CHAPTER 4: Ang babaeng may bagong kaibigan

1 0 0
                                    

(October 30, 2020)

HENNA GARCIA's POV

Alas singko palang ng madaling araw ay gising na ako. Inagahan ko talagang magising ng maaga para kahit papano ay hindi nako makikipagsiksikan o makihalubilo sa mga studyante. Alam niyo naman sa unibersidad na iyon.

Nag luto ako ng ginisang kangkong saka itlog at isinangag yung tira kong kanin kagabi. Ang hirap pala ng wala ka nang kasama sa pagkain, simula noong bata pa kasi ako, si Ramon lagi kasama ko kumain, noong nasa bahay ampunan naman ako'y kasama ko dati si Mikaela, malapit na kaibigan ko sa bahay ampunan at pagkatapos si nanay Sita rin.

Hindi ko lubos maisip na mapapagdaanan ko ang pagpapalit palit ng mga kasama sa buhay. SIno kayang susunod? tas mawawala rin agad. Joke ehehhehe.

Sa pag-higop ko ng mainit na kape, nilalasap ko lang ang lasa nito, natuto kasi akong uminom ng kape noong si nanay Sita na kasama ko, hindi kasi kami nag kakape ni Ramon. Bilin niya saakin na hindi pwede sa mga katulad naming mga bata ang kape. Kaya ayon.

Teka, bat puro Ramon nalang lagi? Mas lalo ko lang siyang namimiss eh. Hays. Kung andito pa kaya siya, magkasama kaya kaming naguumagahan ngayon?

Magkasama pa rin ba sana kami ngayon?

"Siguro?" pag kikibit-balikat ko sa kawalan.

Ang hinangad ko lang dati ay makasama ko lang si Ramon kahit na nag hihirap kami. Ewan ko ba mas bumibigat lalo ang umaga ko kapag lagi kong inaalala yung mga sayang na pagkakataon kung kasama ko pa siya ngayon.

-------------

Nakapag-ayos na ako at handa na ako sa skwela. Nag-laba pa ako bago ako naligo kanina dahil konti rin lang ang mga gamit ko.

Bago mag 7:30 ay nakapasok na ako sa campus. First day palang naman kaya siguro hindi pa masyadong busy ang mga tao. At may iilan nang mga tao siguro sila yung may mga klase ng maaga kaya maaga sila. Hihintayin ko muna sila Jana at Pau rito sa harap ng chapel sa loob ng school.

Habang minamasdan ko ang mga mayayamang studyante na nilalagpasan lang ako may napansin akong isang lalaki na naka back-pack na naka eye glass at aligaga habang nakahawak at nakatingin sa pamilyar na libro, yeah ang student manual.

Base sa kilos niya, mukha siyang bagong salta at hindi alam ang lugar na ito at tila may hinahanap. Baka isa siyang freshman. Napabuntong hininga na lamang ako at saka siya nilapitan.

"Uy!" paghuhuni ko sa bandang gilid niya. Mukhang nagulat siya. Pag tingin ko sakanya pag-katapos niyang humarap ay bahagya rin akong nagulat.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Biglang nagsitayuan ang mga buhok sa aking balat. Hindi ko masapo ang dapat maramdaman. Hindi pwede. Hindi maaari. Napakaimposible.

"Ahh, miss? hello? did u hear me?" panggigising niya saakin. Natulala pala ako ng bahagya sa harap niya. Ikinalma ko muna ang sarili ko bago ako ngumiti at nagpakilala.

"Hi! Ako nga pala si Henna Garcia, fourth year! bago ka lang ba? I can help you." pag priprisenta ko sakanya. Aba! lumaki kaya akong pala tulong sa kapwa.

"Oh right! thank God!" masayang sambit nito na para bang naalis ang tinik sa puso. "I'm Kenzo Rivera. I'm a transferre. Huhu. I'm lost kasi. Kuya Guard told me to follow this map but mas nakakahilo lang." pag eexplain niya saakin.

bakit napa cute niya magsalit? halatang anak mayaman rin base sa pananalita.

"Oh sure, I can help you! So are you a freshman? what program?" pagtatanong ko sakanya siyempre nag english na rin ako para makasabay naman. hehehhe

The Unsung Songs of Henna Garcia for Ramon CruzWhere stories live. Discover now