Kabanata 34

626K 21.5K 4.4K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 34

"WE LOVE T!"

Napatanga ako sa mga kabataang tila nagwewelga sa labas ng Saavedra Condominium. May banner pa silang dala-dala. Kanya-kanya silang tilian at sigawan kahit sinasaway na sila ng mga men in black. Araw-araw daw ay ganito rito sabi ng mga guwardiya. Sanay na sila.

Ganito nga pala talaga kasikat si Jumbo! Pero makilala kaya siya ng mga tao sa labas ganitong mukha siyang busabos sa marumi at gusot niyang polo? Plus pa na parang pugad sa gulo ang buhok niya, tadtad ng guhit ang mukha niya at may bird pa siya sa pisngi?

"Ingat po kayo, Sir. Hindi po ba talaga kayo magpapasama?" tanong sa kanya ng security guard sa lobby.

Umiling si Jumbo. "Mas okay na wala kayo, para di sila makahalata."

First time palang lumabas ni Jumbo sa lobby, dahil madala na sa parking lot siya nanggagaling. Ang kaso, ngayon ay kailangan niya talaga akong ihatid hanggang lobby para masure niya na makakasakay ako ng taxi papuntang airport. Kikiligin na sana ako pero klinaro niya na ginagawa niya lang ito para makasigurong madidispatsa niya ako ngayong araw. Kung paanong nai-pagbook niya ako ng ticket ng ganoon kabilis ay hindi ko alam!

Nasa likuran ng mga fans niya ang taxi. Hila-hila niya ako at hindi niya malaman kung saan kami dadaan. Napamura si Jumbo nang mapabaling sa akin. "This is all your fault!" gigil na asik niya sa akin.

"S-sorry..." sabi ko sa maamong boses. Paniguradong kukuyugin siya ng mga fans na ito kapag nakilala siya.

"Bakit hindi mo na lang kasi ako hayaan. O kaya hayaan mong guard na lang ang magsakay sa akin sa taxi. Di naman ako tatakas," nakalabing sabi ko. Ayaw niya kasi talaga akong iwan. Siya raw mismo ang magsasakay sa akin sa taxi para sigurado.

Hindi na siya nagsalita pa. Basta na lang niya ako hinawakan sa aking kamay at saka niya ako hinila patakbo.

Wala na akong nagawa kundi magpatianod sa kanya. "K-kashe... dahan-dahern... eheher..."

Naman, Rosenda! Ngayon pa ba? Eh, seen be kese nye ke dedelhen?!

Sa walang direksyon na takbo namin ay hindi kami sa nakaparadang taxi napunta, kundi sa kabilang kalsada na malayo na sa Saavedra Condominium. Wala namang mga fans na nakasunod sa amin, hindi talaga siguro siya napansin. Siguro dahil hindi naman iisipin ng mga fans niya na sasama siya sa isang madungis na katulad ko, at mas lalong hindi nila iisipin na ang iniidolo nila ay mukha ring gusgusin ngayon.

Pero hindi pa rin safe na pahara-hara kami rito sa kalsada lalo pa at may mangilan-ngilan ng napapalingon kay Jumbo na tila kinikilala siya. Sakto namang may nakahintong bus malapit sa amin na mukhang paalis na. Ako naman ang humila sa kanya papasok dito. Wala akong ideya kung paano ko siya napasunod sa akin sa laki niyang iyon. Basta ko na lang natagpuan ang aming mga sarili sa loob ng G-liner bus.

"Ano bang klaseng sasakyan ito?" reklamo niya nang makaupo na kami. Sa dulo kami pumuwesto para malayo sa ibang pasahero.

Kung alam mo lang, dito ka sa ganitong sasakyan unang nahumaling sa 'kin. I mean, sa sandwich ko pala.

Mabuti na lang at hindi rush hour. Kakaunti lang ang tao.

Bumaling ako kay Jumbo na halos nakayukyok na para maitago ang mukha. "Kailangan natin ng pambayad." Sabi ko sa kanya.

Humugot siya ng wallet at iniabot sa akin. Makapal iyong at mukhang maraming laman. Nang bunagkalin ko iyon ay nanlumo ako. Pulos kasi ATMs at mga credit cards ang laman niyon. "Wala kang cash?"

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon