Chapter 7

260 32 8
                                    


RITA'S POV

Napatingin ako sa katabi ko nung mapansin kong nakapikit na siya sa mesa niya kaya agad ko siyang kinulbit para magising siya.

Effective naman dahil umayos siya ng upo at umiling-iling para gisingin ang sarili niya.

"Baka mahuli ka ni sir." banggit ko. Alam kong matalino siyang tao pero walang sinasanto ang professor naming 'to kapag may nakikita siyang natutulog sa klase niya.

Napabuntong-hininga siya. Mukhang katulad ko ay wala pa rin siyang tulog.

Oo, hindi pa ko nakakatulog. Hindi kasi umuwi kagabi si Ken. Tinatawagan ko siya kaninang madaling araw pero hindi niya ko sinasagot.

Saan kaya siya natulog?

Pasimple kong tinignan ang cellphone ko pero wala pa rin siyang reply sa mga texts ko. Hindi rin siya umuwi sa bahay kaninang umaga. Baka may kung ano nang nangyari doon.

Pumasok kaya siya?

"Sir!"

Agad kong naitago ang phone ko at napatingin kay Harvey nung tawagin niya si sir.

Baka isumbong ako ng kumag na 'to dahil binuksan ko ang cellphone ko.

"Yes Harvey?" tanong ni sir.

"Pwede pong pumunta ng clinic? Medyo masakit po kasi ang ulo ko." banggit niya. Magmumukhang totoo naman kasi namumula-mula pa ang mata niya dahil sa bagong gising siya.

Kaya siguro siya nakatulog kasi masakit ang ulo niya. Dapat pala hindi ko na lang kinulbit para mas nakapagpahinga siya. Kaso lagot naman siya kapag nahuli siya.

"Go ahead. Magpasama ka na kay..."

"Sir, sasamahan daw po ako ni Rita." banggit niya na ikinalaki ng mata ko.

Damuhong 'to! Ano'ng sasamahan??! Wala naman akong sinabing ganun ah! Kailan ko sinabing sasamaha-

"Okay sige. Rita, bumalik ka agad once na maihatid mo na sa clinic si Harvey." banggit ni sir dahilan para tumayo na si Harvey.

Teka... Good mood si sir? Bakit parang ang bilis niya ata mapapayag ngayon?

"Tara na." mahinang banggit ni Harvey dahilan para tumayo na rin ako.

At kung nakakamatay lang ang titig, malaman na patay na ako dahil sa mga masasamang titig ng mga inggitera kong kaklase. Well... ano pa nga bang bago, di ba? Malamang na issue pa sa kanila 'tong pagsama ko kay Harvey.

Hindi ko na sila pinansin at sinamahan na si Harvey palabas ng room.

"Dapat hindi ka na pumasok kung masama pala ang pakiramdam mo." banggit ko nung makalampas na kami sa room.

"Sino bang may sabing masama talaga ang pakiramdam ko?" tanong niya at tinignan ako. "Ayokong may utang na loob ako sa ibang tao. Ginising mo ko kanina kaya hindi ako nahuli ni sir. Ngayon, gumawa ako ng excuse para makalabas ka at magamit mo ang phone mo. Mukhang kanina ka pa may hinihintay na text eh." banggit niya dahilan para mapatitig ako sa kaniya.

"Hindi talaga masakit ang ulo mo?" tanong ko.

"Hindi." banggit niya. "Kaya quits na tayo, tinulungan mo ko, tinulungan din kita. Bilisan mo na para makabalik din agad tayo." dagdag niya. "Sino bang hinihintay mong magtext sayo? Asawa mo?" tanong niya.

"Chismoso ka na ngayon?" sarcastic na tanong ko dahilan para umiling-iling naman siya na para bang dismayado sa binanggit ko.

"Pupunta ko ng clinic para humingi na rin ng gamot, baka biglang tanungin ni sir si nurse mamaya." sambit niya. "Puntahan mo na ang building nung asawa mo tapos dumiretso ka rin sa clinic para sabay na tayong bumalik sa room. Bilisan mo ha?! Baka biglang magpa surprise quiz si sir." banggit niya at lumakad na papunta sa clinic.

Until The Last Drop Of HopeWhere stories live. Discover now