CHAPTER 3: Ang babaeng may pangalan.

0 0 0
                                    

(October 29, 2020)

HENNA GARCIA's POV




Papunta na ako sa unibersidad ngayon. Sabado bago ang Lunes na simula ng klase.

Pinatawag kasi kami pala mag-ayos ng mga gamit, naglini kasi sila nung nakaraang buwan bale ito yung huling linis o polish nalang.

Sa Art Bldg ako nailagay kaya naman excited ako kasi nandoon yung mga musical instruments na naka stock. Pwede ko kayang hiramin saglit lang hehehe.


"Ms. Henna? Bago ka diba? Halika, i tour kita sa building. Ako nga pala si Bebi, head ng mga janitress dito, sinabi saakin ni Sir Gonzales kung ano gagawin mo. Halika." Pagsasaad nito saakin.

Mukhang mabait na may pag ka strikto si Mam Bebi, siguro kasi dahil may edad na? Hahaha. Siguro lang naman...

Tumungo kami at may 6 na palapag itong bldg kasama na ang rooftop.

"So dito sa 3rd floor, dito naka stock yung mga musical instruments, mga art students kasi alam mo na palatambay dito lalo na mga art students na may kinalaman sa music talaga." Tumango tango ako. May naiiisip kasi ako.

"Ahh, madam Bebi, pwede po bang mag-request?" nahihiya kong tanong sakanya.

"Oh ano yun?" Nakataas ang isa niyang kilay. Nakakatakot naman.

"Pwede po bang mag request na ditong floor niyo nalang po ako ilagay? Hehehe kung pwede lang naman." pakiusap ko sakanya... Nagisip isip naman siya.

"Ako kasi ang nakatoka dito eh, hmmm pero since ang papalitan mo ay nakatoka sa 1st floor, sige papalitan kita tutal 2 at kalahatinf oras ka lang naman diba? Sige payag ako pwede tayo g magpalit." nag ningning ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ah salamat po Madam, ah eh last na po. Pwede po bang gamitin at hiramin mga instruments pag walang studyante?" Mas lalo lang tumaas ang kilay niya at nanlisik pa lalo.

"Wala naman sinabing bawal pero pag nasira mo, automatic na papalitan mo ha." Yeheeey!!!!!!!! 

Matagal na akong di nakakahawak ng gitara, huli ko na nung nasa high school ako at gitara iyon ng kaklase ko.

Nilibot na namin lahat ng floors ng building mula sa 1st hanggang rooftop. Sinimulan na rin naming mag ayos kasama ang floor partner ko na si Kuya Jayar. Per floor kasi may 2 standby janitors.

Ang lawak pala ng Art bldg. Hindi kasi ako napapagawi dito kasi puro sa bldg lang namin kami nagagawi.

Pagod na pagod ako sa pag aayos ng mga room at mga stock rooms. Nagpaalam ako kay kuya Jayar na dadako lang ako sa instrument stock room.

Malawak ang room na ito, mas malawak pa sa bahay namin. Maayos ang pagkakahanay ng mga instrumento. Nakaseparate lahat depende sa klase.

Inuna kong pinuntahan ang mga gitara, bale ang nandoon ay anim na gitara na magkakaiba ang hugis, kulay at laki. Kinuha ko yung ika 3sa malalaki sakto lang.

Binating ting ko ito... Ayan hehehe medyo kailangan ko ng exercise.

Una kong pinandagan ang key of E at nag bansag ng isang strum. Naluha ako sa pakiramdam na makakagamit muli ako ng ganito.  Hanggang sa tinuloy ko na ang susunod na mga key.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko basta pakiramdam ko lumulutang ako at naiiisip ko lamang ang batang Ramon sa harap ko. Nakangiti lang ako.

Napagdesisyonan kong gitarahin ang unang kantang aking isinulat...



"You're still the one from day one"

The Unsung Songs of Henna Garcia for Ramon CruzWhere stories live. Discover now