Chapter 4

32 3 2
                                    

Note: Third Person POV po ang chapter na 'to, mainly focused on Angelica.

•••

'Good morning miss :)' ang bumungad sa umaga ni Angelica. Gawa ng kulang ang kanyang tulog, agad siyang nabad trip at isinilent ang cellphone niya. Muli siyang natulog hanggang sa umapoy sa init ang kwarto niya. Joke lang.

Halos mag aalas tres na kasi ng madaling araw nakatulog si Angelica kagabi dahil sa kakangawa ng cell phone n'ya. Hindi n'ya malaman kung anong klaseng tao ba ang kanyang kausap dahil nga sa total stranger nga 'yata' ito kahit ilang araw na silang magkausap.

Sa totoo lang, 'di talaga cellphone ang tanging rason ng pagiging nocturnal ni Angelica sa mga nakalipas na araw. Nababagabag s'ya sa identity ng katext n'ya. Lalo na't hindi at medyo imposibleng maidentify kung alin siya sa mga nag aadd sa kanya sa Facebook. Buong gabing tumambay ang frustration sa tabi ni Angelica habang nagsstalk ng 'Adders' niya.

Pishti naman pabebe na 'to. Ayaw pang magpakilala buti sana kung gwapo, she thought the whole night na nagmumukhang creeper sa Facebook. Minsan nga naisip na n'yang suhulan na lang si stranger para lang umamin. Kaso, ayaw n'ya namang magmukhang desperada sa taong never pang nagpapakilala sa kanya.

"Aica.." sabi ng mahinang boses. Hindi naman natinag sa pagkakatulog si Angelica kaya.. patuloy sa lang siya sa paghilik.

"Angelica.." lumakas ng bahagya ang boses. Narinig man niya ang boses ay pinili lang niyang hindi ito pansinin.

"ANGELICA!" sigaw ng boses with matching alog alog. Dahil hindi naman bingi at manhid (hindi nga  ba?) si Angelica, nagising siya at biglaang napabangon na naging dahilan ng pagkahulog niya sa kama.

"Araaay.. put.." bago pa man makapagmura si Angelica sa sobrang sakit ng impact sa puwetan niya ay nakita niya ang mama niyang bakas ang pag aalala sa mukha. Medyo may halo ring pagpipigil ng tawa ang ekspresyon ng kanyang ina.

"Ah MA! Bakit po? *haplos sa puwet*" tanong ni Angelica habang nakaupo sa wooden floor ng kanyang kwarto.

"Anak namaaan. Maloloka na yata ako sa'yo e. Halika tayo." Inalalayan ni Marga ang kanyang anak sa pagtayo at umupo sila sa kama. Mabait na ina si Marga sa kanyang dalawang anak. Siya na nga ang tumayong ama sa pamilya gawa ng ang kanyang asawa ay bihira lang umuwi. Isa kasi itong Engineer sa ibang bansa at sa kanya lang umaasa ang kanyang pamilya.

Medyo okay na ang pakiramdam ni Angelica nang makita niya ang hitsura ng kanyang kuwarto. Nakabukas ang kanyang closet at kalat kalat ang mga damit. Mayroon sa kama niya, sa may pintuan at sa kamay ni Marga.

"MAMA! ANONG GINAGAWA NINYO?!" Halos maghysterical na si Angelica sa ginawang pagmassacre sa kanyang nag iisang closet. Ayaw nya kasi ng maruming paligid. Dapat laging organized at kung magulo man, siya rin ang makakaintindi sa sarili niyang kalat.

Agad na pinakalma ni Marga ang kanyang anak bago pa man ito makatayo sa kinauupuan.

"Anak naman. Bakit ganito yung mga damit mo? Puro tshirt ni wala ka man lang matinong blouse o dress man lang sabi ni Marga. Naging resulta nito ang pagkunot ng noo ni Angelica. Nakaramdam siya ng confusion. Ngayon lang siya pinagsabihan ng kanyang ina tungkol sa mga isinusuot niya. Hindi naman siya madalas lumabas kaya bakit pa niya kailangan ng magagarang damit?

"Ma naman. Para saan pa? Hindi naman ako palalabas. Tambay lang ako dito. Tsaka Ma, diba sabi ninyo simplicity is beauty? E bakit nag iba yata kayo ng road? Nakapagbasa siguro kayo ng fashion magazines no? No Ma?" pang aasar niya sa nanay niya.

"Nako anak. You won't belib dis," nakangiting sabi ni Marga. Natawa si Angelica sa pagsalita ng mama niya ng Ingles dahil alam niyang sadya ang katigasan nito. Sa totoo lang, idol niya nga si Marga pagdating sa foreign languages. Napakafluent kasi nitong magsalita at tuwing magjojoke siya ay saka lang niya ginagamit ang carabao English.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Hole Called LoveWhere stories live. Discover now