Epilogue

12.2K 448 261
                                    

Epilogue

LUCIEN, I am sorry, but I am living you. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at akala ko kaya na kitang patawarin. I've been thinking about it since last time and come to realized that I want more. I need more.
I don't need you. I hate you for being the reason of all my suffering. You are the reason why my life is miserable. And love was not enough to erase that. And that I will never ever overcome. I am sorry. I hope you live your life and move on. May your soul be always with you.

Pagkatapos mabasa ni Lucien ang huling text ni Roxanne sa kanya ay napagdesisyunan niyang hayaan na ito. Hindi na niya pwedeng ipilit ang gusto niya sa dalaga dahil ito na mismo ang umayaw.

Mahal niya ang dalaga kaya naman nirerespeto niya ang desisyon nito. Mahal niya ito kaya naman pinapalaya na niya ito.

Nang araw rin na iyon ay umalis siya at hindi na nagpakita pa sa pamilya ni Roxanne. Nagsimula siya muli ng panibagong buhay na malayo sa dati niyang buhay. Kahit masakit ay sinikap niyang itayo muli ang sarili. Nagkaroon siya ng maliit na negosyo na napalago naman niya ng maayos.

Lumipas ang tatlong taon ng kanyang pag-iisa ay nakaramdam siya ng kalungkutan. Sa kalagitnaan ng pag-iisa niya ay nakilala niya ang isang batang lalaki sa isang kalye. Walang pamilya at walang tirahan.

Kinupkop niya ito at tinuring na anak. Pinag-aral, binihisan at binigyan niya ng tirahan.

Ang kalungkutan ay nawala sa kanya at napalitan ng bagong kasiyahan sa katauhan ng batang kanyang sinagip sa kalye.

Pakiramdam niya ay nagsimula na naman ang buhay niya. Naibsan nito ang pangungulila niya kay Roxanne at sa kanilang anak.

Sa paglipas ng panahon ay naging matagumpay si Lucien sa buhay. Naging kilala siya sa kanyang mga pinta at nagkaroon ng sariling art gallery.

Muli siyang bumalik sa buhay niya sa syudad at dinalaw ang kanyang pamilya. Ang kaibigan niyang si Kol ang naging katuwang niya sa negosyo niya. Ang anak naman niya ay kasalukuyang nag-aaral sa isang unibersidad sa kursong Bachelors of Fine Arts. Gusto nitong sumunod sa kanyang yapak.

Napangiti si Lucien habang pinagmamasdan ang anak na abalang nagpipinta.

Nakaupo siya sa silya at sumisimsim ng mainit niyang kape. Kanya iyong ibinaba saka siya tumayo at lumapit sa anak.

Pinakatitigan niya ang pinta nito at hindi niya maiwasang mauyam. Hindi niya makita kung ano ang meron sa drawing ng anak.

"The scene needs to be lively, Uno."

Napabuntong hininga ang anak. "What you mean by lively? Palagi mo nalang pinupuna ang pinta ko, Dad."

"Because you are not putting too much effort. Para kang nagdu-drawing ng itlog na walang laman sa loob."

"It's not egg." Inis siyang binalingan ng anak. "It's a landscape. A landscape."

"That's just a phrase I used, son." Tinapik niya ito sa balikat. "Come with me."

Napabuntong hininga ito at tumayo. Sumunod ito sa kanya patungo sa basement.

"Dad.." napasinghap ito at hindi makapaniwala. "Are you really letting me in to your basement?"

"Yes."

"Oh my God!" Bakas sa anak ang tuwa. Kulang nalang ay mapatalon ito.

Parati kasi siya nitong kinukulit sa kanyang basement. Naroon kasi ang obra niya na hindi pa nakikita ng iba. Obra na siya lang ang nakakaalam.

Gustong gusto na makita iyon ng kanyang anak kaya naman nangungulit ito sa kanya. At sa bawat pangungulit naman nito ay ang parati niyang pagbabawal sa anak.

Herrera Series 7: Owning the TemptressWhere stories live. Discover now