Kabanata 7.

20 3 0
                                    

Lumipas ang mga araw at lunes na naman kaya maaga na naman akong naghanda.

"ate una na ako" mabilis akong hinalikan ni Prey sa pisngi at naglakad palayo.

"hindi ka pa kumakain ah" puna ko.

"sa school na ate malelate na ako!" sigaw niya. Napailing nalang ako dahil don. Naghanda na rin ako at mabilis na kumain.

Marami akong dala ngayon dahil may PE kami. Kinakalawang na kasi ang mga locker sa school at pare pareho naming ayaw gamitin iyon ng aking mga kaibigan.

Sumakay ako sa trycicle at mabilis naman akong nakarating sa school.

Papasok na ako ng gate ng mamataan ko ang isang matandang lalaking namamalimos sa may gilid. Iniiwasan ito ng mga estudyante at halatang nandidiri sila dahil marumi ang kanyang kamay at ganon rin ang kanyang damit.

"pangkain lang po" aniya at nilahad ang kamay sa akin.

Lumapit ako sa kanya.

"sige kuya, hintayin mo ako, bibilhan kitang pagkain sa loob" sagot ko.

Kita ko ang pagkabuhay sa kanyang mga mata.

Mabilis akong pumasok sa loob at dahil madadaanan ang parking lot ay agad ko ring namataan ang babaerong lalaking ito.

"hi Louisa" bati niya sakin. Sobrang laki ng ngiti niya na akala mo nanalo sa lotto.

Matagal ko rin siyang hindi nakita, halos isang linggo dahil marami kaming mga activities na ginawa.

"it's Luisa, not Louisa" sagot ko naman. Sinabayan niya lang ako sa paglakad.

"ang sungit mo naman, parang di kaibigan" may pagtatampong sambit niya.

"ang gwapo niya talaga"

"oo nga eh, mabait pa"

"uy tumingin siya sakin ayieee"

"Hi girls" bati niya sa mga babae na nadadaanan namin.

Psshh babaero talaga.

Akala ko pagkatapos ng nagyari ay iiwasan na niya ako pero hindi iyon nangyari dahil mas lalo pa siyang naging makulit.

"hindi naman kasi talaga" bulong ko.

Hinawakan niya bigla ang braso ko.

"wait nga saan ka ba kasi pupunta, bat nagmamadali ka?" tanong niya.

"may naghihintay sakin" sagot ko.

"boyfriend mo?"

"sino?" napakunot ang aking noo.

"Ako siguro, let's go babe" aniya tsaka umakbay sa akin. Naamoy ko naman ang panglalaki niyang pabango.

Hinawi ko ang kamay niya at tinapunan ko siya ng masamang tingin. Sampung minuto nalang at magtatime na kaya kailangan kong magmadali.

"diba sabi ko sayo huwag mo akong hinahawan" sambit ko.

"wala naman akong nakakahawang sakit ah" aniya.

May bitbit akong bagpack, duffel bag at paper bag dahil sa mga librong ibabalik ko mamaya sa library at medyo mabigat iyon.

"tulungan na kita" bigla niyang sambit at inagaw ang dala kong paper bag. Ang akala ko ay wala na siya dahil sa mga babaeng tumatawag sa kanya kanina.

Hinayaan ko nalang siyang bitbitin iyon at dumeretso na sa cafeteria.

"its still early, gutom kana agad?"

US4: Beautiful Scars (On-going) Where stories live. Discover now