Chapter 1

1.5K 19 23
                                    

"Ikaw kasi, kung hindi ka lumayo di sana hindi ka nagdurusa ng ganyan. Di sana hindi din siya nasasaktan ngayon. Hindi naman kita maintindihan bakit kasi nagpaubaya ka pa." Sisi ni KC kay Sam matapos nilang mapanood ang katatapos lang na Bandila.

"Naku KC, huli na yang paninisi mo diyan sa kaibigan mo." Mabuti pa sundan mo si Sarah at baka abutin na yun duon ng umaga. Sigurado ko umiiyak na naman yun." Bawal naman ni Judy Ann kay KC.

"Hay naku , kasi naman!! Nasaan na ba yun?"

"Pupunta daw ng washroom pero palagay ko, pumunta lang duon yun para hindi natin makita na umiiyak na naman."

" He is full of crap. Why on earth did he said that? Of all the names he can mentioned why hers?" Galit na tanong ni Sam kina Judy Ann at Ryan.

"Who knows, he is also your friend , you should ask him. Why not text him now?" Sagot naman ni Ryan.

"Showbiz na showbiz ang sagot eh. HIndi nga ba at may gagawin silang bagong teleserye. Pinangatawanan na niya yung nauna niyang statements na wala na silang commnunication ni Sarah.Bakit nga naman niya sasabihing si Sarah ang pinaka sexy, di syempre ang babanggitin niya eh yung bagong leading lady niya. Nagkataon lang na may history between kina Sarah at Christine." Sabi naman ni Judy Ann.

"Naaawa lang talaga ako kay Sarah. May mga lumalabas pa ngayong mga news items na siya ang naghahabol kay Gerald dahil sa mga statement song niya sa SGL." Nag aalalang dugtong ni Sam.

"Wala tayong magagawa, napamahal talaga yung lalaking yun kay Bagets. Ano pala yung sinasabi ni KC? Ano yung sinisisi niya saiyo? Bakit niya nasabing kung hindi ka nagpaubaya , di sana pareho kayong hindi nasasaktan ni Sarah. Tama ba yung rinig ko?"

"Wala yun ate." Iwas na sagot ni Sam

"Kwento mo na sa amin ng Kuya Ryan mo . Malay mo makatulong kami saiyo. Mukhang ang bigat ng problema mo. Pati si Bagets problema mo pa rin? Ano ba ibig sabihin ni KC duon?"

Napakamot sa ulo si Sam. Tumingin kay Ryan. Mukhang nagpapasaklolo pero wala din itong sinabil. Naghihintay din ng sasabihin ni Sam.

"Alam kasi ni KC na matagal na akong may gusto kay Sarah pero wala akong lakas ng loob na magtapat sa kanya so dinaaan ko na lang sa pakikipagkaibigan. Nung nag umpisang manligaw si Gerald sa kanya, very close na kami. Akala nga ng mga kaibigan namin nanliligaw na ako sa kanya."

"Bakit nga hindi ka nanligaw?" Interesadong tanong ni Judy Ann.

"Natakot ako na baka iwasan niya ako.Na baka pag nalaman niyang may gusto ako sa kanya ay layuan din niya ako gaya ng mga nauna na sa akin. Isa pa paalis din ako that time, have to go to New York for 3-4 months and at that time, mainit na mainit ang issue sa kanila ni Gerald.

"Natakot ka kay Gerald?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ryan.

"Hindi naman sa natakot kuya. Nanisip ko lang mas bagay sila, halos magka edad. Ang lakas pa ng chemistry nila at mukhang ang saya saya ni Sarah pag sila ang magkasama. "

"Ahhhh nag selos naman pala. Ano ibig sabihin ni KC na nagpaubaya ka?"

"Sabi kasi ni KC, kung daw siguro hindi ako lumayo baka sa akin na in love si Sarah at hindi kay Gerald. Malaki daw ang kutob ni KC na kung nagtuloy tuloy lang yung closeness namin nuon at hindi ako umalis, sana daw pareho kaming masaya ngayon. '

"So talagang pinutol mo that time ang communication ninyo nuong nasa New York ka? "

"Oo ate , masakit man sa loob ko. Duon naman yata sila naging super close ni Gerald. Bago nga ako umalis nuon pinagbilin ko siya kay Gerald. Tinanong kasi ako ni Gerald kung nanliligaw daw ba ako kay Sarah. Mukhang pinagseselosan din ako niya ako that time."

"Paano mo siyang pinagbilin?"

