Chapter 1

671 31 13
                                    

A/N: Kung nabasa niyo po yung sa "Up next" ng MDL 2 kung saan inilagay ko ang highlights nitong story, pasensiya na kung merong mga mababagong ilang part, at kung may mga lines na maiiba hehe. Di po kasi talaga ko mahilig magbasa ng mga gawa ko kaya di ko na binalikan yung sa MDL 2. Yung flow lang po ang inaalala ko kaya kung naiba man po, pasensiya na ✌️Kung mas okay sa inyo yung lines doon sa up next na nakalagay sa MDL 2, chorry powz! ✌️😁

--------------------------

RITA'S POV



Naalimpungatan ako na wala na naman siya sa tabi ko. Tinignan ko ang banyo pero hindi bukas ang ilaw no'n at wala rin akong kaluskos na naririnig mula doon kaya malamang na wala doon ang asawa ko.


Yes, I'm married. Actually, eto ang pangalawang araw namin bilang mag-asawa. At sa dalawang araw na yun, ni minsan... hindi ko siya nakitang naging masaya.

Umupo ako at tinignan ang buong kwarto namin. Kalat na kalat na ang dilim sa labas dahil malalim na rin ang gabi. Bumaba ako sa kama para hanapin si Ken... ang asawa ko.





Nakita ko siya sa kusina na umiinom na naman ng alak. Mula nung magsama kami dito, hindi na siya natigil sa madalas na pag-iinom niya. Bagay na hindi ko yata makakasanayan dahil hindi naman talaga siya umiinom ng ganiyan noon... mula lang nung pilitin siyang pakasalan ako.







Oo. Hindi bukal sa puso niya ang pagpapakasal niya sa'kin. Napilitan lang siya dahil sa utos ng parents niya. Akala kasi nila... totoong may nangyari samin.






Medyo magulo? Oo. Kasi sa istoryang 'to ako ang bida sa kwento, pero ang kontrabida sa buhay niya. Kasi sinadya ko ang lahat. Pinlano ko talaga na mapasakin siya. Nilunok ko na ang pride ko masiguro ko lang na magiging akin siya. Na kahit magbago ang pakikitungo niya sakin dahil sa ginawa ko, ayos lang kasi kakayanin ko ang lahat basta nasa tabi ko siya. Kaya kong tiisin ang magiging consequences ng mga ginawa ko, dahil siya ang kapalit ng mga yun.







Siya ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko, kahit kabaligtaran iyon para sa kaniya.








Lumapit ako sa kinaroroonan niya para ayain na siyang matulog dahil mukhang lango na siya sa alak.




"Ken, tara na sa taas. Marami ka ng nainom." malumanay na banggit ko.


Tinignan niya ko ng masama at muling nagsalin ng alak sa baso niya bago mabilis na tinungga iyon.

"Ken, halika na, magpahinga ka na rin sa taas." banggit ko at mas lumapit sa kaniya.

"Hayaan mo lang ako dito. Umakyat ka na lang." cold niyang banggit at muling ininom ang alak na isinalin sa baso.

"Ken, marami ka nang nainom oh. May pasok na tayo bukas kaya halika na, matulog ka na rin." pangungumbinsi ko sa kaniya.

Tinignan niya ko uli at kita ko sa mga mata niya ang kakaibang expression no'n. Parang kahit sa ganung tingin pa lang niya, nakakaramdam na ko ng pagkapahiya sa sarili ko.

"Alam mo, kahit ilang beses kong isipin ang nangyari nung gabing yun, wala talaga kong maalalang may ginawa ako sayo. Wala akong maalala na kahit minsan sa buhay ko, hinalikan kita.. Kaya hindi ko talaga magawang maisip... Kung paano tayo napunta sa kama ko nung gabing iyon. Paanong may nangyari satin?!" punung-puno ng hinanakit niyang tanong. "Kasi Rita, alam mong hindi ko kailanman magagawa 'yun sayo." sambit niya at muling ininom ang alak na nasa baso niya.

Alam ko Ken. Alam ko, kaya nga ako na ang gumawa ng paraan para mangyari ang gusto ko. Para mapasakin ka talaga ng tuluyan.

"Wala akong maalalang nag take advantage ako sayo." sambit niya at muling uminom ng alak. "The f*ck! Ikaw nga ang lasing nung gabing yun, di ba? Nandoon lang ako para masundo ka sa bar, pero ano?! Paggising ko, p*tcha magkatabi na tayo sa kama, pareho pa tayong walang suot?! Ang lakas maka-g*go nung araw na yon, alam mo ba? Ang lakas makagago nun, Rita." may diin ang mga salitang banggit niya at tinungga na ang alak na nasa bote niya.

Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon