Epilogue

115K 3.4K 543
                                    

***

Bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Kasabay ng pagbaha ng liwanag ng araw mula roon ang kinang ng imahen ni Tonya. Malapad ang ngiti ni Grey. His bride was a stunning angel in her white, glittering gown. May taklob mang belo, kita at dama niya ang ngiti nito nang mapatingin sa kanya.

Marahan itong naglakad sa pulang carpet sa aisle.

Napa-'Oh!' ang mga taong nakatingin din. Napasinghap ang mga best men niyang sina Adam at Evan. Panay ang siko sa kanya. Mukhang masama naman ang loob ni Shaun na best man din. Si Mitch na siyang maid of honor, pinigilang tumili.

Today, on a bright Sunday morning, with three hundred people watching except his mother, he's marrying his Tonica.

She's now 58 kilos, with vital statistics 35–28–36, and a heart larger than anyone he knows.

Hindi nito pinaniniwalaan hanggang sa ngayon kung gaano ito kaganda. Sa loob ng tatlong buwan mula nang ikasal sila ng tiyuhin ay pinaghirapan nitong abutin ang katawang gusto para sa sarili. Sinabi man niyang hindi nito kailangang pumayat ay balewala rito. She's stubborn. Strong. Tough. Gumagawa ng paraan para sa bagay na magustuhan kahit na mahirap.

He admires that about her.

Even when they first met, she straightforwardly asked him to be her donor just because she needed to.

"I'm Gregory Montero," aniya sa babaeng pumasok sa silid ni Dean. Iniabot niya ang kamay rito.

Natigilan ang mataba pero magandang babae nang abutin ang pakikipagkamay niya. "Sperm donor," wala sa loob na sabi nito.

"Pardon?" kunot ang noong tanong niya. May narinig siyang sinabi nito pero baka nagkakamali siya.

"Naghahanap ako ng sperm donor. Puwede ka ba?"

He likes her that first day. Kahit na pakiramdam niya ay magiging sakit ng ulo niya ang babae, may karisma itong nakapagpapangiti sa kanya.

From that day up to their working days, she got into his skin unnoticed. It's easy to endear herself to him. Dahil siguro sa hilig nitong bumati. Wala itong sawa sa pag-good morning o good afternoon sa lahat ng tao. Laging nakangiti na parang may ikangingiti. Masigla kahit pa pagod o walang maintindihan sa mga iniuutos niya. Kahit sungitan, hindi natitibag basta ang kumpiyansa. She doesn't think bad of people.

He admires that about her, too.

Hindi niya napansin ang sariling damdamin hanggang sa isang araw ay sabayan siya nito sa pagkain. Lakas-loob niyang itinanong ang tungkol sa mga quotes na ikinakabit nito sa mug niya. Akala niya noon ay taktika nito iyon para magkainteres siya rito.

"Do you know what you are doing?" tanong niyang tumikhim at nag-iwas ng tingin dito. Uminom siya ng kape para itago ang tensyon. He felt dumb getting shy about something so simple.

"Ano?" tanong ni Tonya habang ngumunguya.

"About the quotes. Do you know what you are doing?"

Pinanindigan niya ang hindi pagsulyap.

"Ah! Nagtitimpla po ng kape n'yo, Direk!"

"There is a movie like that, 'di ba?" paalala niya.

Masigla ang ngiti nito. "Opo, Direk. 'Yong si Laida, na assistant sa isang magazine firm! Tapos, tuwing tinitimplahan niya ng kape ang boss niya, may nakadikit na notes na may messages! Tapos, parang dahil do'n sa mga notes niya, napalapit 'yong loob ng lalaki, 'di ba?

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon