Si Nelya at si Andrew - Noon Unang Panahon (Ikatlong Bahagi)

5.3K 106 77
                                    


Ilang araw na siyang hindi makatulog at walang ginawa kundi umiyak sa kaniyang silid. Dumating na ang araw na kinatatakutan niya. Isinuplong siya ni Adolfo na nakita raw siyang nakikipagsukatan ng dibdib kay Charles. Hindi niya alam kung paano at saan sila nakita ni Adolfo pero pinaniwalaan agad ito ng mga magulang niya. Galit na galit ang kanyang Mama at nakailang-ulit na sampal ang natamo niya ng araw na iyon. Kaagad ay pinaayos ang papeles ng pagpapakasal niya gayundin ang pagtitipon sa susunod na linggo. Hindi siya pinapalabas ng kwarto. Ginawa siyang preso sa sarili niyang bahay. Hindi siya maaring tumanggap ng sinuman bisita. At pinatigil siya sa kanyang pag-aaral.

"Ayokong kumain." Matapang na salita niya sa kanyang tapag-alaga. "Para saan pa ang pagpapakain sa akin kung papatayin rin lang ako sa huli. Para niyo na lang akong ginawang baboy na ihahanda sa pista."

"Señorita, tingnan mo ang sarili mo. Napakapayat mo na. Huwag mong pabayaan ang sarili mo."

"Nanay Ada...ayoko na. Ayoko ng makulong sa galamay ng mga magulang ko. Kung hindi ko rin naman magagawa ang gusto ko sa buhay ko nararapat na mamatay na lamang ako. Iyon din naman ang sasapitin ko kapag nagpakasal ako kay Julian. Papatayin niya ang kaluluwa ko sa tradisyon. At papatayin niya ang puso ko. Hindi ko siya mahal." Muling umagos na naman ang kanyang luha at inalo siya ng matandang tagapag-alaga niya. Bumalik sa alaala niya ang mga sinabi ni Charles na pagpapakasal , kung sumang-ayon laman siya at sumama sa kanyang magtanan ay hindi ito mangyayari. Pero napakatayog ng pangarap niya. Hindi niya iniisip na sagabal sa kanyang pangarap si Charles pero ang nasa isip niya ay tupdin ang pangarap niya ng hindi umaasa sa tulong ng iba. Pero walang nangyari. At ngayon naglaho ng lahat ng pangarap niya pati na rin si Charles at wala siyang magawa. Hindi siya pipi sa maling sistema ngunit wala siyang magawa ngayon dahil pinutol ng kanyang magulang ang kanyang pakpak.

"Señorita...tumahan ka na. Titingnan ko ang makakaya ko para tulungan ka. Pero sa ngayon, ito muna, alaga ko. Magpakatatag ka." May inabot sa kanyang sulat ang matandang tagapag-alaga niya. Nanlaki ang kanyang mga mata at kaagad na binuksan iyon. Napaluha siya ngunit hindi sa hinagpis kundi sa galak sa nabasa niya sa liham. Nangungulila si Charles sa kanya at mula sa sulat din ng kasintahan ay nalaman niya na ngayon araw pala ang kaarawan niya. Nakalimutan na niya iyon dahil sa kanyang kalagayan.

"Galing iyan kay Laura. Nagkita kami sa bayan. Alalang-alala sa iyo ang kaibigan mo. Hindi ko alam kung anong magiging resulta ng gagawin ko, anak, pero tutulungan kita." Niyakap niya ang matanda at umasa siya sa mga sinabi nito at nanalangin tulungan sila ng Maykapal.
...

Umiiyak siya ng magkita sila ni Charles. Alalang-alala rin ang lalake ng makita siya. Halata ni Cecilia na nagulat ito sa malaking pagbabago ng kanyang itsura at niyakap siya nito na tila porselanang mababasag.

"Charles, can we leave immediately? Take me wherever, I don't mind. I just want to be away from all of this." Naramdaman niya ang parehong palad ni Charles sa mukha niya at tiningnan siya nito na punung-puno ng pagmamahal.

"I will my Cecilia. I will. I will make the necessary arrangement tonight and we will leave this country first thing tomorrow."

"Why not now?" Iyak pa rin siya ng iyak. Gusto na niyang makaalis sa bansa kung saan sa palagay niya ay hindi siya magiging malaya.

"My love, there will be no ship because it is already late. Tomorrow, I promise you."

...

Bagyo ang bumungad sa kanila pagkasampa nilang Maynila. Walang barkong aalis sa pantalan sa araw na iyon at sa susunod na linggo pa ang kumpirmadong paglalayag ng barko.

Takot, dismaya at puno ng pag-aalinlangan ang puso ni Cecilia. Kasama nga niya ang taong mahal niya pero alam niyang hindi pa rin sila malaya hanggang hindi sila nakakaalis sa bansa na ito. Kailan nga ba matatapos ang kamay na bakal ng mga magulang niya? Kailan ba matatapos ang pagdidikta nila sa sariling niyang buhay?


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I am his Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon