CHAPTER 34: HURT

15 6 0
                                    


Luna's POV

Kitang kita ko kung paanong naglaho si Hiro sa harapan ko. Nawala siya bigla. Kanina ay mukhang sobrang sakit ng ulo niya tapos bigla na lang siyang nawala. Hindi ko mapigilang mag-alala. Saan siya pumunta? Anong nangyari sa kaniya?

"Saglit lang, nakalimutan ko pala 'yong coke sa kotse. Lutang na lutang ako kanina e, sorry. I'll be back." Paalam sa akin ni Cloud at tumayo na.

Naiwan akong mag-isa sa harap ng lapida ni Sky.

Tumingin ako sa paligid at nang makumpirmang ako lang mag-isa ay saka ko tinawag si Hiro. Nakakailang banggit na ako ng pangalan niya pero hindi pa rin siya bumabalik. Nasaan na ba siya? Nag-aalala na talaga ako.

I heaved a deep sigh. There's no way para malaman ko kung nasaan siya. Wala naman akong powers 'no. Hindi ko kontrolado ang paglalaho niya bigla.

"Luna, here." Bumalik na si Cloud at inabutan niya ako ng isang bote ng mini-coke.

"Thanks."

Naupo na ulit siya sa tabi ko.

"Ito nga pala 'yong picture ni Sky." Binigay niya sa akin ang isang picture frame. "Kuha 'yan ng fourth birthday namin... last birthday niya."

Tinignan ko 'yon at ganun na lang ang pagkagulat ko nang mukha ni Hiro ang aking makita. Isang batang Hiro.

Hindi ako pwedeng magkamali. Mukha 'to ni Hiro! Maliwanag pa naman ang paligid kahit makulimlim kaya kitang kita ko ito nang malinaw.

Hindi nagbago ang mukha niya. Mula sa kilay, mata, ilong at labi. Hiro na Hiro! Paano nangyari 'to?

Ibig sabihin ang kakambal ni Cloud ay si Hiro?

"Ano nga ba ang nangyayari sa mga batang namamayapa agad nang hindi pa nasisilayan ang kabuuan ng mundo? May nabasa ako dati na testimony regarding to this thought. Ang sabi ay nagiging anghel daw ang mga ito. May mga naniniwala, mayroong mga hindi pero alam naman ng lahat na malilinis at busilak ang puso ng mga bata. Siguradong sa langit talaga sila mapupunta."

Tama ang sinabi ng pari kahapon.

Posible ngang si Hiro ang namatay na kakambal ni Cloud. Posibleng posible...

"Gusto ko siyang yakapin ngayon... miss na miss ko na siya." Bulong ni Cloud atsaka tumingala sa langit.

"Kung nandito lang siya ngayon, uutusan ko siyang yakapin ka nang mahigpit." Bulong ko rin at pinagmasdan ang kalangitan.

"Paano mo naman magagawa 'yon?" Natatawa niyang tanong.

Tipid akong ngumiti atsaka siya tinignan.

"I can see angels."

Bahagyang kumunot ang noo niya at ilang saglit lang ay mahina siyang tumawa.

"Nice joke."

"Tss, mukha ba akong nagbibiro?" Singhal ko at inirapan siya.

"S-Seryoso ka ba?" Nag-aalinlangan niyang tanong.

"Oo nga."

"C-Cool..."

Ako naman ang natawa.

"Sobrang cool."

Nanay ko, anghel. Boyfriend ko, anghel. Ex ng Lola ko, anghel. Napapalibutan ng mga anghel ang buhay ko. Sobrang cool diba?

"Luna..."

"Mmm..."

"I like you..."

Angel's Mission |Completed|Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt