FIFTY EIGHT

8.5K 222 11
                                    

J E M A's

Inaantay kong sunduhin ako ni Deanna nagtext na syang papunta na kanina, pero hanggang ngayon wala pa sya.

Nag-aalala na tuloy ako baka napano na ang mahal ko, hindi man lang sya magsabi kung may nangyari naiinis tuloy ako

Nako Deanna Wong umiinit ang ulo ko sayo!

" Ma'am uwian na po " sabi ni Roma tumango lang ako

" Sige na Roma mauna kana susunduhin naman ako ni Deanna " sagot ko naman

" Pwede naman pong samahan kita dito hanggang sa dumating po yung sundo mo " nakangiting sagot nya umiling lang ako

" hindi na Roma no need baka may nag-aantay din sayo " sagot ko naman

" sigurado ka ba ma'am? " tanong nya tumango lang ako at ngumiti

" sige na mag-ingat ka " sagot ko nalang tumango sya at nagsimulang naglakad tinignan ko lang sya hanggang sa makalabas ng office

Mukha namang walang bakas na nanganak sya

Pero nakakalinlang ang kagandahan Jessica

Ilang sandali lang ay may narinig na akong tumigil na sasakyan baka si Deanna na yan kaya mabilis ko ng kinuha ang mga gamit ko

Tama ako sasakyan ito ng fiance ko pero nakakapagtaka naman atang hindi sya bumaba agad

Huminga ako ng malalim dahil mukhang nadadagdagan ang pagkainis ko sa kanya

Binuksan ko ang pinto ng passenger sit bahala sya kung ayaw nyang lumabas

" SURPRISE! " yan ang narinig ko pagbukas ng pinto

Oh my! Nandito sila Nanay, Tatay at Mafe tinignan ko si Deanna na nagpipigil sa pagtawa inirapan ko sya

So ito pala ang dahilan na late nya akong sinundo dahil nandito ang family ko

Agad naman ako yumakap kila sa kanila

" Mukhang namayat ka anak " bungad  ni Nanay

" Nay hindi po, matagal nyo lang po siguro akong hindi nakita kaya ang tingin nyo po pumayat ako " paliwanag ko

" nagpapasexy yan Nay baka kasi ipagpalit ni ate Deanna haha " pang-aasar ni Mafe inikutan ko lang sya ng mata

" heh! tumigil ka jan Mafe baka gusto mo ng maunang bumalik ng Laguna " pagbabanta ko ng peace sign lang sya

" tama na nga yan mga anak, tara na ng makapagpahinga na tayong lahat " suway ni Tatay ngumiti lang ako at tumango

" gusto nyo po bang dito na tayo kumain, para makita nyo po itong resto " sabi naman ni Deanna

" wow tara ate Deanna, nang matikman naman yan luto ni ate " kantyaw ni bunso nailing nalang ako

" okay baba na tayo para makapagluto na ako agad at syempre tutulungan ako ni Nanay hehe " sabi ko naman napatawa naman sila

" Ang ganda naman dito ate " puri ni Mafe ngumiti naman ako

" Oo nga naman anak, sino naman ang gumastos sa pagpapatayo nito? " tanong ni Tatay nagtinginan naman kami ni Deanna

" Ah Tay bale si Dad po ang nagpatayo dito, si Jema po ang magmamanage " sagot naman ni Deanna tinignan naman ako ni Tatay

" Tama po ang sabi ni Deanna Tay nagkasundo po kami ng Daddy nya na ako po ang mamamahala po dito sya po ang lahat ng gastos " sagot ko tumango lang si Tatay

I'm the Boss but she's my Big BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon