Chapter 19

13.9K 686 74
                                    

Chapter 19

Second Chance


Umiling nalang sa amin ni Gio ang doktor nang lumabas ito galing sa operating room. Nanlalaki ang mga mata kong hindi na natigil sa pagluha. Kinuwelyuhan ni Gio ang doktor na bigo rin.

"Hindi..." umiling-iling ako. Hindi ko matanggap.

Halos magwala rin si Gio doon sa ospital. Inawat na siya ng mga staff.

Dumating sila Nanay at niyakap nalang ako. Hindi na ako makahinga hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.

Ang bigong si Gio ang bumungad sa akin nang nagising ako sa loob na ng isang private hospital room. Nag-iwas ako ng tingin at natutulala nalang sa kawalan...

"Bakit, Gio? Ano iyon? Pinahiram lang ba sa atin ang anak natin? Bakit sobrang bilis? Bakit sandaling sandali lang? Marami pa tayong plano para sa anak natin. Bakit nangyari 'to..." nag-breakdown ako sa araw ng libing ng anak namin.

Maagap naman akong sinalo ni Gio. Mahina na rin ang katawan ko dahil halos wala na akong kain at tulog simula noong burol.

Wala akong narinig kay Gio. Tahimik lang siyang nagluluksa rin sa pagkawala ng anak namin.

"Gusto kong mapag-isa, Gio...please." iyon ang huli kong pakiusap sa kaniya pagkatapos ng libing.

Hinayaan niya akong umuwi sa amin at doon na manatili.

"Hindi na kailangan-"

"Please, Giselle. Let me at least drive you to your hometown. Masiguro ko lang na maayos kang makakauwi sa inyo." sabi niya sa akin.

Hindi na ako nakipagtalo. Tahimik kami sa buong biyahe. Hanggang sinalubong na ako nila Nanay nang nakarating kami at binilin na ako ni Gio sa pamilya ko. Pagkatapos noon ay tiningnan ko nalang siyang umalis.

Iyon na ang huling pagkikita namin...

Sa buong pananatili ko sa amin sa probinsya ay halos hindi ako iniiwan nila Nanay. Palagi sila ng ate na nasa tabi ko. Naging abala rin ako noong nagbuntis ang ate ko. Inalagaan ko siya. At kahit papa'no ay nakatulong din iyon sa akin. Tumulong din ako sa mga gawain sa bukid. Inabala ko ang sarili para makalimot sa sakit...

"Good luck, Gi! Fighting!" si Rose nang paalis na ako sa dorm namin para sa first day ko ulit sa college. Tinuloy ko lang kung saan ako huminto noon.

Ngumiti ako sa kaibigan. "Thank you, Rose."

Tinuloy ko nga ang pag-aaral. Inabala ko ang sarili roon. Madalas din kaming magkita ni Daniel. Nakilala ko na rin iyong pinsan niyang babae na sa parehong University rin pumapasok. Mabait na bata rin si Tria. Para ko na rin itong naging nakababatang kapatid sa nakalipas na mga taon...

"Bakit hindi pa kayo ni Kuya Iel?" tanong sa akin ni Tria minsan habang tinututor ko rin siya. Nakatira siya sa bahay nila Daniel kaya roon ko siya pinupuntahan.

"Magkaibigan lang kami, Tria." ngiti ko sa kaniya. Freshman lang siya sa college noong nagkakilala kami.

"Hmm, gusto ko rin naman nila Tita." sabi niya.

Tumingin ako sa maliit niyang mukha at kulot kulot na buhok. Maganda rin si Tria.

Umiling nalang ako. Nakilala ko na rin ang pamilya ni Daniel at naging mabuti rin sila sa akin.

"Hindi mo ba gusto si Michaela para sa Kuya Daniel mo?"

Umiling siya. "Sinaktan na niya ang Kuya Iel ko noon." aniya. Mas magaling na siyang managalog ngayon. Noong bagong dating pa lang siya rito ay napaka-inglesera pa talaga. Sa States din kasi siya lumaki.

The BachelorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon