TLMQ 12.5: The Transferees part 3

15.7K 370 73
                                    

TLMQ 12.5: The Transferees part 3



Angela's POV




Nung narinig ko yung sinabi ni Tita tungkol sa garden ay gusto kong patayin kung sino ang gustong sisirain ang garden ko! Pero naalala ko ang sinabi ni Mom sa akin. Tsk! I have no choice but to do this dahil kung hindi ang garden nayun ay masisira at lalong-lalo na ang pangako ko sa kanya.



Pumunta na kaming tatlo sa isang room sa loob ng office ni Tita pero hindi basta-bastang room kundi isang weapon room ito na kung saan hindi makikita sa labas dahil may secret passage para makapunta dito.



Sa loob ng room na to ay nakahanda na ang susuotin namin at pati narin ang mga face masks namin at ang mga weapons na gagamitin namin mamaya. Sinuot na namin ang mga suits namin. In fairness I like it kahit na skinny ito pero flexible parin kaya okay lang.



"Wow ang ganda! Ang galing talaga mamili ni Tita Ash para sa atin!" Nichole



"Yep! At ang flexible pa nito! What do you think Angela?" tanong sa akin ni Krista. Nag-nod lang ako bilang pagsang-ayon. Sinuot na namin ang aming face mask.



Sinuot din namin ang aming earpiece at ang itim na cape with hood. Pinili ko ang dalawang katana ko pwede na to sa game ko sa kanila mamaya. Pinili ni Nichole ang bladed-skull brass knuckles at dalawang sai at mga kakaibang shurikens. Kay Krista naman ay mga iba't ibang baril lalo na ang AS50 Sniper Rifle.



"I'll be the one in the garden while you Nichole in the gate and you Krista in the Eastwood. We have no time to spare if they happen to destroy anything don't hesitate to kill them" ngumiti sila ng demonyo pagka-sabi ko nun.



"Roger that!" silang dalawa sabay nag-salute. Bahala na sila sa mga taga-Oxford pero ako sisiguraduhin kong hindi na sila babalik dito sa teritoryo ko. Tinaas ko na ang hood ko at umalis na papunta sa garden. Alam ko din na umalis na sila papunta sa designated nilang lugar. If ever they destroy my garden I won't hesitate to kill those bastards.



Third Person's POV




-(Krista)-



Dali-daling pumunta sa direksiyon sa Eastwood si Krista dala ang kanyang AS50 Sniper Rifle na ang timbang nito ay 12.2 kg. Ang maximum range nito ay 1,500 m pero sa ngayon ay 150 m muna dahil limited lang ang bala nito na hindi hihigit sa lima o sampu.

The Legendary Mafia Queen [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon