<45> The game is over

1.3K 6 1
                                    

45TH CHAPTER GUYS. SOBRANG TAGAL NA NG UD. MALAPIT NA PO MATAPOS ANG STORY. MASYADO NA KASING MAHABA. TAS BORING NA.. FOR SURE KAYO RIN NA BO-BORED NA. KAHIT AKO RIN. HAHA. SHORT LANG TALAGA TO. BABAWI AKO NEXT TIME. WALA RIN PONG PICTURE. MAG HAHANAP PA. SENSHAAA GUYS! 

HAPPY 140K READS. AND 170 FANS. THANK YOU GUYS! :* 

COMMENT | VOTE | LIKE | BE A FAN | READING LIST| RECOMMEND | PIN IT 

====================================================================

 

Tikoy’s POV

Do the right thing. Tanananan! Mag papakabait na nga ako. -_- Oh? Tingin mo jan? May hinihintay kang sasabihin ko? AH! OO NGA PALA! Matagal tagal ding walang balita sa buhay namin. Nakaka limot kasi yung taga-update. Sensha talaga. (A/N: opo. Nakakaimot talaga. Senshaaa! Tinatamad din ako minsan dahil sa mga school works. Sensha talaga!!! >___<v)

So yun nga… Pagkatapos rin ng ilang linggo (4x na ilang linggo), naka labas na si Patrick. Buti di masyado na ano yung katawan niya. Lalo na yung utak. Nagkaroon lang naman siya ng bali sa kaliwang paa at sa magkabilang braso. Pero oks na ngayon. Naka uwi narin siya. Yung mama na niya ang nag aalaga sa kaniya ngayon. Nahihirapan pa nga yun maligo kaya tinutulungan pa. Pero di pa siya nakaka pasok.

Si Ella naman, gustong gusto pumunta sa bahay nila Patrick. Kaso nahihiya. Ay nako!

“Good bye, class!” sabi ni Sir. Uwian na. tayuan ang lahat. Inat inat ng katawan. Lapit sa mga kaibigan naman yung iba. Ako... Lapit kay Michelle. Bakit? Kakausapin ko siya. Tama na nga kasi diba?

“Miiiich!” sigaw ko. Lumingon naman siya na parang na annoyed. Sungit talaga. -_-“

“Whaaaat?!” sabay cross arms.

 “Sabay nalang tayo uwi.” Aya ko. Nag taka naman siya.

“Ayeee~” sabi naman nung mga kasama niya. Pero hindi na yung mga best friends niya ang kasama niya ah. Napansin ko lang. ‘Di na sila nag sasama ngayon.

 “Huy! Nu ba! :/” suway naman niya agad.

 “Sige Michelle! Una na kami! Wahaha! Ingat girl!” sabay wave nung mga kaibigan niya.

Binalik niya tingin niya sakin. “Oh?” siya. “Tara! :)” Wala lang siyang imik nun. Pumunta kami ng back ground. (Wag kayo. Di yun back ground na sa cellphone or ano. Back ground. As in back ground.) Umupo lang kami dun. Malamang, nakakapagod tumayo noh. Tas nilabas ko yung mga junk foods at soft drinks ko sa bag. Kaya ang bigat eh. -_-

“Anong meron? Picnic?” tanong niya. “Hehe! Basta!” tas ayun. Nag simula akong buksan yung Mr. Chips. Kuha naman siya. “Bakit ba?” tanong niya. Ngumit lang ako. Di ko inalis yung tingin ko sa kanya. Kumakain lang ako. Tapos tingin ulit sa kanya. Nailang siya kaya umiwas ng tingin. “Bakit? Anong meron?” tanong ulit niya. Lumunok muna ako.

“Tigil na natin ‘to.” Siryoso kong sabi.

Michelle’s POV

“Tigil na natin ‘to.” Sabi niya. Napatingin ako bigla sa kanya. Siryoso siya.

“Ang ano?” pa inosente kong tanong.

“ITO. ITONG GINAGAWA NATIN SA KANILANG DALAWA.” Diretso niyang sagot sa’kin.

“AYAW KO.”  Diretso ko ring sagot sa kanya. AYAW KO. KASI MASAKIT. MAHAL KO SI PATRICK DIBA? MAHAL NA MAHAL. KAHIT KAYO, ALAM NIYO YUN. AYAW KONG ITIGIL TO. :(

“Bakit ba Michelle?! Ha?! Hindi ka niya mahal! AT KAHIT ANONG GAWIN MO, HINDING HINDI NIYA MABABALIK YANG PAG MAMAHAL NA BINIBIGAY MO SA KANYA!” galit na siya. Pero pinipigilan niya.

“WALA AKONG PAKIALAM! BASTA MAHAL KO SIYA! PLEASE!” sumisigaw na din ako.

“Sinasaktan mo lang s---“ “Ganun na ba talaga ako ka desperada? :(“ pag puputol ko sa sinabi niya. Umiiyak na ako. “Yung too? Oo. Tama na kasi.”

“Bakit ba kasi ganun? Ginagawa ko naman ang lahat diba?”

“Kasi si Ella lang yung mahal niya.”  Napatahimik ako. Ano bang meron kay Ella na wala sa akin?! :(

“Mahal ko lang naman kasi talaga si Patrick. Yun lang yun.” Sagot ko habang humihikbi.

“Mahal mo nga… Sinasaktan mo naman. Yun ba yung pag mamahal? Sus. Kung sa exam yan, bagsak ka na.” sagot niya. Sabay batok ng mahinang mahina sa’kin.

“AURGH!!! Ano na ba kasi yung mga nangyayari?!” sabay bato ko ng bato sa puno.

“Marami. Nag mamahal sila sa malayo. Hanggang tingin lang yung pwede nilang gawin. Haha. Alam mo, kahit hindi mo tanungin… Makikita mo. Makikitang makikita mo sa mga galawa nila kung gaano nila kagusto ang makapag usap sa isa’t isa. Kung gaano nila kagusto bumalik sa dati. Kung gaano nila namimiss yung isa’t isa. Alam mo, kung di lang talaga mabait yan si Patrick… Matagal ka nang pinatay nun sa galit. Hahaha” sabay kamot sa batok niya.

“Tama na nga…” bulong ko. “Tama na!Oh diba! Sabi ko sa’yo! Tama n---“

“Hindi! Tama na tong pag-uusap nato! HINDI PARIN! AYAW KO PARIN!” sigaw ko. Tiningnan ko siya. Wala lang siyang imik.

“Joke lang. Oo na. SIgi na. Hindi na. Tama na.” sabay yuko ko.

“Hihingi na ako ng tawad. Tutulong ako para mapabalik sila sa dati.” Iyak iyak parin ako. Unrequited love. Haaaay. Sakit noh? Letting go. Haha. Sayang. Hinding hindi siya mapapasakin. :”(

===========================================================

You're the ONLY ONE (KathNiel ) -HIATUS-Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα