FIFTY NINE

9K 208 68
                                    

J E M A's

Maaga kaming nagising ni Nanay para maghanda ng umagahan ang gusto pa nya sya nalang daw ang bahala para daw makapagpahinga ako kaso namiss ko rin naman syang kasama sa kusina

" kumusta ka naman anak? " tanong ni Nanay habang nagluluto

" okay lang po nay, pasensya na po at hindi na ako nakadalaw po " sagot ko ngumiti lang sya

" wala iyon anak naiintindihan ka namin ng Tatay mo. Parang kelan lang anak ngayon mag-aasawa kana " sabi ni Nanay niyakap ko lang sya

" Oo nga po nay, saka nga handa na ako " sagot ko

" hindi naman pinaghahandaan ang pag-aasawa anak, pinagdadasal iyan na patuloy nya kayong gabayan sa kahit anong pagsubok na tatahakin nyong mag-asawa, wala namang nag-asawa na puro saya lamang anak darating at darating ang panahon na susubukin kayo pero magiging matatag kayo na kahit anong pagsubok magkasama nyong haharapin " pahayag ni Nanay ngumiti lang ako

" salamat po nay, minsan nay naiinis na ako yun parang pinapalabas nila na yaman lang ang habol ko kay Deanna lalo yung mga nagkakagusto sa kanya yun naiinsecure ako nay " sagot ko huminga lang ng malalim si Nanay

" bakit totoo ba na dahil lang dun? " tanong ni Nanay umiling lang ako

" nay naman syempre hindi " sagot ko agad na nakakunot ang noo

" yun naman pala anak alam mo sa sarili mo na hindi totoo yun, bakit mo iisipin ang sasabihin ng iba. Ang mahalaga alam ni Deanna na hindi yun ang dahilan na magpapakasal kayo. Hayaan mo na ang sinasabi ng iba anak hindi naman iyon mahalaga magsasawa rin sila o baka maiinggit lang sila na ikaw ang napiling mahalin ni Deanna " paliwanag ni Nanay tumango lang ako paano ba naman kasi mga babaeng nagkakagusto kay Deanna mayayaman talaga

" salamat po nay at nandyan po kayo " sagot ko naman

" ang bango naman nyan " sabi ni Tatay napangiti naman ako

" lahat naman ng luto ko mahal mabango sayo " pagbibiro ni Nanay napatawa naman ako

" Maupo kana tay gagawan po kita ng kape, asan po pala si bunso? " tanong ko

" nako tulog pa si Mafe hayaan mo nalang syang magpahinga, si Deanna nasaan? " tanong ni Tatay

" kaninang bumangon po ako tay tulog pa po sya maaga pa naman po para sa pagpasok namin sakto po mamaya " sagot ko naman

" kung sa bagay tulog na nga lang pahinga nyo, pero wag naman masyado ang bata nyo pa paano kami magkakaapo nyan kung busy kayong pareho hehe" sagot naman ni nanay napailing nalang ako

" grabe naman Nay apo kaagad? Hindi ba pwedeng plano muna? " natatawang sagot ko

" aba Jessica ano pang silbi na mag-aasawa ka kung hindi mo kami bibigyan ng apo kaagad? " hirit naman ni Tatay nasaan na ba ang mapapangasawa ko para may kasama ako dito

" tay, nay hindi naman po ganun kadali yun, syempre marami pong proseso " paliwanag ko naman

" ay basta Jessica gusto namin magkaapo kaagad malamang ganun din ang pamilya ni Deanna " sagot ni Tatay

" magkaapo ho? " boses ng fiance ko lumapit sya sa akin at humalik sa pisngi ko

" oo Deanna tama ang narinig mo, pinag-uusapan kasi namin na magkaapo kaagad sana " napafacepalm nalang ako at pinupush talaga ni Tatay

I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now