Chapter 16

15.2K 695 60
                                    

Chapter 16

Initiate


Tumulo nalang ang mga luha ko nang nahawakan ko na ang anak ko. Ang liit niya sa mga bisig ko. Nag-angat ako ng tingin kay Gio. Ngumiti siya sa akin. Napangiti pa rin ako sa kabila ng pagluha.

Nagtagal din kami ng anak ko sa ospital at inobserbahan pa siya ng mga doktor. Masaya ako nang pinayagan na kaming makauwi. Lumuwas ang Nanay at Tatay maging ang mga kapatid ko at sinamahan din kami ng pamilya ko sa ospital. Kita ko ang tuwa sa kanila nang nakita na rin nila ang baby namin.

"Magiging maayos ba kayo rito?" tanong nang Nanay nang nakauwi na kami sa bahay namin ni Gio.

Tumango ako habang karga ko rin ang anak ko na natutulog. "Opo, 'Nay. May kinuha rin helper si Gio." sabi ko at tumingin kay Gio na ngumiti lang din sa akin.

Tumango ang Nanay. "Osige, basta tumawag ka kapag kailangan mo kami. Luluwas agad kami ng Tatay mo."

Muli akong tumango at ngumiti sa Nanay ko. "Salamat, 'Nay."

Ngumiti ito at tiningnan ang apo.

Nakita na rin ni ate ang singsing ko at pinuri ito. "Ang ganda! Mukhang mahal talaga." anito.

Tumango ako habang nakangiti rin.

Bumalik na rin sa trabaho niya sa company nila si Gio. Ilang buwan din siyang hindi umalis sa tabi ko para maalagaan kami ni baby. Alam kong kailangan ng kuya niya ng tulong. Ang company nila ay pagmamay-ari talaga ng Mom nila na minana rin sa pamilya nito. Pinalago lang ito lalo ng Dad nila matapos magpakasal ang parents nila.

"Ingat ka." bilin ko sa kaniya nang paalis na siya ng bahay.

Maiiwan kaming dalawa ni baby kasama ang helpers at may bodyguards na rin kami rito sa bahay. Wala namang banta sa buhay namin pero kung iyon ang ikapapanatag ng loob ni Gio habang wala siya at nasa trabaho ay okay lang din naman sa akin.

Tumango siya at pareho na kaming hinagkan ni baby. "Call me anytime, okay?" bilin pa niya.

Tumango nalang ako kahit hindi ko naman iyon gagawin kung hindi naman talaga sobrang importante.  Narito rin naman ang mga kasambahay kung kailangan ko ng tulong. Gusto kong mag-focus din si Gio sa trabaho niya. Halos nasa amin lang ng anak namin ang atensiyon niya nitong mga nagdaang buwan.

Nang nakaalis na si Gio ay inabala ko ang sarili sa baby namin. Hindi ko pa ito naisip noon. Siyempre dahil bata pa at pag-aaral pa lang noon ang nasa isip ko. Ang sarap din pala sa pakiramdam na maging ina.

"My apo!" anang kakarating lang na si Tita Clara. Binisita agad kami nito sa bahay.

"Hey there, baby Van." bati naman ni Jack sa anak ko na dinungaw niyang nakahiga sa crib nito. Magkasama sila ng Mommy niya na dumalaw.

Wala kaming maisip na pangalan ni Gio. Medyo natawa na nga lang kami sa mga sarili namin. Kaya sinunod nalang namin ang pangalan sa name niya, Giovanni Fonacier, Jr. At Van bilang nickname na suggestion din ni Jack.

"Tita," niyakap ko si Tita Clara.

"How are you, hija?" kumusta nito.

"Okay, po. Nakapagpahinga na ako lalo rito sa bahay." sagot ko naman.

Tumango ito. "That's good. I actually brought you some healthy juices here. Makakatulong ito sa iyo lalo at nagpapa-breastfeed ka rin?"

Tumango ako. "Opo. Thank you po, Tita."

Abala si Tita sa mga dala niya. "Sinabi lang din ito sa akin ng amiga ko. But this is really good and safe." aniya.

"Inday," tawag ko sa helper. Maagap naman itong tumugon at lumapit. "Paki naman ako rito sa mga dala ni Tita, salamat."

The BachelorsWhere stories live. Discover now