CHAPTER 35: ACCIDENT

12 5 0
                                    


Sirius' POV

Prente akong nakaupo habang nakapalumbaba sa mesa. Pabalik-balik ang tingin ko sa phone ko at sa labas ng salamin nitong Milktea Shop.

Wala pa akong limang minutong naghihintay ay inip na inip na agad ako. Gusto ko na kasing makausap si Noona. Kating kati na akong makita siya. Sobrang dami kong gustong sabihin sa kaniya.

"Oh! Mr. Handsome? Is that you?"

Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita. Namumukhaan ko sila pero hindi ko na maalala kung kailan ko sila huling nakita.

"Kami 'to? Nakalimutan mo na?" Sabat naman nung isa pa.

"S-Sorry?" Nahihiya kong sabi.

"Pwede makiupo?" Tanong nung unang babaeng may cute face.

Napatingin ako sa paligid. Punuan na ang buong shop dahil dismissal na ng klase. Sa table ko na lang may tatlong vacant seat.

"S-Sure." Sabay naman silang naupo sa harapan ko.

"Hindi mo na ba talaga kami naaalala?" May halong lungkot na tanong nung pangalawang babae na may bangs at matangos ang ilong.

"Sorry, nagkita na ba tayo?" I really don't talk to strangers but they just looked like normal students from Fuentablo U.

"I'm Angel, she's Melanie. We met here for I think... almost three months ago. Remember?"

Almost three months? Ibig sabihin bakasyon pa—

"Ah, naalala ko na."

Napangiti naman silang dalawa. Sila 'yong kumausap sa akin dito noong nag entrance exam si Noona.

"Bakit mag-isa ka?" Tanong ni Melanie atsaka humigop ng milktea niya.

"I'm waiting for my sister."

"Akala ko ba dati, nagbabakasyon ka lang dito? Bakit nandito ka pa rin?" Takhang tanong ni Angel.

"I study here." Turo ko sa logo ng aking uniform.

Nagkatinginan sila at sabay na tumitig sa akin.

"Magkaschoolmate tayo?! Shocks! Hindi ko alam!" Hindi makapaniwalang sabi ni Melanie.

"Sabi mo, ate mo lang ang mag-aaral dito?"

"Change of plans." Simple kong sagot.

"Malaki ang Fuent. U, talagang imposibleng magkita tayo doon or di kaya nagkasalubong pero hindi natin napansin pareho." Melanie said out of nowhere.

"Yeah right. Anong grade mo na ba? Baka magkabuilding tayo."

"Grade 10."

"WHAT?!"

"Grade 10."

"Omg. Magkabuilding nga tayo!"

"Really? Nice." Nasabi ko na lang.

"Would you mind if we ask your name? Hindi namin naitanong noong wala pang pasok e. Atsaka magka schoolmate naman na tayo. Wala nang masama, diba?" Ani Angel at ngumiti.

"I-I don't mind naman..." kataka-takang may hindi pa pala nakakakilala sa akin.

"Anong pangalan mo?" Excited na tanong ni Melanie.

"Sirius... I'm Sirius Helios Francia."

Pareho silang natigilan.

"M-May problema ba?" Tanong ko.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now