EIGHTY FIVE

7.2K 211 56
                                    

D E A N N A's




" Deanna bilisan mo namang mag-igib dyan at magbabanlaw na tayo " pasigaw na sabi ni tatay napahawak nalang ako sa ulo na sumasakit kanina pa lintek na lambanog ito






" tay bakit may gripo naman tayo, dipa tayo doon kumuha ng tubig " reklamo ko paglapit sa kanya





" kung pwede lang sana edi hindi tayo nagpapakahirap na nag-ibig ng panlaba natin, kaso hindi pwede magagalit ang nanay mo " sagot ni tatay habang nagkukusot ng damit sabi ko ako na sana ang gagawa nun kaso sabi ng mabait kong asawa baka daw masira lahat ng damit namin kaya si tatay ang nagkusot ako ang taga-igib



See? Ang bait talaga ng asawa ko noh?

Never akong naglaba ng damit ko, at hindi ako nag-iigib since may kasama naman kami sa bahay pero eto ako ngayon.



Pag malaman to ng lolo at lola ko maging si Dad pagtatawanan nila ako at feeling ko malalaman nila paano ba naman kinukuhanan ako ng picture ng asawa ko worst may pa-video pa at talagang nag-eenjoy sya sa ginagawa nya



" teka tay bakit naman sya magagalit kung sa gripo tayo kukuha ng tubig? " nagtatakang tanong ko




" paano ang sabi nya doon tayo sa poso kumuha ng tubig para daw pagpawisan tayo ng husto at mailabas lahat ng alak sa katawan natin kaya huwag ka ng magreklamo dyan kung ayaw mong nalintikan kay Jessica " banta ni tatay wala na akong magawa kundi sumunod napabuntong hininga nalang ako




" tay!, ate Deanna oh eto pa daw mga beddings isunod nyo " sabi ni Mafe nanlaki ang mata namin ni tatay akala namin tapos na mas marami pa palang kasunod

Jusko naman

" hoy Mafe! patapos na kami saka kakalaba lang yan ng nanay mo nung isang araw ah " reklamo ni tatay ngumisi lang si Mafe



" Ewan ko tay kay na--- " hindi na natuloy ni Mafe ang sasabihin ng lumabas si nanay na seryosong nakatingin sa amin


" ano yung narinig ko? Nagrereklamo kaba jes? " taas kilay na tanong ni nanay mabilis na umiling si tatay



" h..hindi ako nagrereklamo mahal ang sabi ko lang naman patapos na kaming maglaba ni Deanna saka naman nilabas ni Mafe yung ibang labahin " dipensa ni tatay nagpipigil ako ng tawa





" ano naman ngayon kung patapos na kayo? Hindi pwedeng magsimula ulit?  " tanong ni nanay




" ay sabi ko nga mahal baka meron pa kayong idadagdag na ipapalaba para minsanan nalang hehe " palusot ni tatay  ngumisi lang si nanay bago tumalikod napailing nalang kami ni tatay



" nakita mo to diba? isa lang ibig sabihin anak mas marami ka pang iigiban haha " natatawang sabi ni tatay




Hayyy mahaba-habang labahan to, I'll mental take note of that " NO TO LAMBANOG "


J E M A's



" Nay grabe naman kayo kay tatay at sa asawa ko, kita mo oh tagaktak na ang pawis nila saka hindi naman sanay sa gawaing bahay ang asawa ko " reklamo ko kay nanay pero natawa lang sya




" hayaan mo sila dyan na pagpawisan yun nga ang rason na pinagawa ko sila ng mga gawain dito sa bahay para maipawis nila yung alak sa katawan nila " sagot ni nanay wala na akong magawa kundi umiling





I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now