Kabanata 1.

77 5 0
                                    


Katatapos ko lang magluto ng gabihan, at aakyat na ako para tawagin ang aking mga kapatid ng mapadaan ako sa kwarto ni mama.

"Ma aalis ka ulit?" tanong ko nang makita ko siyang nag iimpake.

"Yes, your tito Santi wants me to go to him to Jakarta, isn't that exciting? My flight is tomorrow and I'm bringing Ecko with me, ikaw na muna bahala kay Prey okay" sambit niya habang patuloy pa rin sa pag iimpake.

Ecko(Luhan Jericko) is my 5 years old brother and Prey(Precious Ylonna) " is my 15 years old sister.

Nangunot ang aking noo dahil sa inis.

"Ma pasukan na nila next week, paano pag-aaral ni Ecko? Paano si Precious?"

Tinapunan lang niya ako ng isang masungit na tingin.

"That's not a problem, Ecko will start studying next year, bata pa naman siya and Prey will be staying at your Tita Ara's house like usual, nakausap ko na ang tita mo and she's happy about it, and you, poproblemahin pa ba kita? Kung pera ang problema, kontento ka naman ng sustento sa daddy mo diba" sagot niya.

Lumabas nalang ako mula sa kanyang kwarto. Ayaw kong magalit pero hindi ko iyon maiwasan lalo na para sa mga kapatid ko. Okay lang sa akin na hindi niya ako masiyadong napagtutuunan ng atensyon, nasanay na ako pero yung mga kapatid ko ayaw kong maranasan din nila iyon.

Naupo ako sa may bangko sa harap ng bahay namin. Madilim na at tanging ilaw nalang ng mga poste ang nagsisilbing liwanag.

"Ate..." lumingon ako at nakita ko si Prey. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi. Maganda ang kapatid ko at matangos ang kanyang ilong na namana niya sa kanyang papa, natural ring kulot ang kanyang buhok.

Magkakaiba kami ng papa at si Ecko lang ang purong Pilipino dahil mistisa kaming dalawa, may lahi kumbaga. Ako ay 1/4 spanish dahil sa daddy ko. Namana ko ang aking magandang mata sa aking daddy na nag iiba ang kulay kapag tumatapat sa araw. Si Prey naman ay Arabo ang kanyang ama.

"Aalis sila ulit?" tanong niya, kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

Inakbayan ko naman siya.

"nandito naman ang ate eh, sa resort nalang rin ako titira para may kasama ka" ngiti ko.

"pero paano si Ecko, hindi na nga natin siya nakasama noong nakaraang taon, sobrang bata pa niya sa ganito ate"

Nawala ang ngiti ko dahil doon. Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Laging iba ibang lalaki ang kasama ni mama at alam naming pareho na hindi maganda iyon lalo na at bata pa ang kapatid namin.

"Pwede bang ipaiwan nalang natin siya ate?" tanong niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto ko rin siyang maiwan pero kakayanin ko ba? Second year college na ako sa pasukan at alam kong hindi iyon magiging madali.

"Susubukan kong kumbinsihin si mama" ngiti ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at yumakap.

"thank you ate"

Niyakap ko rin siya.

"Lahat basta kaya ko gagawin ko para sa inyo" sagot ko naman.

Narinig ko ang pagtunong ng kanyang tiyan na nagpatawa sa akin.

"gutom kana, kain na tayo" yaya ko sa kanya. Tumayo naman siya at nauna na sa loob.

Magkakaharap kaming apat sa hapag kainan. Nagluto ako ng sinigang na isda at adobong sitaw.

"Nakapag impake na ba kayo?" tanong ni mama na sa akin nakatingin.

"Bukas ng hapon siguro kami aalis" sagot ko naman. Kinuha ko ang pinggan ng aking bunsong kapatid at hinimayan ko siya ng ulam, baka kasi makakain siya ng tinik.

US4: Beautiful Scars (On-going) Where stories live. Discover now