Kabanata 2.

34 3 0
                                    

Isang linggo na kaming nagsstay dito sa bahay nila tita at nagsimula na ring pumasok si Prey sa school. Ako naman ay tumutulong sa mga gawain sa resort. Ayaw man iyon ni tita ay nagpumilit pa rin ako dahil wala rin naman akong ginagawa. Minsan ay nasa information desk ako, sa kitchen at sa lobby kung saan sinasalubong ko ang mga bisita.

"ate sabi ni tita, doon nalang raw ako sa kabilang kwarto" sambit ni Prey habang tinitiklop ang aming mga damit.

Naglilinis ako ngayon sa kwarto namin. Tinali ko ang trash bag na puno ng mga basura at pinalitan iyon ng bago.

"bakit raw?" tanong ko.

"para raw nagagamit yung aircon sa kabilang room ate kasi baka raw masira" sagot niya.

Napahinto naman ako sa aking ginagawa.

"sure ka? Baka ikaw naman ang nag request kila tita, nakakahiya" sagot ko.

Lumingon ako sa kanya.

"hindi ate, siyempre nahihiya rin ako pero siya na nagsabi, diba mas nakakahiya kapag hindi ako sumunod" depensa niya.

"bahala ka" sagot ko naman.

"sige ate hehehe"

"saan ka pupunta?" tanong ko ng nasa pintuan na siya.

"sa kwarto ko" sagot niya bago sinara ang pinto.

Napailing nalang ako dahil doon.

Kinahapunan nga ay naglipat na siya ng gamit. Halata ang excitement sa kanyang mukha.

"sinupin mo yung mga gamit mo ha, linisan mo rin yung kwarto mo" paalala ko.

"yes ma'am" aniya habang kinukuha ang kanyang mga damit.

Kinaumagahan ay plano kong pumunta ulit sa resort.

Naligo ako at naghanda na. Kanina pa nakaalis si Prey dahil 7:30 ang una niyang klase.

"good morning ma'am" bati sa akin ni kuya Pilo isa sa mga guard na nagbabantay nang mamataan niya ako.

"good morning rin po kuya" bati ko pabalik. Dumeretso ako sa lobby at nakita ko si ate Bona na nasa information desk.

"Good morning ate" bati ko sa kanya.

"Morning" ngiti niya pabalik.

Dumeretso naman ako sa restaurant para tumulong sa paghahanda ng mga pagkain dahil hilig ko talaga ang pagluluto.

Alas otso na ng umaga ng bumaba ang ilan sa mga bisita mula sa kanilang mga kwarto. Tumulong ako sa pagseserve ng food.

May ilang mga foreigners rin na nadadayo rito. Ala una na ng kumonti ang tao kaya kumain na rin ako kasabay ng ibang crew dahil wala na rin ang mga customer, busy na sila sa paglangoy sa dagat. Marami rin ang activities na makikita rito, pwedeng magscuba diving, jetski, banana boat, snorkeling, island hopping at iba pa.

May private pool rin kung saan pwedeng magswimming.

Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong tumambay sa isa sa mga cottage na nakaharap sa dagat. Mataas na ang araw kaya wala na masiyadong tayo rito. Umupo ako sa may harapan ng cottage at tumitig sa linya kung saan nagtatagpo ang asul na langit at karagatan.

Umihip ang hangin at mahihinuha mo ang alat at malamig na ihip non.

Nilabas ko ang aking telepono ng tumunog iyon.

From Daddy
How are you? I've sent you some money. Check your account.

Tiningnan ko nga iyon at mayroon nga. Hindi iyon masiyadong malaki pero sapat na iyon sa akin at sobra pa kung minsan. Nag iipon talaga ako dahil minsan ay nadedelay ng padala si daddy at binibigyan ko rin minsan ng pera si Prey lalo na kapag walang maibigay si mama dahil napunta na sa mga luho niya.

US4: Beautiful Scars (On-going) Where stories live. Discover now