4

133 3 1
                                    

"Grabe! Kinakabahan na ako,"

Nakapag DNA test na sila noong nakaraang linggo at ngayon na lalabas ang DNA Test Result.

"Ako nga rin eh," Donna Marie responded on what Donna Belle said.

"Do we really need to go to that Party?" Donna Lyn asked.

"Lenlen, kailangan! Kailangan andun tayo! Kasi walang magsisilbi sa mga bisita ni Sir Jaime!" Donna Marie said.

"Anong magsisilbi?"

Sabay sabay na nagsitinginan ang tatlo nang may magsalita mula sa pintuan ng Maids Quarter. Agad naman silang tumayo.

"Mama," sabay sabay nilang sambit.

"Hindi kayo magsisilbi doon! Kundi isa rin kayo sa pagsisilbihan," Lilian gave them a wide smile.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ni Donna Belle.

"Magbihis na kayo para makarating tayo dun ng maaga," Lilian added. "Agaton, nasaan na ang mga Gowns?"

Nanlaki ang mga mata nina Donna Marie, Donna Belle at Donna Lyn sa nakita nilang malalaking boxes.

"Donna Marie, ito yung sa'yo. Donna Belle, ito naman yung sa'yo. At ito ang kay Donna Lyn," Lilian gave them the boxes.

Agad naman nila itong binuksan.

"Wow,"

Donna Marie got her black wrap gown with x cross back neckline. Donna Belle got her blue mermaid gown with bow back neckline. While Donna Lyn got her silver halter gown with open back neckline.

"Mama, susuotin po namin 'to?" Tuwang tuwang tanong ni Donna Belle.

"Oo naman," nakangiting sagot ni Lilian. "Oh, magbihis na kayo ha? Babalikan ko kayo dito para ayusan, tapos, alis na tayo, okay?"

Tumango ang tatlo at umalis na si Lilian para siya naman ang mag-ayos.

"Grabe, akala ko talaga uniform ng mga katulong ang susuotin natin sa party," ani Donna Belle.

"Ako rin nga eh," Donna Marie said. "Magbihis na nga tayo!"

Unang nagbihis si Donna Marie, kasunod si Donne Belle at ang huli ay si Donna Lyn. Saktong tapos na silang magbihis nang dumating si Lilian, dala dala ang mga pang ayos niya.

"Wow! Ang gaganda naman ng mga anak ko!" Pagpupuri niya sa tatlong anak.

"Siempre! Nagmana lang ata kami sa 'yo," kumindat pa si Donna Belle sa ina.

"Bolera ka talaga, Donna Belle!" Lilian chuckled. "O, siya sige, simulan na natin ang pag-aayos niyo para hindi tayo mahuli,"

Agad na sinimulan ni Lilian ang pag-aayos sa tatlong anak. Si Donna Marie ang pinaka-maputi sa kanila kaya dark make-up ang kanya. Si Donna Lyn naman ang sumunod na maputi kaya saktong light lang ang kanya. Habang si Donna Belle ang may darker skin color sa kanilang tatlo kaya light make-up ang kanya.

Pagkatapos nilang mag-ayos ay agad silang pumunta sa Venue.

*

Brianna's POV:

"Sayang naman ang ganda n'yang gown mo kung pangit naman ang mukha mo," Mommy suddenly appeared on my sight, annoying me.

"Excuse me?" Tinarayan ko siya. "Hindi pangit ang mukha ko!" I even rolled my eyes.

"Ang ibig kong sabihin, naka-busangot ka," she also rolled her eyes. "Are you worried? About sa DNA Results na pasabog ni Lady Prima nung isang araw?"

The Donna'sOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz