A List of Names

4.2K 123 8
                                    

CHAPTER FORTY-EIGHT

I v o r y

Alas tres noon ng hapon nang dumating ako sa bahay. Sa totoo lang, bahay ito ng aking pinakamatalik na kaibigang babae. Sige na nga, babae na rin si Terrence kaya dalawa na sila. "Ba't walang tao rito?"

Nagtaka ako dahil wala namang trabaho si Red ngayon, pero wala siya sa kanyang trono. Trono daw kasi niya ang espesyal niyang upuan sa sala. Dito siya umuupo sa tuwing naglalaro siya sa kanyang gaming console. Hindi siya pwedeng istorbohin 'pag siya'y nakapagsimula nang maglaro. "Hoy, Red, sa'n ka galing at napuyat ka?!" Sigaw ko mula sa ibaba ng bahay. "Kumusta si Erin?!" Wala pa ring sumasagot, so I assumed na tulog pa siya. Madaling araw nga pala noong lumabas 'yan. Kakatok sana ako, pero naisip kong nagpapahinga pa silang dalawa ng kanyang iniirog. Naisip ko kasing nandito rin si Erin.

"Terrence, nasaan ka?" Tanong ko sa aking kaibigan. Kausap ko siya ngayon sa telepono. "Magdala ka nga ng kakainin dahil hindi nakapagluto si Red. Puyat siya."

"Pagod 'yan. Alam na this."

"Hay, naku, bakla! 'Wag mo siyang igaya sa'yo."

"Magaling kaya si Red? I bet, magaling 'yan. Silang dalawa ni Erin."

"Saan?" Tumawa si Terrence. "Ay, walang'ya." Tumatawa pa rin si vaklushi. "Pauwi ka na ba? Maaga kang magsasara ngayon, 'di ba?"

"Malapit na nga ako dyan sa bahay, eh," Ika nito sa akin. "Buti na lang pala at bumili ako kanina. Alam ko kasing matutulog maghapon yang kapatid natin."

"O, siya, sige na. Gigisingin ko na rin 'yun." Naglalakad na rin ako papunta sa kwarto ni Red. Nang maibulsa ko ang aking telepono, sunod na lumabas ang isang babae sa silid ni Red. "Erin?" I said, barely audible. No, it's not Erin. That girl doesn't have a tattoo on her body. Shit. It's her. What the hell is she doing here?

"Red?" Wika nito paglabas niya ng pinto. Hindi niya siguro ako napansing nakatayo malapit sa hagdan. "Nasaan ka? I know you're mad, but I can explain. Please, let me." Si Red, galit? Ano kaya'ng ginawa ng haliparot na 'to? Makakatikim na talaga 'to sa'kin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang batok. "Red, is that-"

"What the f-"

"Ivory?!"

"Yes!" Sigaw ko kay Akiko. "And why on earth are you naked?! Nasaan ang kaibigan ko?!" Ang mahaba at makapal na kumot ni Red ang tanging tumatakip sa kanyang katawan. OMG! Don't tell me... may nangyari sa kanila? Paano na si Erin? Bakit si Akiko pa? Sa dinami-dami ba naman, Red, why her?

Sa sobrang inis ko sa kanya dahil sa paninira niya sa relasyon ng may relasyon, itinulak ko siya bago ako pumasok sa kwarto ni Red. "Red, hoy, gaga, magpaliwanag ka nga kung bakit hubo't hubad na naglalakad itong ex mong malandi dito sa bahay na-" Aray! Nasagi ko yung cabinet. "Shit," Bulong ko. Nanlumo ako't nanghina sa nakita ko. Wala na ang mga gamit ni Red. Napaluhod ako at naiyak. "My God, what did you do?"

"I didn't do anything. It's Erin who broke her heart." Si Erin? But how? Why? Akala ko pa naman iba siya sa kanila. "Ivory, she left," Ika nito sa akin. Naiyak siya ng mabasa niya ang sulat na iniwan para sa kanya ni Red. Siguro nga, hindi kasalanan ni Akiko.

"Kung hindi nga ikaw ang may gawa nito, ipaliwanag mo sa akin kung ano'ng nangyari," Mahinahon kong tugon sa dating kasintahan ni Red. Umiiyak na rin pala ako, hindi ko man lang namalayan.

Lead Me Astray (Reverse Harem)Where stories live. Discover now