Nang dahil sa Fishball

94 4 3
                                    

Anubayaaaaan! Nakasakay na ako ng jeep nang maalala kong naiwan ko pala yung P.E uniform ko sa classroom. Nako! Babad pa naman ako kanina sa araw kakabadminton. Baka umalingasaw yung 'bango' ko sa room namin. May mabalitaan pa 'kong nahimatay.

HIndi ako nagdalalawang isip na tapikin ng bonggang bongga ang kisame ng jeep. Mga naka-trentang sunud sunod na tapik na siguro ako pero hindi pa din huminto si manong. Punyemas kuyaaaa! Ang sakit sakit na ng buto ko sa daliri! 

"MANONG! PARA HOOO!" hindi kalakasan kong sigaw. Nakaidlip kasi 'tong katabi ko. Mukhang call center agent sya dahil sa I.D at for sure, puyat 'to. Ang sama ko naman kung magigising pa sya sa sigaw ko.

Lumipas ang isang minuto at mukhang walang balak si manong na apakan ang brake. Punyemas na talaga oo. Sumilip ako sa bintana para makita ko kung gaano na kalayo ang napadpad ko. Natanaw ko na yung simbahan ng Immaculate at narealize ko na sobrang layo ko na pala sa school. Nagsikuluan ang dugo ko at walang anu ano'y sumigaw ako ng..

"KUYAA! PARA!"

Medyo nakita kong gumalaw yung mga mata ng katabi ko. Syit naman! Ano na Angelica? Jusko! Kuya, patawarin nyo po ako at hindi ko po kayo napagbigyan sa hangad nyong matulog sa jeep na ito ngunit kailangan kong pigilan mangamoy pawis ang classroom namin. Huminga ako ng malalim at tinanaw muli ang bintana. Malapit na kami sa bakery nila Aga! Syit syit..

"PUNYEMAS KUYA! SABI NG PARA E! 'PAG IKAW HINDI PA HUMINTO DYAN KAKALBUHIN KITA LALO!" buong pwersa kong sigaw. Agad namang huminto ang jeep. Dahil dalawa lang kaming pasahero, nagslide kami sa unahan. Gulat na gulat na iminulat ni kuya ang mga mata nya at masamang napatingin sakin. Medyo nadaganan ko kasi sya pero nagsorry naman ako no.

Bumaba ako ng jeep sa tapat ng bakery nila Aga. Agad agad akong tumawid sa kabila tutal wala pa namang nadaang mga sasakyan. Saktong pagkatawid ko, may dumating kaagad na jeep. Yun nga lang medyo puno. Aarte pa ba ako?

Sumakay ako sa jeep at napaupo sa gitna ng magsyota at isang lalaki sa right.  Kinuha ko yung wallet ko sa bag at saktong may eight pesos. Inabot ko ang bayad ko.

"Bayad po."

Nakatingin lang ako sa magsyota, hoping na aabutin ng isa man lang sa kanila ang bayad ko. Pero imbes na bayad, labi ang inabot nila. Wow. Di yata nila afford ang room kaya sa jeep na lang. Instant SPG. 

May kumalabit sa right shoulder ko. Nang lingunin ko, nakita ko si kuyang katabi ko na nakangiti.

"Akin na. Ako na lang mag-aabot."

Binigay ko naman sa kanya ang bayad ko. Matatouch na sana ako sa ginawa nya kaso tumapat sakin yung kili kili nya. Lakas pre. Malakas. Pinigilan ko na lang ang paghinga ko habang nag aabot sya ng bayad which is naging successful naman. Hihinga na sana akong muli nang bigla syang humawak sa hawakan ng jeep. Jusko kuya. Napakabait mong nilalang. Dahil dyan, reregaluhan kita ng deodorant at sabon.

HIndi nagtagal nakarating na din ako sa school. Dali dali akong bumaba at sumagap ng polluted na hangin. Pagkapasok ko sa loob, nagtaka ako kung bakit may karamihan ang tao. Ay oo nga pala. May contest sa Arts. 

A Hole Called LoveWhere stories live. Discover now