Chapter 8

16.7K 818 59
                                    

Chapter 8

Engagement party


"Ngayon ang engagement party ni Gio. Pupunta ba talaga tayo? Huwag na." ani Jack.

"Pupunta kami ni Giselle." tumingin naman sa akin si Daniel at ngumiti.

Tipid ko nalang din siyang nginitian.

"Pupunta ka, Gi?" tanong sa akin ni Jack.

Tumango nalang ako. Kaibigan pa rin kami ni Gio kaya tingin ko na dapat lang ay naroon din kami gayong inimbitahan din naman kami. Si Felix ang nagdala ng invitations dito sa bahay.

"Hindi ko nga lang alam kung may damit ba ako ritong bagay para sa party," sabi ko.

"Oh, don't worry about it. Pumunta tayo ngayon para makapili ka ng susuotin mo?" ani Daniel.

Naalala ko iyong sinabi niya sa akin noong nakaraan. Wala akong klarong sagot sa kaniya noon. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. Tingin ko ay hindi tama na akuin nalang niya ang responsibilidad na hindi naman talaga kaniya. Mabait si Daniel pero...tingin ko ay hindi tama...

Tumango lang ako.

Dinala ako ni Daniel sa parang boutique ng isang kilalang designer. Formal iyong party at dapat yata na naka-gown. Isang long evening dress ang suot ko. Simple lang iyon ngunit mukhang eleganteng tingnan. Parang silk din ang tela.

Lumabas ako sa dressing room at pinakita iyon kay Daniel kung okay na ba. Kita na ang tiyan ko pero hindi naman kasi sobrang laki. Sabi nga ni Doctora sa akin ay mukhang maliit lang daw talaga ang tiyan ko.

Napatayo si Daniel mula sa inuupuang sofa nang nakita ako. Nasa akin lang ang mga mata niya. "Wow..." aniya na mukhang namangha yata.

Napangiti ako. "Okay na ba?" tanong ko.

Binigyan niya pa ako ng dalawang thumbs up. Bahagya nalang akong napatawa sa reaction niya.

Bukod sa damit, heels at accessories, at isang maganda pang purse ay sinagot na rin ni Daniel pati ang hair at makeup ko. "Sobra na, Daniel," nasabi ko na may pag-aalala. Nakakahiya na rin ito. Hindi naman na siguro kailangan. Kahit itong dress nalang sana.

"It's okay, Gi. Don't worry about it." he flashed his perfect and charming smile.

Huminga nalang ako at hinayaan ang staff na ayusan ako.

Nang natapos ako ay nakabihis na rin si Daniel ng tuxedo niya. "You're really beautiful." ani Daniel ng nakangiti habang nakatingin sa akin matapos din ayusin ang sarili niyang cufflinks.

Medyo nakadama naman ako ng hiya. "Salamat... Ikaw din! Ang guwapo mo lalo sa suot mo ngayon." I told him.

He only smiled wider.

Nakakapit ako sa braso ni Daniel habang papasok kami sa malaki at halatang mamahaling venue. Kasunod din namin si Jack.

May mga bumati sa dalawang lalaking kasama ko at pinapakilala rin ako ni Daniel. Nahihiya talaga ako. Ang dami rin tao sa paligid na kitang mga mayayaman.

"Oh," mukhang nagulat iyong isang ginang na kinukumusta ang Mommy ni Daniel sa kaniya nang bumaba ang tingin nito sa tiyan ko.

Agad na rin nag-excuse si Daniel at inalis na ako roon.

"Daniel," tawag ko.

Binalingan niya ako at sinabing, "I won't tell people anything, yet. But if you agree to what I proposed... Siguradong makakarating din ito sa parents ko, I will tell them that the child is mine." sabay baba din niya ng tingin sa tiyan ko.

Nagbuntong-hininga nalang ako.

"Come on, Gi, cheer up. Don't be pressured. It's okay..." aniya na may ngiti para sa akin.

Huminga nalang muli ako at hinayaan siya nang sabihing ikukuha niya lang muna ako ng maiinom.

Sandali akong naiwan doon dahil pumunta din muna si Jack sa parents niya na naroon din sa party. Wala naman ang pamilya ni Daniel dito. May napuna akong isang magandang babae na diretsong nakatingin sa gawi ko o sa akin. Hindi na agad ako naging kumportable lalo sa titig niya habang umiinom siya ng mukhang wine sa wineglass niya.

Hinanap na ng mga mata ko kahit sino kay Daniel o Jack na kasama ko rin papunta rito. Pero hindi sila ang nahagip agad ng paningin ko kung 'di si Felix na nakita kong parang marahas na hinihila ni Gio sa isang tabi na walang tao.

Gumalaw ang mga paa ko papunta sa kanila.

"Why did you bring her here?!"

Naabutan kong kinukuwelyuhan ni Gio si Felix na mukhang hinahayaan lang din siya. Mukhang kinokontrol lang ni Gio ang hindi tuluyang pagtaas ng boses at mukhang galit din siya kay Felix.

Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko malapit lang sa kanila.

"I did not." ani Felix na mukha pang relax lang kahit parang masusuntok na siya ni Gio.

"You invited her here, you asshole!" ani Gio.

"You.are.the.asshole here." nakita na ako ni Felix.

Nakita kong dumiin pa ang pagkakakuwelyo ni Gio sa kaniya.

"You are my friend, Gio. But I can't stand this. Sumusunod ka nga sa Dad mo pero ano'ng kapalit? Si Giselle ba-"

"Shut up." pigil sa kaniya ni Gio.

Pero nagpatuloy si Felix sa pagsasalita. Nakita na niya ako pero hindi pa niya sinabi kay Gio na nakaharap naman ang likod sa akin.

"You are a coward, Gio. And now a dog to your father. Hindi mo na talaga inisip si Giselle? Nahihirapan 'yong tao. Ni wala nga siyang mapuntahan."

Hindi ko alam kung bakit nasali ako sa mukhang pinagtatalunan nila.

"At ano'ng plano mo sa bata? You will just let Giselle go through it alone? Kahit nandito ka naman? You're unfair, Gio! I won't tolerate you being like this."

Nanlaki na ang mata ko at umawang ang labi.

Diretsong lumipat ang tingin ni Felix sa akin. "Yes, Giselle, Gio's the father of your child."

Agad siyang nabitawan ni Gio at mabilis na bumaling sa akin na nanatiling nakatayo at nanigas na yata roon. Nanlaki rin ang mga mata ni Gio nang nakita ako.

"Hindi ko na mahintay na ikaw na ang magsabi sa kaniya. Baka hindi na dumating 'yon." dagdag ni Felix sa likod niya.

"Giselle..." tawag ni Gio na nakatingin sa akin.

Umiling ako at unti-unting umatras hanggang sa mabilis ko silang tinalikuran at umalis doon. Tinatawag pa ako ni Gio pero diretso na ang lakad ko at paglayo.

Sinalubong ako ni Daniel pero wala na ako sa sarili.

Si Gio ba talaga ang lalaking 'yon? At alam niya...

"Giselle-" pero natigilan din si Daniel nang iyong babaeng nakatingin na sa akin kanina rito sa party ay bigla akong sinabuyan ng kung ano'ng laman ng baso niya.

Agad kong naramdaman ang pagbasa ng likido sa damit at mismong balat ko. Gulat pa ako sa mga nangyayari.

"Michaela!" sigaw ni Daniel doon sa babae.

"Ito ba ang pinalit mo sa 'kin, Daniel?" mukha itong lasing at wala sa sarili.

Susugurin pa sana ako nito ngunit mabilis siyang napigilan ni Daniel. Natigilan na rin ang mga bisita sa paligid namin at natutuon na sa amin ang atensiyon. Hawak hawak siya ni Daniel para pigilan. "Stop it! You already left me, remember? Dapat alam mo na wala ka nang babalikan." mariin na sabi sa kaniya ni Daniel.

"Let me go! I will hurt this bitch! You hurt me, Daniel. I can't- Let me go!" nagsisigaw iyong babae at nagpupumiglas sa hawak sa kaniya ni Daniel.

Naramdaman ko nalang na may mga brasong pumulupot at bumuhat sa akin. Naramdaman ko ang katawan kong umangat at umaalis na kami roon.

Bumuhos nalang ang mga luha ko sa nalaman, sa mga nangyari.

The BachelorsWhere stories live. Discover now