Ang babaeng iniluwa ng lupa.

1 0 0
                                    

(October 28, 2020)

HENNA GARCIA's POV

Magda-dalawang linggo na simula noong iniwan muli ako ng taong minahal ko muli at nagpalakas sa akin. Si Nanay Sita.

Apat na taon simula noong kinupkop ako ni Nanay Sita. Kung saan saan ako naghanap ng trabaho dati para lang matustusan ko pag-aaral ko dahil graduating nako sa high-school. Konti nalang ay makakapagtapos nako sa sekondaryang lebel.

Nakilala ko noon si Nanay Sita dati noong binabastos ako nung mga tao nang mapadaan ako malapit sa kalye nila at pauwi naman siya galing trabaho.

Tinataas-taas kasi nung mga batang nag-rurugby yung palda't blouse ko sa sobrang takot ay di ako makaresponde buti nalang at meron siya.

Pinatuloy niya lang din ako sa maliit niyang bahay na makulay sa likod ng isang malawak na unibersidad dito sa siyudad.

Ikwinento ko sakanya ang naging takbo ng buhay ko...

Anim na taon ako nang mamatay ang mga magulang ko at ni isa sa mga kamag-anak ko'y hindi man lang ako kinupkop.

Napadako nalang ako sa kalsada na tirahan ng maraming mga pulubi. Mahirap lang din ang nanay at tatay ko kaya pinili ko nalang maki-ayon sa buhay ng marami dito.

Nakilala ko si Mang Karding, 52 years old siya dati at siya ang nagbabantay sa mga batang pulubi sa kalsadang iyon. Doon ko rin nakilala ang batang nagbigay saakin ng inspirasyon para ituloy ang buhay.

Lagi kaming magkasama ni Ramon. Mas nauna lang siya ng dalawang taon saakin.

Nanlilimos lang kami dati sa mga mayayaman na dumaraan sa kabilang kalsada. O minsan si Mang Karding ang nagbibigay ng konting tinapay pag wala talaga kaming kita. Lagi na kaming mag kasama ni Ramon.

Pinagtatanggol niya ako sa tuwing gustong nakawin ng mga batang tiga ibang eskinita yung mga nalimos ko.

Nangangalkal rin kami ng basura at ibinebenta magkapera lang. Hanggang sa sampung taon na ako.

Ang mga bata roo'y tumatanda na rin at nagsisi alisan na... Syempre padagdag rin nang padagdag ang mga bato rito.

Ang masaya lang dito, kapag gabi, nagkakantahan kami rito. May naitabi kasing luma at napulot na gitara si Mang Karding kaya ganoon. Doon ko rin napagtanto na magaling akong gumanta.

Tinuruan rin kami ni Mang Karding kung paano tumugtog ng gitara. Si Ramon naman, ayaw niya puro banat lang siya ng buto maghapon. Sabi niya saakin ako nalang daw ang magensayo para pag pagod na siya kakatrabaho, kakantahan ko nalang daw siya.

Ang paboritong kanta na kinakanta ko para sakanila ay yung huling el bimbo ng eraserheads.

The Unsung Songs of Henna Garcia for Ramon CruzWhere stories live. Discover now