. Wala na ang mga damit namin sa lapag. Napansin ko ang mga iyon sa laundry basket. Tumayo ako sa kama at pumunta sa cr para makapag-ayos ng sarili.

Malamang na sa labas na naman siya kakain. Haaaay... Ni hindi na niya ko ginising para maipaghanda ko siya ng makakain.

Napabuntong-hininga na lang uli ako nung maalalang sa kaniya nga pala mismo galing na hindi niya kakainin ang kahit anong ihahanda ko para sa kaniya.

Pero baka naman nasabi lang niya yun dahil sa galit na nararamdaman niya kahapon. Baka dala lang ng emosyon niya kaya niya nasabi yun..

Asawa na niya ko kaya kailangan na gampanan ko yung tungkulin ko sa kaniya. Kilala ko siya, hindi rin niya ko matitiis. Mapapatawad din niya ko sa nagawa ko sa kaniya..

Napangiti ako sa isiping iyon at mabilis na ring nag-ayos ng sarili ko para makapagluto na ko.

Iniluto ko talaga ang paborito niya para hindi niya ko matanggihan mamaya kapag pumunta ko sa building nila.  Para naman makasabay ko na rin siya sa pag kain. Mas late ng konti ang lunch break nila pero ayos lang, kaya ko namang maghintay para sa kaniya. Kaya kong tiisin ang gutom ko para lang makasabay ko siya kumain.

Bigla tuloy ay mas naging excited ako para sa araw na 'to. Sana talaga makasabay ko siya kumain mamaya!

----------------------------

Madalas na si Ken ang kasabay ko noon pumasok kasi sa kanila ko nakatira dati.. Pero dahil maaga na nga siya pumapasok ngayon, wala akong nagawa kundi ang mag commute na lang. Hindi rin naman gano'ng kalayo ang school dito sa tinitirahan namin kaya isang sakay lang nandoon na rin ako.

Habang binabagtas ko ang hallway ng building namin ay napansin ko na ang kakaibang tingin ng mga tao sa'kin. Kita ko sa kanila ang panghuhusga sa mga mata nila.

But who cares? Wala akong pakialam sa kanila! Husgahan na nila ko dahil kahit noon pa man, iba na rin naman ang tingin nila sakin dahil kila Ken ako nakatira.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa may marinig akong nagbulungan sa likod ko.


"Baka nga buntis kaya biglaan yung pagpapakasal nila. Sino ba naman ang magpapakasal ng biglaan, di ba?" bulong nung isa.


"E di ba hindi naman siya yung gusto ni Ken?" bulong din nung isa.

"Yun na nga eh.. Baka nga may milagro siyang gina-"


Agad akong humarap sa likod ko at tinignan sila.





"Kesa puro chismis ang inaatupag niyo, pagmasdan niyo muna ang mga sarili niyo sa salamin! Ang lalakas ng loob niyong pag-usapan ako sa likod ko!" mataray kong banggit sa kanila.






Agad naman silang umalis dahil sa mga sinabi ko.







Tch! Ang lalakas ng loob pag-usapan ako! Akala mo mga perpektong tao! Bwisit!!






Pero... kung tutuusin, magugulat naman kasi talaga sila dahil ang alam dito sa school ay magbestfriend kaming dalawa ni Ken. Kahit sinong nakakita ng picture namin nung kasal ay hindi talaga maniniwala na totoong ikinasal kaming dalawa dahil alam nilang ibang babae ang gusto ng asawa ko. At hindi 'yon lihim sa lahat kasi naipublish sa school paper namin ang tula ni Ken para sa babaeng gusto niya... Sa babaeng gusto na niya sanang pormahan. Kaya nga gumawa na ko ng paraan para hindi niya magawa ang gusto niya. Desperada na kung desperada, pero hindi ko talaga kakayanin kapag napunta siya sa iba.







Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon