Glances

3.5K 71 32
                                    

A/N: after many days na walang update.. here i am again.. waaaaaaaaaahh.. sana hindi pa kayo sawa sa mga gawa ko.. salamat po.. ^_^

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

"Uy, Acky." kulbit sa akin ng seatmate at friend kong si Maya.. Kasalukuyan kasi kaming nag-didiscuss sa physics.. 

"Oh? Bakit?" tanong ko sa kanya ng lingunin ko siya..

Pasimple niyang inilapit ang bibig niya sa tenga ko at bumulong.. "Nakatingin sa'yo si Terrence oh." sabi niya..

Automatic naman na kumilos ang leeg ko.. Lumingon ako sa pwesto ni Terrence.. Nakita ko nga siyang nakatingin sa akin.. Pero agad din niya itong binawi.. 

"Uy, namumula." pang-aalaska ni Maya.. Alam kasi ni Maya kung gaano ko kagusto si Terrence.. Elementary pa lang kami.. Magkaklase na kami.. Pero ni minsan.. Hindi kami nagkaroo ng pagkakataon na magkausap.. Sarilinan man o grupo.. Hanggang tingin na lamang ang ginagawa ko sa kanya.. 

Masaya na ako makita lang siya malayo.. 

"Tumigil ka nga." sabi ko sa kanya.. Hinampas ko pa siya sa braso niya.. 

"Ms. Marilao and Ms. Maranan!" tawag sa amin ng aming guro.. "May problema ba kayong dalawa?" tanong ni Mrs. Angeles..

"W-wala po, Ma'am." iling kong sagot.. Tiningnan ko ng masama si Maya.. Nagpipigil lang siya ng tawa.. 

**********

Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng punong mangga.. Nagbabasa ng libro.. May exam kasi mamaya..   

"Terrence!" agad akong nag-angat ng tingin.. Nakita ko si Terrence.. Kasama ang mga kaibigan niya.. Nandun sila 'di kalayuan sa pwesto ko.. Nakita kong itinuro ako ng isa sa mga kaibigan niya.. Lumingo siya.. Agad akong nag-iwas ng tingin.. Sana lang hindi niya ako nahuli..

 Dahan-dahan akong tumingin muli sa kanya.. Pero agad din akong nag-iwas.. Nakatingin pa rin siya sa akin.. Ang puso ko.. Super lakas ng tibok.. Parang gusto ng kumawala sa katawan ko.. 

Laging ganito ang nararamdaman ko.. Sa tuwing nakikita ko siya.. Kahit sa malayo.. Masaya na akong makita siya.. Mula sa pwesto ko mula sa ilalim ng mangga.. Naririnig ko ang tawanan ng mga kaibigan niya.. Muli akong tumingin sa kanya..

Nakikipagtawanan na din siya sa mga kaibigan niya.. Ang sarap pakinggan ng mga halakhak at tawa niya.. Para bang ang saya-saya niya.. Hindi ko mapigilan ang mangiti.. Kahit sa simpleng tawa niya lang.. Sumasaya ako.. 

Pero napawi ang mga ngiti ko ng makita kong tumingin na naman siya sa gawi ko.. Bawi agad ako ng tingin.. Tiyak.. Nahuli niya ako.. Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko.. Pakiramdam ko, pulang-pula ako.. 

Agad kong kinuha ang gamit ko at umalis na..  Baka kasi ipagkanulo pa ako ng mga sulyap ko..

♥ One Shots ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon