Chapter 6

227 29 5
                                    


RITA'S POV



Pagkauwi ko sa bahay ay medyo nagulat ako na nasa sala si Ken. Mas maaga siyang nakauwi ngayon kesa sa inaasahan ko. Halos isang linggo na rin kasi siyang madaling araw na umuuwi at lagi na lang lasing. Pero ngayon, mukhang hindi siya nakainom. Mukhang pag-uwi niya kanina sa school ay dito talaga siya dumiretso.



At sa totoo lang, biglang bumundol ang malakas na kabog sa puso ko. Kabog na hindi dala ng pagmamahal ko sa kaniya, kundi kabog dala ng pangamba at takot. Mas kinakabahan akong makita siyang prenteng nakaupo sa sofa habang nanonood. Para bang ramdam na ramdam ko sa aura niya na hindi maganda ang naging araw niya ngayon. Ganito rin yung pangamba ko nung huli kaming nag-usap ilang araw na ang nakaraan.




"Bilisan mong magbihis. Mag-usap tayo." seryosong banggit niya dahilan para bahagya akong magulat. Hindi ko inaasahan na magsasalita siya kaya feeling ko mas bumilis ang tibok ng puso ko sa nangyaring 'yon.







Nagsalita siya na hindi man lang tumingin sakin. Sa tono pa lang ng boses niya, parang alam na alam na talaga niyang ako ang dumating.


Pero bakit nga ba hindi, di ba? E kami lang namang dalawa ang nakatira dito sa bahay. Kaya malamang na alam niyang ako yung dumating. Haaaaay...



"A-anong pag-uusapan natin?" mahinang tanong ko at unti-unting lumakad papunta sa kinaroroonan niya pero natigilan din ako nung tignan niya ko ng seryoso.



Tinitigan lang niya ko ng seryoso at walang binanggit ni isang salita pero para bang ang mga titig na yun na ang kumakausap sakin. Bigla ay napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at napatungo bago lumakad papunta sa taas para magpalit muna ng damit.

Nakahinga lang ako ng maluwag nung makarating ako sa kwarto. Ilang segundo akong nagstay muna sa pagkakasandal sa pinto para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit pero malakas talaga ang pakiramdam ko na hindi na naman maganda ang pag-uusapan namin ngayon.

-------------------------

Pagbaba ko ay agad akong lumapit sa kaniya at umupo sa single sofa katabi ng kinauupuan niya.




Ipinatong niya sa table ang isang familiar na brown envelope na galing sa bag niya.




Nangunot agad ang noo ko nung makita na naman ang familiar na envelope na iyon.



"Alam kong alam mo na ang laman ng envelope na 'yan. Gusto kong pirmahan mo 'yan ngayon sa harap ko." banggit niya at iniusod papunta sa kinaroroonan ko ang envelope na iyon.

"Nakapag-usap na tayo dito, di ba? Sinabi ko na sayong hindi ko pipirmahan 'yan." banggit ko. Aaminin kong unti-unting kumukulo ang dugo ko nung makita ko uli ang familiar na envelope na 'yon. Alam ko kung ano ang nakalagay doon dahil pinilas ko mismo ang papel na 'yon dahilan para magalit siya ng todo sakin nung huli kaming mag-usap.

"Ganyan talaga katigas ang ulo mo?!" galit na tanong niya.

"Sinabi ko na sayo, Ken. Hinding-hindi ko pipirmahan 'yan." banggit ko.

Nagulat ako nung bigla niyang hampasin ng malakas ang mesa. Kita ko sa mga mata niya na galit talaga siya. Halos mamula na ang mukha niya dahil sa inis na nararamdaman sakin. Ganitong-ganito ang reaksyon niya nung huli kaming nagkausap tungkol sa Annulment papers na 'yun.



Feeling ko ay gusto ng lumabas ng puso ko sa sobrang takot sa ginawa niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Para bang kayang-kaya niya uli akong saktan anumang oras ngayon dahil sa galit niya.




Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon