Chapter 3

1.1K 15 16
                                    

Kinabukasan , walang kibo si Sarah papunta sa meeting nila with Boss Vic sa Viva office. Paminsan minsan ay tinatapunan siya ng tingin ng mommy niya. Nahuhuli din niya ang daddy niyang tinitingnan siya sa salamin.

Halata na umiyak siya pero wala siyang sinasabi. Abala itong nag bro browse sa link na forward sa kanya ni KC. Itenerary ng trip nila sa Brazil. Sinabi niya kay KC to go ahead and include her to the trip. Yun ang gagawin niya that day ang kausapin mga taong involve sa show niya.

Naghihintay na ang mga madalas na kasama ni Sarah na Viva staff sa conference room. Halos sabay sabay sila nina Boss Vic na dumating.

Bumeso ang dalaga kay Boss Vic.

"Bakit namumugto yata ang mata mo iha? Umiyak ka na naman? Ahhh yung sa Bandila interview ang salarin no?"

Nagkibit balikat lang si Sarah. Umupo na sa side malapit kay Boss Vic.

Nakikinig lang si Sarah sa mga pinag uusapan nila. Karamihan lang naman ay kung ano mga dapat gawin sa mga susunod na show ng dalaga at ano mga responsibilities ng iba. Nabanggit din ang schedules niya the following weeks ahead.

Nung pinag uusapan na ang schedule niya , duon lang nagsalita ang dalaga.

"Pwedeng pa block yung frist week ng December? Sasama ako kina KC sa trip nila sa Brazil." Tuloy tuloy na sabi ng dalaga.

Nagulat ang mga magulang nito. Napatayo pa ang mommy niya.

Napatingin din ng matagal si Boss Vic sa dalaga. Tiningnan ang schedule ng alaga.

"Kelan ang alis nila? "

Sinabi ni Sarah ang date ng alis at balik nila.

"Paano ang show mo?"

"Yun po sana ang hihilingin ko. Kung pwede po sanang mag tape kami this week"

Tumingin si Boss Vic kay Chai , road manager ni Sarah.

"Kaya ba nating gawan ng paraan na ma block ang date na hinihingi ng mahal nating prinsesa?"

"Kaya, konting adjust lang habang maaga para naman hindi masyadong nakakahiya sa ilang commitments ng naka book. " Sagot naman ni Chai.

"Ok then, tawagan mo na agad si Direk about SGL."

Habang tinatawagan ni Chai ang SGL director ay kinausap naman ni Boss Vic si Sarah.

"Mabuti naman at naisipan mong sumama sa mga kaibigan mong mag travel pero sana sa susunod , give us more time ha iha."

"Sorry Boss Vic, kagabi lang kasi namin napag usapan. Nabanggit lang ni KC na kung gusto ko at papayagan nyo , she can reserve yung ticket ng isa sana nilang kasama na nag back out."

"Good for you, buti pinayagan ka nila." Tumingin si Boss Vic sa mga parents ni Sarah na halatang namumula sa galit.

"Ngayon lang din po nila nalaman. " Tumingin din ito sa mga magulang.

"I know magagalit kayo. I know hindi ninyo ako papayagan but this time, sa ayaw at sa gusto ninyo , I will go. I need this. I need a change. Gusto kong mapag isa. Gusto kong mag isip."

Tumayo ang mommy niya at namumulang sinabi, "Hindi ka aalis na hindi kami kasama. Kung gusto mo talagang mag biyahe, sasama din kami or isa sa amin."

"Tumayo din si Sarah. You are not going to do that. If you do, I will just move out and get my own place. Na realized ko, karamihan sa mga sakit ng loob na nararamdaman ko dahil masyado akong naive, masyado akong mabait, masyado akong sumusunod sa gusto ng mga tao sa paligid ko."

Akin Ka Na Lang  (AshSam FanFiction)Where stories live. Discover now