Chapter 2

44 4 1
                                    

"Sino ka at bakit ka napadpad sa Millard?" tanong ko sa kanya bago sumubo ng fries. Nandito kami ngayon sa Jollibee, lumalamon. Binili ko sya ng spaghetti, fries, cheeseburger at coke. Spag att coke lang dapat angibibli ko kaso baka mabitin ang mga alaga nya. Naisip ko naman na gagawa na rin lang ako ng mabuting aral sa iba edi lubus lubusin ko na.


"Hulaan mo." sabi nya sabay ngisi. Sumubo sya ng spaghetti. Tinignan ako pagkatapos ng nakangiti. Seriously. Ano bang problema netong lalaking 'to? Kung 'di ako ngingitian, tititigan. Tutunawin na yata nya ako dito. HIndi kaya may dumi ako sa mukha?


Napahawak ako sa labi ko at pinunas punas ang palad ko dito. Once again, narinig ko syang tumawa.


"Oh." Inabutan nya ako ng tissue. Bago ko ito kunin, tiningnan ko muna sya. Mukha syang Chinese na Arabo na unggoy kapag nakangiting sobrang lapad. Chinese kasi guhit na lang yung mga mata nya, wala ng makitang iris. Arabo kasi antangos pa din ng ilong nya kahit batak na batak na ang mukha dahil nga sa sobrang lapad ng ngiti nya. Jusko. Nakakasilaw naman 'tong ngipin nya. Unggoy kasi.... wala. Gusto ko lang tawagin syang uggoy.


"Huy! Ngawit na 'ko o." Pagkatapos nyang magsalita, agad agad kong hinablot ang tissueng kanina pa nya iniaabot. Ipinunas ko ito sa bibig ko. Pagkatingin ko sa kanya, muli ko syang nahuling nakatingin sakin.


"Bakit?" tanong ko.


"'Yung dulo ng name ko.. nageend sa O." sabi nya sabay ngiti. 


Uminom ako ng coke. "Sa tingin mo naman huhulaan ko?" pagtataray ko. Pero deep inside, nagflood na ang mga pangalang nagtatapos sa O. 


Nagtitigan kami for 5 seconds hanggang sa kumain sya ng fries dahil ubos na yung spaghetti na kanina pa nya inuunti unti. Pakshet. Ang init init.


Ilang segundo... minuto nya akong hindi kinausap kaya pinagbigyan ko na din ang utak. Sayang ang effort nya sa paghahanap ng mga pangalan.


"Angelo?' paninimula ko. 


Umangat ang ulo nya pero tuluy tuloy pa din sya sa pagkain. Umiling sya.


"Lorenzo?" Iling. "Enzo?" Iling. "Diego?" Iling. "Boots?"


"Tingin mo sakin unggoy?!" natatawa nyang sabi. Tiningnan ko lang sya ng mga sandaling yun pero sa totoo lang, OO ang sagot ko sa isipan ko. 


"Fernando?" Iling. "Leo?" 


"Di ako lion."


"GUSTO MONG IWAN KITA DITO HA?" pananakot ko sa kanya. Kitang nahihirapan na nga ako dito manghula e sabat pa ng sabat! Unggoy na 'to.


"Sorry na po sorry na." Inirapan ko sya at saka nanghula ulit. Puro iling lang ang nakuha ko.


"SINO KA NGA?!" frustrated na ko! Pang ilang hula ko na ng pangalan neto. Halos magkadikit na ang dalawa kong kilay at sumakit na din ang ulo 3 seconds ago. Naiinis na ko. Bakit ba hindi na lang nya sabihin?! HIndi naman siya pipi para hindi makapagsalita. Kaimbyerna.

A Hole Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon