Chapter 6 - Babe.

41.4K 1K 136
                                    

Chapter 6

Nauna siyang maglakad sakin papunta sa parking ng sasakyan niya. Nakakaloka, hindi uso maghintay? Nagmamadali talaga dapat?!

Pagdating namin sa sasakyan niya ay halos malaglag ang panga ko nang pagbuksan niya ko ng pinto. I mean, binuksan niya ang pinto ng shotgun seat at nakatitig sakin.

Napaawang ang bibig ko. "Pinagbuksan mo talaga ako ng pinto?" Gulat na tanong ko.

He shook his head. "Papasok ka ba o tititigan mo nalang ako?" Aniya.

Dali dali akong pumasok sa sasakyan niya. PMS na naman si Mr. Sungit. Nang isasarado na niya ang pinto ay pinigilan ko siya, ngumiti ako ng malapad sakanya. "Thank you Tristan." Sabi ko with all smiles.

Poker face lang siya at sinarado na ang pinto.

Naku ikaw Mr. Sungit ka! Pasalamat ka gwapo ka at gentleman. Kung hindi, nahalikan, I mean nasapak kita.

Tahimik lang siya habang nagmamaneho, medyo traffic kaya naman bored na bored ako sa loob. Sinubukan kong buksan yung ipod na nakasaksak sa speakers niya. Pagtunog ay tumingin siya sakin ng masama.

Bakit ba laging PMS to?

 

I mean, oo nakakadagdag ng kagwapuhan niya yung pagiging masungit niya pero araw-arawin daw ba?

Nagpeace sign ako. "Pagamit ah? Medyo mabibingi na kasi ako sa sobrang tahimik natin eh." Sabi ko sakanya.

Umiling lang siya at tumutok ulit sa daan. Namili ako ng kanta at yun, sakto!

Blank space.

 

Nang magumpisa ang kanta ay nakangiti pa kong nakaharap sa bintana, nang hindi ko mapigilan ay napasabay narin ako sa pagkanta.

“Gotta long list of ex-lovers, they’ll tell you Im insane. Cause you know I love the players, and you love the game...” Pagsabay ko sa kanta.

Napatingin ako sakanya. Baka naingayan si Sir Sungit. Akala ko ay papatayin niya ang tugtog para huminto ako pero nagulat ako ng makita kong bahagya siyang nakangiti.

Tinusok ko ang tagiliran niya kaya napaigtad siya. "Uyy. Nainlove siya sa boses ko." Asar ko sakanya.

Nawala ang ngiti niya at naging seryoso ang mukha. "Dream on, miss."

I smirked. "Sus. Okay lang yan. Maganda naman kasi yung boses ko. No wonder nainlove ka. Okay lang yan Tristan, naiintindihan kita. Minsan nga naiinlove ako sa sarili ko sa ganda ng boses ko eh."

Sumimangot siya. "So full of ourselves, are we?" He said as he stopped the car in front of the building.

I shook my head. "Just telling the truth, sir." Sabi ko at ngumisi.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now