Kabanata 9

668K 20.6K 6.1K
                                    

Kabanata 9

PARANG HUMINTO ANG pag-inog ng mundo ko. Kitang-kita ko ang dalawang makapal na kilay ni Amang na magkasalubong. And the last time na nakita ko ito, napagbuhatan nya ako ng kamay. Kaya naman ganoon na lamang ang kabog ng dibdib ko na makita syang muli sa ganitong itsura.


Nangangatog akong tumayo sa aking kinauupuan at marahang humakbang papalapit sa kanila.

Sa madilim na mukha ni Mama ako unang napabaling. 


"M-ma... magpapaliwanag p-po ako..."


"Rosenda!!!" tungayaw ni Amang. Kamuntik na akong mapatalon sa gulat. "Sino ang lalaking iyan?!"


"A-amang... kasi po..." tila may bikig sa aking lalamunan. Wala akong maapuhap na sasabihin.


"Putangina, Rosenda! Sino ang lalaking ito?!" dinuro nya si Jumbo sa mukha na abala lang sa pagnguya ng sandwich.


Nangamba ako na baka patulan sya ni Jumbo. Oo't may pangangatawan si Amang, pero di hamak na mas malaki si Jumbo kaysa sa kanya. Kung nakapagpatumba ito ng apat na katao, malamang ay mani lang rito na patumbahin lang din sya.


Maige na lang at agad niyakap ni Dangdang si Jumbo. "Wag nyo po sya sasaktan... huhuhu..."


Wala namang kaalam-alam si Jumbo sa mga nangyayari. Tuloy lang sya sa pagkain na parang walang tao sa paligid. At nang maramdaman nya ang yakap ni Dangdang, gumanti rin sya ng yakap dito.


"Dangdang, halika rito!" hinigit sya ni Mama bago bumaling sa akin. "Tingnan mo, Rosenda. Pati ang kapatid mo ay hinayaan mong malapit sa baliw na yan!"


"M-magpapaliwanag po ako..." nangangatal ako. "S-sya po si Jumbo... pansamantala ko po syang itinira rito dahil wala syang matutuluyan. N-nagawa ko po iyon dahil... iniligtas nya ang buhay ko. Kamuntik na po kasi akong mapagsamantalahan at naroon po – " hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakalapit na pala sa akin si Amang. Naramdaman ko na lang namanhid ang mukha ko matapos nya akong sampalin.


"Wala akong pakialam kong iniligtas ng lalaking iyan ang buhay mo!" dinuro nya rin ako sa mukha. "Alam mo ba ang pinagsasasabi mo, Rosenda?! Hindi mo ba alam na may saltik ang lalaki na 'yan. May saltik!" bulyaw nya sa akin. "Ibig sabihin, baliw! Baliw ang lalaking yan! At nagpatira ka rito ng baliw?"


Sapu-sapo ko pa rin ang aking mukha habang humihikbi ako.


"Paano kong mawala sa sarili yan at bigla na lang tayong patayin?! Huh?!" dinuro nya akong muli. 


Tama si Amang. Pinoprotektahan lang nya ang pamilyang ito. Pero kaya ko namang i-handle si Jumbo. Ang kaso, paano ko sa kanya ipapaliwanag iyon? Nanlaki ang mga mata ko nang bigla syang dumampot ng walis tambo. "A-amang..."


"Tarantado ka!!!" Inihampas nya iyon kay Jumbo. Sapol ito sa noo. Sinapo nito agad ang sariling ulo.


"Amang, tama na po!" patakbo akong lumapit upang awatin si Amang. 


Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon