Chapter 13

6.8K 314 29
                                    


Chapter 13

INIS na ibinato ni Roxanne ang kanyang sling bag at suot na sapatos sa hubo't hubad na si Lucien. Nabigla ito at halos mapamura nang bumaling sa kanya.

Imbes na takpan ang sariling katawan ay nakangisi pa ito sa kanya. "Hey."

"Anong hey!" Singhal niya. Balak niyang damputin ang isang lumang flower vase para ibato kay Lucien pero naisip niya na baka mabasag ito at masayang lang ang halaga nito kapag ibinato niya sa ulo ng binata. Nag-gigigil niya itong tiningnan. "Kapal ng mukha mong maghubad sa pamamamahay ko! Wala kang kasama?"

"I hadn't realize that I am naked." Kunwari'y napapahiya pa ito.

Nakatingin man siya sa mga mata nito ay naaaninag niya ang kayabangan ng pagkalalaki nito. Gayunpaman pinilit niyang ituon sa binata ang atensyon.

"Ikaw ba si Adan para magburles ka?"

"If you put it that way then, you are my Eve."

"Shut up!" Singhal niya. "Magsuot ka ng damit kung ayaw mong palabasin kita at doon ka sa labas magkalat!"

"Chill." Ngumiwing anito. "Wala akong damit. Hindi ko pa nakukuha sa apartment ko. 'Yong suot ko naman kagabi, basa pa."

"Ano namang ginawa mo at nabasa?" Kyuryusidad niyang tanong. Nakasuot ito ng towel kagabi.

"Tinuyo ko ang katawan ko sa damit ko dahil nabasa ang towel ko nang maligo ako ulit."

Inis niya itong sininghalan bago siya pumasok sa kanyang kwarto. Hindi niya hahayaang nakahubad lang ito sa hapong iyon.

Sa mga nalaman niya baka mas lalo lang siyang ma-curious. Kaya naman kumuha siya ng bestida saka panty na hindi na niya ginagamit upang ipasuot sa binata.

"What is that?" Kunot noong tanong ng binata nang ipakita niya ang dala rito.

"Ano sa tingin mo?" Mataray na aniya. "Isuot mo."

"No way."

"Isuot mo o lalabas ka ng bahay ko! Choose wisely!"

Bagsak balikat ang binata. Nag-aalangan nitong kinuha ang mga damit at sinuot. Pinanood niyang isuot nito ang panty. Palihim siyang natawa nang makita kung gaano iyon kakipot sa binata. Hindi niya alam kung nakakahinga pa ba ang sandata nito.

Sinunod nito ang bestida. Gusto niyang humagikhik sa tawa dahil para itong imbutidong nasiksik sa napakasikip na foil at halos hindi makahinga.

Nakakadiri itong tingnan sa suot na bestida habang ang katawan nito ay mayabang na humahapid sa bawat sulok ng kasuotan.

"Happy?" Sarkastiko nitong sambit.

Napangisi siya. "That's what you get for walking naked."

"I told you, I don't have a clothes. Kung sana ay sinabi mo ng mas maaga na dito na ako titira, edi sana ay nakapag-impake ako."

Mahina siyang natawa. Mukhang nagkapalit sila ng binata ng mood sa mga oras na iyon.

Siya na ngayon ang natutuwa at ito naman ang napipikon.

"Ok, manang." Biro niya. "Ibigay mo sa akin ang susi mo at ako ang pag-iimpake ng gamit mo."

Inis itong nagtungo sa silid. Pagbalik ay dala na nito ang susi at ibinigay sa kanya.

"Bilisan mo. Ayokong manatili sa ganitong hitsura."

"Why? Looks good on you."

Sumama ang tingin nito sa kanya. "I look like a walking burrito."

Herrera Series 7: Owning the TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon