Hindi Tayo Pwede - UniSoy ft. Aly

683 24 4
                                    

Gabb's

"Sama ka?" Tanong nila saken.

"Ah hindi ko alam."

Nandito kami ngayon kila Ate Abby. Inaaya ako papunta kila Ate Rans.

"Tara na. Boring ka naman." Makikita ko lang siya don. Ayoko pumunta.

Pero wala, napilit nila ako.

Kaya eto, nandito na ako sa sasakyan ni Ate Abby. Katabi tong mga lampungan ng lampungan na kala mo mga pusa.

"Respeto po sa gwapo." Parinig ko sa kanila.

"Ah kala ko respeto sa umaasa kay Ate Rans." Nabatukan ko naman ng wala sa oras si Amy.

"Epal ka?" Inirapan ko lang siya. Bwisit amputa.

Malapit na ata kami dahil lumiko na si Ate Abby.

"Ready ka ng makita ang baby mo?" Pang-aasar ng kapatid ko sakin, yung girlfriend ni Ate Abby.

Si Ate Sela yon.

"Ate may Abby ka lang ginaganyan mo na ako." Nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Sorry na, ikaw pa din baby ko." kiniss niya naman ako sa pisnge.

Nandito na kami kila Ate Rans. Maingay nga eh. Mukhang nandito na sila Ate Brei.

Or sila Ate Sheki siguro.

Ayokong pumasok pero punyeta tong sila Amy. Tinulak ba naman ako.

Muntik pa tuloy akong sumubsob. Buti na may naka-alalay saken.

"Oh Gabb? Ok ka lang? Ito talagang si Amy, ang harot harot." Napatingin naman ako sa nagsalita.

Shit.

Si Ate Rans.

"A-Ah o-oo." Tangina bakit kase sobrang ganda niya? Nakaka-utal tuloy. Nakakatulala ang kagandahan niya.

"Ingat ka din kase. Tara na. Ikaw Amy kakaltukan kita eh." Inakbayan niya naman ako papasok sa loob.

Agad akong umupo sa tabi ni Ate Sheki. Ako lang ata walang jowa dito punyeta.

Si Coleen may Ate Brei, si Cole may Laney, si Ate Abby may Ate Sela. Sus si Ate Sheki may Ate Alice.

Nagk-kwentuhan kami ng mag-ring ang phone ni Ate Rans.

"Teka lang, sagutin ko lang to." Si Ate Aly siguro.

Nakakaputangina palang mainlove. I've been hiding this feelings for her for almost 2 years. Habang sila ni Ate Aly ay 3 years na.

Basta nagising na lang ako, gusto ko na siya.

Dala na din ng pang-aasar nila samin noon. Palagi kase nilang sinasabi na bagay kami ni Ate Rans. Ayan tuloy tangina.

"Awts saet no?" Itong si Amy lalagyan ko na ng packing tape ang bibig. Kanina niya pa ako iniinis eh.

"Pag sinapak ka ni Gabb, bahala ka Amy ha?" Sabi naman ni Ate Brei.

"Last time na sumapak si Gabb, naospital pa."

"Uhm, guys? Aly will come. Ok lang ba?" Tanong niya.

Rans, ayoko.

"Ok lang naman."

"Great, kala ko ayaw niyo."

Ayoko talaga.

Gustong gusto kong sabihin sa kanya yon. Pero di pwede. Sino ba ako para pigilan siya?

MNL48 One Shots (closed)Where stories live. Discover now