Captain Obvious

5.6K 184 27
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

E r i n

🎶 The Wonders, That Thing You Do!

"Nakakainis, mamaya may asungot na namang darating," Bigkas ko, sabay pinalobo ang chewing gum kong kanina ko pa nginunguya. "Sa lunes si Ciara, martes naman si Summer, tapos tuwing miyerkules si Paige, at huwebes naman ang bisita ni Akiko," Reklamo ko habang inaayos ang med cart. Padabog na ako, eh. "Ito matindi, tuwing biyernes, nandito silang lahat. How nice."

"Kasalanan mo rin 'yan, Erin."

"Alam ko, but can't a secret lover get jealous?"

"You're not a secret lover and so does your love for her, Captain Obvious."

"Good morning," Ika ng isang napakagandang babae, habang ako ay kanyang tinititigan. Ngunit bigla niyang ibinaling ang kanyang tingin sa aking kaibigan, sabay tawag sa kanyang pangalan. "...Sab." Itinaas ko ang aking kaliwang kilay at napanganga ng konti. "Why are you alone today?"

"Si Erin po, oh. Ang laki-laking tao, 'di niyo makita?"

Inilagay niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng kanyang mga mata at umaktong parang may hinahanap. "Wala ka namang kasama, nurse Sab." Magsasalita sana ako, kaso tumalikod na siya. Bastos. "Pakisabi na lang sa kanya mamaya na magra-rounds na kami."

"Ano'ng klaseng rounds po, doc?"

"Medyo berde, nurse Sarmiento."

"We're all grown ups anyway, doktora." Tumawa kaming dalawa ng kaibigan ko. Umiling siya ng konti at tumingin sa akin. "Siya nga po pala, bakit po wala si Suri ngayon?"

"Sab, alam kong galing ka doon sa bahay niya kagabi," Ani Red, ukol sa kasinungalingang pahayag nitong kaibigan ko. 'Yun pala ang important matter na palusot niya, kaya naman hindi na siya sumagot sa mga pinadala kong mga mensahe. "Kaya ikaw dapat ang tatanungin ko kung bakit wala siya ngayon."

"You... what?!" Agad ko namang tinakpan ang bunganga ko nang mapagtanto kong napalakas ng konti ang sigaw kong 'yun. "Ay, sorry, sorry."

"Pakisabi sa best friend mong napakaganda pero napakasungit na walang dadalaw sa akin ngayon, kaya tigil-tigilan na niya 'ka mo ang pagdaan-daan at pasilip-silip sa opisina ko," Kinakausap niya at binibilin si Sab na parang wala ako sa harap niya. Mga galawan talaga nitong si Red. Kaya siguro siya nagkakaganyan dahil nung isang araw, sweet na naman ako sa kanya, tapos kahapon, hindi ko na naman siya pinapansin. Ikaw ba naman kasi ang dalawin ng apat na ex mo! Nakakainis!

"Hindi naman ah..." Parang wala siyang narinig, kaya naman ginaya ko na lang siya. "Beks, pakisabi ngang hindi naman ako pasimpleng sumisilip o kahit ano man sa opisina niya." Habang tawa ng tawa, agad namang ibinahagi ni Sab ang sinabi ko at ipinarating ito kay Red.

"Ha-ha! Pakisabi na lang din, nurse Sarmiento, na kung pwede, 'wag nang magpakipot yang kaibigan mo." Oh, my God! Lantaran na talaga? Pero totoo namang nagpapakipot lang ako. "Alam ko namang nagseselos siya, eh," Ibinalik sa'kin ni Sab ang mensahe, kahit naririnig ko naman lahat.

"Sabihin mo nga dyan na hindi ako nagseselos." Kanina, natutuwa pa si Sab, pero ngayon, medyo naaasar na siya. "Bakit naman ako magseselos?"

"Kasi mahal niya ako 'ka mo."

"Hay, naku!" Sigaw ng best friend ko. Asar na nga yata siya, o nabibwiset lang siya dahil hindi na lang kasi kami ang mag-usap at mag-aminan ni Red. Isa lang sa dalawa ang dahilan at sigurado ako dun. "Bahala na nga kayo dyan. I'm going to call Suri! Puyat siya. Mas maganda kung magpuyat din kayong magkasama."

Lead Me Astray (Reverse Harem)Where stories live. Discover now