Eavesdropping

9.2K 193 12
                                    

CHAPTER THIRTEEN

T h e E x e s

"How can she do this to us?" Tanong ni Akiko, sabay roll over naman silang apat na parang yung mga cute na cute na bear sa isang children's song na ten in the bed. "I should've just apologized sooner." Wala namang ibang masisi si Akiko, kundi ang kayang sarili. Ilang beses na kasi siyang nagbalak pumunta kay Red, pero nauunhan siya parati ng takot. Kung 'di lang siya naging duwag, baka nagkaro'n pa siya ng pag-asa. "Hawak ko na nga kasi, eh, hindi ko pa hinigpitan. Nahulog tuloy."

"Oo nga," Summer agreed to what Akiko have said. Most of the time, silang dalawa ang nagkakasundo sa mga bagay-bagay. "Gabi-gabi, iniiyakan ko siya. Mula nung niloko ko siya, at syempre, after naming magkahiwalay ni Brix, dun ko lang napagtanto na mahal na mahal ko pala talaga si Red." Pinunasan niya yung pawis niya sa mukha with her red and black handkerchief. "How I wish I could turn back time."

"Malamang, wala na kayo nung lalake mo, kaya mo siya hinahanap-hanap after that. You just want to be saved, that's it," Pangongontra naman ni Paige. I'm sure, may sagot din dyan si Summer, pero she'd rather be quiet. Ayaw na niyang makipagtalo pa kay Paige, at ganun din yung dalawa. "Anyway, ganyan din naman ang naranasan ko. I thought, kaya ko kahit wala siya, pero at some point, hindi ko pala talaga kayang mawala si Red. Masakit."

"Kahit ano pa'ng sabihin natin, wala na tayong magagawa. There's nothing we can do about it," Ani Ciara na muli na namang kumalam ang tiyan. "I wonder who that guy is. Ang swerte niya."

"Pero kung lolokohin niya si Red, babalian ko siya ng buto," Summer says and then they all laughed. "Tapos kayo naman, babalatan niyo siya, tsaka natin siya paluluhurin sa monggo, bago natin siya hayaang magpagulong-gulong sa asin."

"Seryoso, sino kaya sa tingin niyo?" Akiko asked them. "Baka naman... isa rin sa mga ex niya?" She tugged the three of them. "Baka naman isa sa inyo, ha? Ayaw niyo lang magsalita dahil ayaw niyong masabunutan."

"Kung ako man ang magiging fiancée ni Red," Paige slapped Akiko's hand. "...ilalayo ko siya dito. Idiota, bakit pa ako magpapakahirap na sumama sa'yo, pati na rin sina Ciara at Summer, kung tama nga yang hinala mo? Aber?"

"Malay mo lang, gaga!"

"Impossible 'yan," Sabi ni Paige. "Kung may babalikan man siyang former lover niya, ako na 'yun." Confident na confident siya. Ibang klase, parang may ipu-ipo. "Ako lang, at wala nang iba."

"And why is that?" There's something about them being sabay-sabay.

"Well..."

"Give me one million reasons, Paige." Seryosong-seryoso naman si Summer sa tanong niya kay Paige. "Isang milyon."

"I don't need to give you one million reasons, I just need to tell you one single thing." Lahat sila napatingin kay Paige. "Just one, bitches."

"Ano nga?!"

"Magtigil ka nga, Akiko. Masyado kang atat! Syempre, dahil mahal na mahal ko siya."

Tawa naman ng tawa sina Ciara, Summer at Akiko. "Mahal na mahal din naman namin siya ah." At muli na naman silang tumawa. Nainsulto naman si Paige. "Eh, di... babalikan din niya kami?"

"Ako nga lang. Bakit ba kayo nakikisiksik? Ano 'to? Si Red ang lata, at tayo ang sardinas? Ang ganda ko namang sardinas kung ganun!"

Lead Me Astray (Reverse Harem)Where stories live. Discover now