Chapter J - Ipagtabuyan.

32.3K 848 137
                                    

Chapter J

 

Kabado ako habang papunta kami sa bahay nila Tristan. Kanina ay nagbago ang plano, kami nalang muna ang pupunta para daw mas makapagusap kami tungkol sa kasal.

Bukas nalang niya ipapakilala si Angelo kila Tita Gabby.

Buti nalang at hiniram ng mga kapatid ko ang mga anak ko. Nilabas nila si Angelo at Kate ngayon.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko mula pa lang paggising ko kanina. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang galit ng pamilya ni Tristan sakin, but Im sure they're mad.

Kahit siguro sa future pag iniwan ang mga anak ko, magagalit talaga ako sa mangiiwan sakanila.

Pero sana hindi sagad ang galit nila. I just cant afford na ipagtabuyan uli. Kahit pa sabihin na hindi ko sila pamilya, ay pamilya sila ng lalaking mahal ko.

Their opinion matters, that is.

Naramdaman kong hinigpitan ni Tristan ang pagkakakapit sakin. "You okay? You're fidgeting."

Tumango ako at nagpalabas ng buntong hininga. Parang meet the parents all over again ang peg ko ngayon.

Pagdating namin sa labas ay halos mabingi na ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Damn, Kathy! Umayos ka! Baka maihi ka pa sa panty mo sa sobrang kaba! Nakakahiya!

"Wait here. I'll just call them." Paalam ni Tristan tapos ay hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Nanatili akong nakaupo sa sala nila habang si Tristan ay umakyat para tawagin sila Tita Gabby.

Nang makita ko si Yesh pababa ng hagdan ay nakangiti ko siyang sinalubong. Pero nagulat ako sa susunod niyang ginawa.

Umalingawngaw ang ingay ng paglagapak ng kamay niya sa pisngi ko.

"YESH!" Sigaw ni Tristan at agad na bumaba para itago ako sa likod niya. Napahawak yung isang kamay ko sa braso niya bilang suporta.

Nanlabo ang paningin ko sa sobrang hilo at sa mga luhang lumalabas sa mata ko.

Halos mamanhid yung buong mukha ko sa lakas ng sampal niya. Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman kong naginit yun. I bet, bakat yung buong palad niya sa mukha ko.

Pilit ni Yesh na tinatabi si Tristan para matignan ako ng masama. She was fuming mad at me.

"Bakit ba bumalik ka pa! Guguluhin mo na naman ang buhay ng pinsan ko? Hindi ka pa ba tapos sa paninira ng buhay ni Tristan ha?!" Sigaw niya sakin.

Napaigtad ako ng sumigaw si Tristan. "YESH! SHUT UP!"

"NO! I wont fucking shut my mouth up. Bakit? Sabihin natin sakanya kung gaano niya ginawang miserable ang buhay mo nung iwan ka niya!" Sigaw ni Yesh at dinuro ako.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now