<12.2>

301 2 0
                                    

VOTE | COMMENT | LIKE | SHARE | PIN IT | RECOMMEND | BE A FAN HIHI

=============================

Patrick's POV

Gusto ko sanang kulitin tong katabi ko, kaso baka masuntok lang ako. Hindi pa ako mabigyan ng pagkain nito, nako mahirap na. Hahaha, biro lang.

Yung mga ka-klase ko, ang iingay pa. Akala mo ngayon lang naka sakay ng bus eh. Tapos kami naman dito, ang tahi-tahimik. Iisnabin lang naman rin ako nitong katabi ko.

"Mapapanis yang laway mo, sige ka." Bigla ko nalang sinambit.

"Tung babaeng to oh, makisama ka naman kahit paminsan." Tiningnan lang niya ako na akala mo ako na ang pinaka boring na tao sa mundo. Aba bastusan.

"May bunganga ka, bigay yan ng Panginoon tapos hindi mo ginagamit. Sayang naman." Ang hirap naman pakisamahan ng babaeng to. Leche, dapat di ko nalang binigay sa kaniya tong upuan nato.

"Shut up, I wanna sleep." Sagot niya at pumikit. Nilakasan pa lalo ang kanta sa earphones, kahit ako naririnig ko na anong pinapakinggan niya eh.

Hay nako, 'tong babaeng to talaga. Parang seasonal lang yung pagkakaibigan namin, ka lechehan. Hindi ko mabasa ang isip, paminsan nasasabayan ko paminsan naman lumilihis. Nak ng teteng. Ano nga ba tawag dun sa mga babaeng napaka moody, yung palaging sinasabi nila, yung PCM? PSM? Ah! PMS! Leche.

Nakarating kami ng plant site pagkalipas ng isang oras. Ginising ko yung katabi ko, babatukan pa nga sana ako buti nalang sinenyasan ko agad na nakarating na kami. Grabe, nakaka sakit na siya. :/ de biro lang.

"Okay, everyone up!" Agad niyang sigaw, tapos nag unat pa. Nagising ang iba, at simula nanamang umingay.

"Bring your valuables! Don't forget to bring especially your water! Geddit, guys?" Tsaka siya pumunta sa unahan, katabi ng driver.

Nauna akong lumabas. Sumipol naman siya pag daan ko, kaya nilingon ko siya pero ngumisi lang siya sa akin. May sanib ba tong babaeng 'to?! Leche, kanina ang sungit ngayon ngumisi-ngisi.

Ella's POV

Nag simula ang tree planting. So far, lahat nag t-trabaho. Nako siguruduhin lang nila, lalo na kung mag iinarte sila sus, bigyan ko sila ng lotion na putik eh! Chos di po ako galit. Sorry poehszxc!

"Ahm ano, Ella." Kumunot naman ang noo ko sa pag lapit ni Unggoy.

"Hm?" Hindi parin ako tumitingin sa kaniya kasi di ko pa tapos mabungkal ang lupa.

"Check natin yung bus? Baka may nga gamit pa kasi dun." Nilingon ko siya at pumayag ako.

Tahimik lang kami papunta hanggang sa pag che-check sa unang bus. "El, may naiwang bote ng tubig dito o." Sabay pakita niya sa akin nun. Naalala kong kay Philip yun(hehehehelol),

"Ah! Akin na yan! Ako nalang mag bibigay nito kay Philip." Tsaka ko kinuha agad, baka kasi inumin niya yun, pg pa naman to lol.

Pero bago pa ako maka labas ng bus, napansin kong naka kunot ang noo niya nun.

Pagkatapos namin ng pag che-check nilapitan ko naman agad si Philip. Holy shit, ito ang unang beses ko siyang maka usap. Ahg.

Dapat ba akong unang mag 'Hello' o didiretso akong 'Oy, tubig mo.' Ay shit.

"Ahm,Philip..." nag kakamot pa ako ng batok nun. Nasa likuran ko naman si Patrick at narinig ko syang suminghap pero naka tuon lang ang tingin ko kay Philip na nag tatanim.

"Ah, bakit? Mag iiutos ka Ella?" Nag papagpag pa siya nun.

"Ah yung ano, tubig mo, naiwan mo kasi si bus. Sa iyo to diba?" Sabay abot ko.

You're the ONLY ONE (KathNiel ) -HIATUS-Where stories live. Discover now