DarNey - (Untitled 4)

1.1K 28 4
                                    

Angst ahead!!!

Daryll

I was doing my Kumu Live when Laney suddenly join in.

"Wait lang, after this na nga." I said to her. Kinukulit niya akong lumabas. How can I say no?! Ang cute niya masyado.

Ayaw naman niya umalis sa likod ko. I just gave her a kiss on her forehead before focusing on my live.

In just more minutes I finally end it.

Pinuntahan ko na kaagad siya sa may labas. Hayst, ba't ba ang ganda ganda netong babaeng to? Paki-explain nga!

"Uy?" I called her. Humarap naman siya.

"Ang tagal mo naman kasi!" She whines so I just smile at her.

"Sorry na nga. Ba't ka ba kase nagmamadali?" Tanong ko tsaka umupo sa tabi niya.

"Eh magpapatulong kase ako sayo, I know that you're good on this."

"School works mo ba yan?" Tanong ko na kaagad.

"No. Da, I want to confess na kay Cole." Kumirot naman bigla yung puso ko.

"H-Ha?"

"Gusto ko nang umamin kay Cole. Di ko na kase kaya. Tulungan mo ko pleaaaaaseeee." Tangina, hindi masakit pramis. Hindi. Sobra lang.

"A-Ah. K-Kase--" Pinutol niya na kaagad ako.

"Dali na Daryll." Humawak naman siya sa kamay ko.

"Ok fine. Matitiis ba kita?"

Ngumiti naman siya sakin bago yumakap.

"Thank you Dadaaa!" Humalik pa siya sa pisnge ko bago nagmamadaling pumasok sa loob.

"Naks, wala na bang mas sasakit dito?" I uttered while staring at the night sky.

Sana pala nagconfess na ako kaagad sa kanya. Tanginang buhay to. Paano maging si Cole?

Wag kayo, hindi ko galit kay Cole ok? Hindi rin naman ako galit kay Laney. Well desisyon niya naman yon. As her friend susuportahan ko naman siya don. Pero di ko din maiiwasang masaktan. Ang dami kong inakala eh.

Hanggang fan service lang pala kame lalayag, akala ko pa naman lalayag kami ng tuluyan. Wala, lubog na. Di ko nga alam kung lumayag ba talaga o ako lang yung nagaassume. Hays, ambohai naman ay isang malaking hatdog na may ketchup.

Nag-stay pa ako sa labas. Panigurado kaharutan non si Cole, ayoko namang makita sila ng ganon. Dati ayos lang kase akala ko magkaibigan sila. Yun pala lumampas na don yung nararamdaman ni Laney.

For sure naman na may gusto din sa kanya si Cole. It's obvious kaya!

Konting pagi-isip lang ng mapag-pasyahan kong pumasok na. Malamig na din sa labas. Mukhang uulan pa nga. I guess sasabay yung ulan saken ngayon. Good timing diba?

Pagpasok ko wala na akong naabutan. Tulog na ata sila kaya dumiretso na lang din ako sa kwarto namin.

Nagising ako sa alarm clock, kasabay din ng pagpasok ni Laney. Ang sarap siguro gumising tuwing umaga ng ganito kaganda ang makikita mo.

"Daaa! Tutulungan mo ko ngayon diba? Bangon ka na daliii!" Parang gusto ko pang matulog.

"Mamaya naman. Kakagising ko lang oh. Di pa nga ako nakakapagtoothbrush!"

"Maganda ka pa din naman ah?" Tanginaaa! Baka namumula ako! Guys tulooong!

"E-Ewan ko sayo. Saglit lang. M-Mag-aayos lang ako."

MNL48 One Shots (closed)Where stories live. Discover now