Chapter 29

6.7K 297 31
                                    


Chapter 29

LAHAT ng mga mata ay nakasunod kay Ellis na nagtungo sa entablado at inagaw pa nito ang mikropono sa emcee. May hawak rin itong wine glass na may lamang champagne at kasyal na humarap sa kanila.

Dinig niya ang sari-saring bulungan at pagkalito sa mga taong naroon. Maliban sa kanyang pamilya, hindi alam ng mga ito kung sino ang lalaking nasa harap.

"Mic test, mic test." Anito sa mikropono. Tinatampal pa upang masigurong maririnig ito. "Hey, everyone! Sorry for barging in." Sabi pa nito ngunit kita niya sa mukha na hindi ito sinsero sa sinabi. "I just want to greet my soon mother-in-law a happy birthday." Ang mga mata nito ay dumako sa gawi nila. "Mukhang hindi nakadating ang invitation card ko kaya naman ako na mismo ang pumunta."

"The heck!" Usal ng kanyang ama na nagtatagis na ang bagang. Wala man itong mikropono ay dinig ng lahat ang boses nito dahil sa sobrang lakas. "Who the hell are you to be invited in?! Don't call my wife your "mother in law"!"

Sarkastikong natawa si Ellis, hindi alintana ang pagtaas ng boses ng kanyang ama. "If it isn't my future father-in-law that I love so much! Palagi kitang nakikita sa court room but you never actually give me a glance for even one second. It's actually a great pleasure seeing you looking at me now."

"Then leave this hall this instant!" Matalim na utos ng kanyang ama. "Huwag mo ng hintayin pa na ipadampot kita sa security guard!" Itinuro nito ang malaking pinto. "Leave. Now!"

Umaktong napapantastikuhan si Ellis. "But I just arrived, fath—"

"Shut up, you!" Hindi na napigilan ng kanyang ama na tumayo. Kahit pa inaawat na ito ng kanyang ina. "How dare you show your face here, you criminal! Kahit anong gawin mo, hinding hindi kita matatanggap bilang pamilya!"

Nagkaroon na ng komusyon sa paligid. May mga security guard na pumasok upang lapitan si Ellis pero hindi ito nagpapilit.

Ang ibang mga tao ay nagsialisan na dahilan para sila nalang ang matira at iba na gustong maki-usyuso sa nangyayaring gulo.

"Remove that man this instant!" Utos ng kanyang ama. Kita niya ang malalim nitong paghinga dahil sa sobrang galit.

Sumama ang timpla niya at inis na tumayo. Hindi niya mapapatawad ang lalaking ito na sumira sa kaarawan ng kanyang ina.

Ang ibang mga tao na malapit sa dinaanan niya ay naguguluhang tumingin sa kanya.

"Hey, Roxie." Bati ni Ellis sa kanya. Lumapit ito sa kanya at bago pa man siya nito mayakap ay sinampal na niya ito.

Hindi ito kaagad nakabawi dahil sa pagkabigla.

"You dare to ruined my Mom's birthday!" Nang-gagalaiti na niyang sabi. Mabilis na rin ang tibok ng puso niya at nanginginig na ang kanyang mga kamay sa sobrang galit.

Gusto pa niyang padapuan ng isa pang sampal ang mukha nito. Ngunit kinalma niya ang kanyang sarili. Kinuyom niya ang kanyang mga kamay upang pigilan ang sarili.

Pinakatitigan niya ang lalaking dati ay nagpatibok sa puso niya. Ang lalaking akala niya ay iikutan pa ng mundo niya. Na akala niya ay makakasama niya sa lahat ng pagsubok.

Pagkatapos niya itong ipaglaban sa kanyang pamilya at tulungan sa kaso ay iniwan siya nito sa ere. Sinaktan nito ang puso niya.

Ngayon na nakalaya ito ay parang wala lang rito ang lahat.

"And you dare to show yourself infront of me."

"Mukhang nakalimutan mo na ata ang pangako natin sa isa't isa."

Herrera Series 7: Owning the TemptressNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