"Sinabi ko kay Gerald na ingatan niya si Sarah. Na mahalin niya dahil kung hindi , kahit magkaibigan kami , sasaluhin ko si Sarah. "

"Nangako ba naman?" Tanong ni Ryan

"Oo naman kuya. Pero sa nakikita natin ngayon, hanggang salita lang din siya. Kinain niya lahat ng sinabi niya sa mga interviews niya nuong nanliligaw pa lang talaga siya." Hindi maitago ang galit ni Sam.

"Wala tayong magagawa. Kahit ako hindi ko sukat akalain ang turn of events sa loveliffe ni Bagets. "

Lumingon ito kung saan manggagaling sina KC at Sarah in case na dumating na ang mga ito.

"Mukhang dapat ka na ring sumunod . Baka kailangan na ni Sarah ang payo ni Tita Juday." Biro ni Ryan sa asawa.

"Ate lang naman sweetheart, hindi pa naman ako ganoon katanda para maging tita ni bagets.". Juday was making faces at his loving husband while getting up from the sofa.

"Just kidding honey." Pinisil ang kamay ng asawa habang inaalalayan itong tumayo.

"Sige maiwan ko muna kayo dito at ako ay makiki girls' talk muna."

Inabutn ni Juday na umiiyak pa rin si Sarah at mukhang naiinis na rin si KC.

"Ano mga girls hindi pa ba kayo lalabas. Hinihintay na kayo ni Sam para ihatid si Sarah since mas malapit place ni Sam kesa kay Kristina."

"Sabihan mo nga to  Ate, ang kulit. Hindi ko na alam ang sasabihin ko para makinig."

"Ano ba iniiyak mo ha , akala ko ba may usapan na kayo bakit nasasaktan ka pa rin pag nakakarinig at nakakapanood ka ng ganoong balita?"

Nagpunas ng luha si arah. Nahihiyang tumingin kay Juday. 'Ewan ko ba ate. Siguro in denial lang ako. Gusto ko pa rin sigurong marinig sa kanya yung mga sinasabi niya sa akin pag kami lang dalawa kahit nakaharap siya sa camera."

"Aminin mo na kasi na disappointed ka. You were hoping na tutuparin niya yung mga sinabi niya nuon sa mga interviews niya. Yung mga statements niyang , "No turning back, this is it.". Prangkang sabi ni Judy Ann.

Lalo ng napaiyak si Sarah.

"Sinasabi ko na nga ba. Hay naku bagets, huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Either tanggapin mo na ganito talaga sa showbiz o matuto ka ding magsalita. Sabihin mo yung nakakasakit saiyo. Mag usap uli kayo."

"May kasalanan din naman ako sa mga nangyari sa amin ate. Hindi ko naman siya totally masisisi kung hindi din niya natupad mga sinabi niya nuon."

"Ganoon naman pala. Paki paliwanag nga uli bakit biglang nagbago ang mga parents mo ng pakikitungo sa kanya?"

"Mahabang istorya ate, nagkapatong patong na rin."

"Hay naku bagets kahit ano pa sabihin namin saiyo, kung hindi din saiyo manggagaling ang desisyon , wala ding mangyayayri. Ikaw lang makakapagbago ng current situation mo. Ayaw din naman naming masabihan ng mga magulang mong sulsol kami saiyo. Ikaw lang makakapagdesisyon ng mga bagay bagay sa personal na buhay mo. Andito lang kaming mga kaibigan mo. Marami kami kaya huwag kang mag alala, marami kang karamay, all you have to do is ask."

"Oo nga Sars, gusto mo ikaw na lang sumama sa amin sa Brazil? Yung isa kasi naming suppose to be kasama, biglang hindi na makakaalis, it will be a good time for you to think and relax at the same time."

Natigilan si Sarah, napatingin kay KC. "Brazil?"

"Yes, we will watch Madonna's concert. May ticket na. Say yes, and its yours."

"Sinong mga kasama? Hindi ba nakakahiya sa mga friends mo?"

"Actually mga kaibign mo din makakasama natin kung sasama ka."

"Sino sino?" Excited na tanong ni Sarah.

Sa nakitang interest ni Sarah ay naging excited na rin si KC.

"Oh yun naman pala Babe sige na, subukan mo namang mag biyahe na hinde kasama parents mo.

Nag isip si Sarah. Tumango at nagulat pa sina KC at Juday ng sabihin ng dalaga na sasama siya.

"Magpaalam ka muna baka hindi ka payagan." Sabi ni KC na nakatingin kay Juday.

"Nope, payagan nila ako o hindi, sasama ako. Pagkakataon ko na to para makabiyahe na kasama lang mga kaibigan. Magsasabi ako sa kanila just to inform them. Kailangan lang maayos ko schedule para makapag taping kami ng SGL."

Akin Ka Na Lang  (AshSam FanFiction)Where stories live. Discover now