SheLice - Sorry

797 32 0
                                    

"Babe tignan mo dali, ang cute nung picture mo kanina dun sa event." Ngiting ngiti na sabi ni Alice sa kanya.

"Huy! Sabi ko tignan mo." Ulit nito ng makitang hindi man lang ito lumingon sa kanya.

Walang ganang kinuha ni Sheki yung cellphone sa kanya.

"Babe may problema ka ba? You can talk to me naman."

"Alice let's talk."

"Nag-uusap tayo, tsaka bakit Alice na lang? Babe mo ko ah!" Reklamo niya dito.

"Seryoso ko Alice, tigilan mo yan."

"O-Ok, sorry na. So about saan nga?" She asked her again before leaning on her.

"Let's stop this." Para namang gumuho yung mundo niya ng marinig yung sinabi ni Sheki.

"H-Ha? Babe ano ka ba? Nagjo-joke ka ba?"

"Seryoso ko Alice, itigil na natin to." Seryosong sabi nito.

"Babe, a-alam kong April 1 ngayon, oh ayan na napaniwala mo na ako oh? Asan na yung camera d-diyan?" Garalgal na ang boses niya, pinipigilang maiyak sa sinabi ni Sheki.

"Hindi to prank. Alice. Itigil na natin to."Tuluyang bumagsak yung mga luha na kanina niya pa pinipigilan.

"K-Ki bakit? May nagawa b-ba akong mali? Kung m-meron man sorry na. Bati na tayo." Sabay yakap dito.

"Alice wala." Inalis niya ang pagkakayakap sa kanya ni Alice.

Huminga siya ng malalim bago tinignan ang mga mata nito.

'Huling beses ko na atang makikita yung mga mata mo.' Sambit ni Sheki sa isip niya.

"Alice hindi na kita mahal." Walang emosyon niyang sabi dito.

'I'm really sorry, Alice'

"Sheki, ano ka ba? Mahal mo ko diba? Ano ba? Umayos ka." Umiiyak na sabi ni Alice. Umiling kang sa kanya si Sheki.

"Hindi. Hindi na kita mahal. Sorry." Tuluyan namang napahagulgol si Alice sa kanya.

Gustong gusto niyang yakapin si Alice, pero alam niyang hindi pwede, hindi na pwede. Isang maling galaw niya lang pwedeng mawala lahat kay Alice, maging sa kanya.

"Sheki wag ka namang magbiro! April 1 ngayon alam ko,kaya bawiin ko na dali." Umiiyak pa din nitong sabi.

"Hindi ako nagbi-biro Alice. Hindi na kita mahal." Pinipigilan niya na ding maiyak, hindi niya kayang makitang ganto si Alice.

"Sheki bakit? May iba ka? Ha? Sino?" Umiiyak nitong tanong.

"Meron. Kaya nga itigl na natin to. Di na ako masaya sa ganito. "

Ilang araw na din kase simula ng malaman ng manager nila kung anong meron sa kanila.

Kaya agad siyang ipinatawag. Ordering her to break up with their Captain or kung hindi isa sa kanila ang matatanggal sa grupo.

Hindi pwedeng mangyari yon, hindi niya kayang mawala si Alice. Pero matagal ng gusto ni Alice to.

"Sheki, mahal na mahal kita eh. Halos ibigay ko na lahat sayo. Kaso di naman kita masi-sisi diba kung makakahanap ka ng iba. P-Pero Sheki, masakit eh. Sobrang sakit. Ito pala yon. Ito pala yung nararamdaman nila. Di ko naman alam na ganito pala kasakit."

'Wag kang umiyak,Alice. Please.'

"O-Ok lang Sheki, kung sino man yung bago mo sure naman akong aalagaan ka non. F-Friends pa din tayo ha? Kapag sinaktan ka non ako unang sasapak don."

"Sorry talaga Alice. And ofcourse, friends pa din naman tayo." She managed to say before she left Sheki.

"Sela." Sinalubong kaagad siya ni Sela ng yakap.

"Shh, Sheki. By, puntahan niyo ni Rans si Alice."

"Sela, ang sakit." Hagulgol nito.

"Sh, kahit kami nasasaktan. Sorry kung hindi namin nagawang pagtakpan kayo nun, sorry talaga Sheki."

"Ok lang. Sobra sobra na nga yung nagawa niyo. Pero Mars, ang sakit na makitang ganon si Alice." Umiiyak nitong sabi habang nakayakap kay Sela.

"Captain?" Katok naman ni Rans sa pintuan.

Agad na nag-ayos si Alice ng istira niya.

"Ok ka lang?" Tanong kaagad ni Abby sabay upo sa tabi nito.

"Tanga ka ba Abelaine? Kita mo ng naiyak oh?"

"Ok lang ako." Malamig na tugon niya.

"Hay nako Alice, iiyak mo na samen. Dito lang kame. Di ka namin iiwan." Rans.

"Sabi niya din yon eh." Mapait namang napatawa si Alice sa kanila. Nagkatinginan naman ang dalawa.

"Shh, andito lang kami Alice." Niyakap naman ni Rans si Alice para mapatahan ito sa pag-iyak.

"Sheki,ginawa mo naman yun para sa kanya. Malay mo after this diba, kayo pa din yung sa huli."

"Panigurado galit na siya sakin." Sheki said.

"Hindi magagalit sayo si Alice, alam naman nating lahat kung gaano kamahal ng Captain natin."

"Thank you Sela ha?" Ngiti nito dito.

"Wala yun, basta if ever you na need mo ko, I'm always here, for now hayaan na muna natin si Alice." Ngiti na lang isinagot ni sheki dito.

'I'm really sorry Alice. Ayoko lang mawala lahat ng pinaghirapan, sorry for lying na may iba na ako. I love you.'



Wazzup mga emenlabs, so ayon napaka-ikli na naman ang update. HAHAHAHAHA. ARAW NG MGA MANLOLOKO NGAYON YUHOO! chour.

MNL48 One Shots (closed)Where stories live. Discover now