CHAPTER 5: Ang babaeng hinimig ng musika

2 0 0
                                    

(October 30, 2020)

HENNA GARCIA's POV



"Yung notebook?" tanong niya.

"Ha? Kakilala ni Nahum yang cheap na yan?"

"Aba! Iba kung makaariba etong cheap na to ha!?"

"Truelly! At anong notebook daw?"

Iilan yan sa mga naririnig kong usapan sa paligid ko. Tinignan ko naman si Nahum na walang idea sa pinaggagawa niya. Pinandilatan ko siya bilang tanong na "Anong ginagawa mo?" skskksks. Ewan ko ba parang ayaw ko mag-salita.

"Ang sabi ko, yung notebook ko, yung binili natin sa bookstore nung sabado." Malaka na sambit nito na mas naging dahilan ng pag kagulat ng marami lalo na itong dalawang katabi ko. Gulat na gulat sila sa pinagsasabi nitong si Nahum.

"Ah, sige." Yun nalang ang naging tugon ko saka ko nilabas sa bag ko ang dalawang pink na may design na winx club sa bag ko. AHHAHAh natatawa ako habang inaabot yung notebook sakanya kasi ramdam at rinig ko ang mas lumalang gulat ng mga tao.

"bat pink? Bakla ba si Nahum?" ani ng mga bulong bulungan.

"Relax guys, It's just a color and a designed cartoon, nothing more. It doesn't correlates with my sexuality." Ngiti niya. "So pwede? Mind your own bussiness?" tugon nito sa kurusidad ng madla at natahimik naman sila na para bang sinampal sila sa katotohanan.

Tama naman siya, wala naman sa kulay at idolo mong cartoon ang sekswalidad ng isang tao. At iyon na nga nag si alisan ang mga studyante sa paligid namin at kanya kanyang gumumik sa sarili nila. Hayss salamat naman at sa ganoon.

"Ah, mawalang galang na sainyo ha, pero baks? Anong sabay kayong bumili?" naaaning na tanong ni Jana saakin ganon rin ang reaksyon ni Pau.

Natawa nalang si Nahum sa nangyayari. Ikwinento ko sakanila ang nangyari sa kanila kahapon at as usual ang oa nanaman ng mga reaksyon nila.

"Baka destiny kayo ni Papi Nahum?" banggit ni Pau. Nilingon ko agad siya kasi out of no where ganoon nalang ang ibinibigkas niya.

"Siguro." Tipid at mahinang sambit ni Nahum sapat na para ako lang makarinig.

"Ano yun paps Nahum?" paguulit ni Jana at nginitian nalang siya. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko na siyang ikinitawa naman nila.

Patapos na ang oras namin sa theology class namin at syempre aalis na si Nahum dahil doon lang namin siya kaklase.

"Ahm, ano, Henna, can I get your number? Or any social media account in case lang na may mga ipagawa yung prof natin without my notice. Okay lang ba?" saad nito. Wala naman akong intensyong tumangi dahil alam kong pagtulong naman iyon. Isinulat ko nalang sa likod ng notebookniya ang pangalan ko sa facebook at cellphone number ko incase na hindi niya masagap mga announcement ni mam.

Ewan ko ha? Pero feeling ko andami kong nakakaclose sa araw na ito. Una si Kenzo ngayon naman, naging kaklase ko pa si Nahum. Diba? Ano ba to? HAHAHA. Ayoko nalang mag-expect.

Hay! Ewan ko ba. Pero ayos na iyon at least mas marami na akong kilala ngayon.

Naging okay naman ang araw ngayon pero siyempre mas marami nanaman ang nainis saakin dahil sa mga paandar ni Nahum kanina.Mas naging mainit ata ako sa mata nila dahil kilala ako ng isang artistahaysss.

Palabas na ako ng klase dahil ito na ang huli naming period at papasok na ako agad sa trabaho kahit na may libreng 30mins pa ako, sakto para makapunta sa stock room.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unsung Songs of Henna Garcia for Ramon CruzWhere stories live. Discover now