Ang pagbabago sa buhay ni Nelya (Pangalawa)

11.4K 172 68
                                    

“F*ck!”

“What the hell!”

At ilan pang sunud-sunod na mura ang narinig ko pagkabukas ko ng pinto habang nanginginig sa kaba. Hindi ako maaring manatili sa kwarto, kailangan kong puntahan si Andrew at tulungan siya kahit ano pang mangyari.

Dahan-dahan, naglakad ako papuntang hagdanan. Tumigil ako sa huling parte ng pader at hinawakan ko ang aking bibig sa antisipasyon na maaring mapasigaw ako sa maaring makita ko bago sumilip.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si Andrew! Nasa huling baitang ng hagdanan at nakaupo patalikod sa akin. Hindi siya gumagalaw at hindi ko alam kung may malay ba siya o wala. Tumingin ako sa paligid at hinanap ang dalawang taong nakita ko sa cctv pero hindi ko sila nakita.

Mabilis akong naglakad pababang hagdanan para puntahan si Andrew. Wala na akong pakialam kung sasalubungin ako ng dalawang tao. Wala akong pakialam kung anong mangyari ang mahalaga ay mapuntahan ko siya.

“Ne-nelly…” Lumingon sa akin si Andrew na hinahabol ang hininga. Binilisan ko pa ang pagbaba sa hagdan at ng marating ko na siya ay naupo ako sa harapan niya.

“A-andrew…” iyon lang ang nasabi ko ng makita ko na ang mukha niya at ang mga mata niya.

“I told you to stay in the room.” Sinabi niya iyon na tila galit at umiling nalang ako.

“Anong nangyari? Andrew?” Pinagmasdan ko ang mukha at katawan niya sa maaring bakas ng dugo at tama ng baril. Pero wala akong nakita, ang tanging napansin ko lang ay hawak-hawak niya ang tiyan niya.

Pinipilit kong alisin ang kamay niya sa may tiyan pero ayaw niyang tanggalin kahit na makailang ulit ko gawin. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin lang sa mga mata ko at umiling.

“Nelly, wala to. Si-sila ang tulungan mo,” naguluhan ako sa sinabi niya. Sinunod ko ang aking paningin sa tinuro niya papunta sa may pintuan at doon ko lang nahalata na may dalawang taong nasa sahig at nakahiga, isa ay hawak-hawak ang braso at isa ay naka-fetal position.

“Ba-bakit ko sila tutulungan?” nagpapanic kong tanong sa kanya. Ganoon na ba siya kabait para tulungan ang mga umatake sa kanya?

“Ahh! Dammit, Andrew!” napangko ang paningin ko kung saan galing ang boses na iyon na tila pamilyar.

“A-andres?”

Dahan-dahan, naglakad ako patungo sa taong hawak-hawak ang braso niya. Nang makalapit na ako ay sinalubong ako ng kanyang berdeng mata na nagngangalit.

“Stay away with me you, bitch.”Napapikit nalang ako at napaurong sa lakas ng sigaw niya. Dahan-dahan siyang umupo na tutulungan ko sana pero hinawi niya lang ako.

“A-anong ginagawa mo rito?”

“None of your concern,” nagmamatigas na salita ni Andres pero ramdam ko na meroon siyang iniinda.

I am his Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon